Chapter 53

133 13 5
                                    

GRAY


Umayos ako ng upo at itinukod ko ang mga kamay ko sa tuhod ko. Nangalumbaba ako at tinitigan kong mabuti ang mga galaw ni Erza na kasalukuyang umaarte ngayon sa gitna ng stage.


Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin ako sa kanya. Ang ganda nya talaga.


Lalong lumaki ang pag ngiti ko ng maalala ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Erza sa likod ng FTB. Hindi ko inaasahan yon. Matagal ko ng gustong gawin ulit sakanya yon pero wala akong lakas ng loob para gawin yon. Galit sya sakin. Pero ngayon ay hindi na. Sa pagtugon nya sa halik ko kanina ay alam kong mahal parin nya ako. Ramdam ko yon, na mahal parin nya ako hanggang ngayon.


Agad kong hinilamos ang mukha ko gamit ang kamay ko. Pakiramdam ko kasi ay nag iinit ang mukha ko.


Ano bang nangyayari syo Gray! Hindi ka naman ganito!

Napailing nalang ako sa sarili at muli kong pinanuod si Erza.


-


ERZA


"Aasahan ko kayo bukas mga bata. Alam kong kaya nyo yan. Malaki ang tiwala ko sainyong lahat. Umuwi na kayo at magpahinga." -Master.


Nagpaalam na kaming lahat kay Master at nagsialis na kami sa stage. Magkakasama kaming naglalakad na lima. Si Natsu, Lucy, Gray, Jellal at ako. Tahimik lang kaming lima hanggang sa makalabas kami ng FTH.


Nag angat ako ng tingin ng makaramdam ako ng may humawak sa kamay ko. Si Jellal. Marahan nyang pinisil ang kamay ko at ngumiti sya sakin. Mabilis kong sinuklian ang ngiti nya at umiwas ng tingin sakanya.


Hindi ko kayang tignan si Jellal. Lalo na ngayon na may ginawa akong kasalanan sakanya.


Narinig ko ang pagtikhim ni Gray sa likuran naming dalawa kaya agad akong yumuko at kinagat ko ang labi ko. Nagu-guilty na ko sa lahat na nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko para maayos ang gulong ginawa ko.


Pareho silang importante sakin. Si Jellal at Gray. Pero alam kong sa huli ay kaylangan kong mamili sakanilang dalawa. Pasimple akong umiling. Hindi ko na alam ang gagawin ko.


"Erza."


Natauhan ako ng tawagin ako ni Jellal. Napansin kong nakatigil na sya at wala na yung tatlo. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa harapan na pala kami ng bahay. Napailing nalang ako. Masyado palang malalim ang iniisip ko dahil hindi ko manlang namalayan na nandito na kami sa bahay.


Lumapit sakin si Jellal at inilagay nya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Tinitigan nya ako na para bang kinakabisado nya ang mulha ko bago nya hangkan ang noo ko.


"Pumasok ka na sa loob Erza. Masaydo ng malamig ngayon at kaylangan mo ng magpahinga." Nakangiti nyang sabi. At alam kong pilit lang ang ngiting yon.


Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Jellal. Ganun parin sya, nakatitig at nakangiti sakin. Agad akong nakaramdam ng pang gigilid ng luha kaya't mabilis akong yumuko.


"Erza..."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan ko ng lumuha ang mata ko. Nang maramdaman ko ang pagyakap sakin ni Jellal ay doon na ko humagulgol.


Walang nagsalita saming dalawa. Nanatili lang kaming magkayakap habang ako ay umiiyak.


Bakit kaylangang humantong ang lahat ng ito dito? Bakit kaylangang may masaktan? Bakit kaylangang mamili? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang ang lahat? Yung wala ng problema?


Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon