Chapter 39

149 14 6
                                    

LUCY



Kanina pa ko palakad-lakad dito sa sala. Anong oras na ba? Sumilip ako sa orasan dito sa sala at mag a-alas ocho na ng gabi. Nakakain na kaming dalawa ni Natsu pero hanggang ngayon, wala pa yung dalawa!



Nasan na ba kasi yung dalawa? Malabo naman na magkasama yung dalawang yun dahil sa nangyayari. Malamang ay kasama nila yung mga partner nila ngayon. Nung iwan ko kasi si Erza kay Jellal ay hindi na sila bumalik pa sa room. Akala ko nga ay hindi na papasok si Gray eh, pero pumasok sya. Kasama nya si Juvia.



Inis akong umupo sa sofa at humalukipkip. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan parin ako sa dalawang iyon, kay Gray at Juvia. Hindi ko kasi alam kung sila na ba talaga o ano. Kanina kasi nung nasa room na sila ay ginigisa talaga sila ng mga tanungan pero hindi sila sumasagot. Mukhang wala silang pake sa paligid nila dahil sa sobrang sweet nila!



Oo! Napaka sweet nila!



Aba! Kung wala man silang relasyon, aba tinalo pa nila yung nga mag syota! Halos hantikin na nga ako sa upuan ko kanina kapag napapadpad ang tingin ko sakanilang dalawa eh. Nakiusap kasi si Gray kay Master na kung pwede daw ba na lumipat ng upuan at tumabi kay Juvia. Ewan ko ba kay Master kung bakit nalang lagi syang pumapayag kay Gray kaya ayun! Magkatabi na sila. At ang katabi naman ngayon ni Erza kapag pumasok na sya ay si Jet.



"NAKAKAINIS!" Inabot ko ang maliit na unan na nasa hita ko at inis na binalibag sa katapat kong sofa. Nakakainis talaga! Sobra! Naiinis ako kay Gray dahil ganun sya! Naiinis ako sakanya dahil napaka-arte nya! Naiinis ako sakanya dahil ang bilis nyang sumuko!



"Ano bang nangyayari sayo Lucy? Kung nakakamatay man yang tingin mo, malamang pinaglalamay ko na si Happy." Inirapan ko nalang sya at tumayo ulit.



Sumilip ulit ako sa orasan at napagdesisyonan kong sa labas nalang ng bahay ako maghihintay. Baka kasi kung ano pa ang maihagis ko mamaya. Nag aalala na talaga ako sakanila dahil hindi pa talaga sila umuuwi.



Pagkalabas ko ay agad ko namang nakita si Jellal at Erza. Mukhang may pinag-uusapan sila kaya hindi nila ako napansin.



"Masaya ka ba?"



"Siguro oo. Salamat talaga sayo Jellal." Sagot ni Erza kay Jellal at nag ngitian sila.



Ganun ba talaga sila ka-close para hindi nila ako mapansin?



Tatawagin ko sana si Erza ng mapatingin kaming tatlo sa bagong dating.



Si Gray.



Huminto muna sya saglit ng makita nya si Jellal at Erza. Mabilis lang iyon at nagpatuloy ulit sya sa paglalakad papasok ng bahay. Dun lang din napatingin sakin yung dalawa. Ngumiti ako ng alanganin sakanila at nagkamot.



"H-hi?" Yun nalang ang nasabi ko dahil konti nalang ay mababaliw na ko sa mga nangyayari.



Nagulat ako ng marinig ko ang malakas na kalampag ng pinto sa loob. Tumingin ako sa likod at nagkibit-balikat lang sakin si Natsu.



"Sige na Erza. Mauna na ko."



Tumango si Erza kay Jellal. "Ingat ka. Salamat talaga kanina." Nagyakapan sila at alam kong may binulong si Jellal kay Erza dahil tumatango-tango ito.



"Ingat ka." Pahabol ni Erza ng makaalis si Jellal.



"Tara na Lucy?" Napa-tango nalang ako kay Erza at sumunod na pumasok sa loob.



---



Kinabukasan ay pinilit ko talagang bumangon kahit na hinahatak ako pabalik ng kama ko para matulog. Hindi kasi ako makatulog kagabi kakaisip sa dalawa.



Una kay Erza at Jellal. Saan kaya sila pumunta at hindi sila pumasok? Tsaka, parang ang saya ni Erza kagabi nung nakita ko sya. Okay naman sakin na ganun sya, yung masaya sya. Kaso nahihiwagaan parin ako. At pangalawa, kay Gray. Alam ko naman kung bakit ganun nalang nya isara ang pinto kagabi pero, bakit pa? Para saan pa yung pagdadabog ng pinto eh may Juvia na sya?



Sinapo ko ang noo ko at umiling. Grabe yung mga problema. Mukhang maaga ata akong maluluka.



Pagkababa ko ay naabutan ko agad sa kusina si Natsu at Erza. Naglalagay ng mga plato at pagkain sa lamesa si Erza habang si Natsu naman ay nakaupo habang nakatingin kay Erza.



"Good morning." Bati ko at lumapit sakanila.



"Good morning Lucy! Kain na tayo?" Pagka-upo ko ay agad kaming nagkatinginan ni Natsu at muling tumingin kay Erza.



Anyare? Parang kahapon lang ay napakalungkot nya? Umiyak pa nga eh. Hindi pa nga pumasok. Tapos ngayon, parang walang bakas na nangyari kahapon. Parang wala lang nangyari. Ang saya nyang tignan. Kulang na nga lang ay pangalanan na din syang Happy dahil ang saya nya. Magkasama lang sila ni Jellal, tapos ganito na?



Wow.



Umupo na sya sa harapan namin ni Natsu at nakangiting tumingin samin.



"Oh? Bakit hindi pa kayo kumakain?" Nakangiti nyang sabi.



"Grabe, kinikilabutan talaga ko..." Bulong ni Natsu pero narinig parin naming dalawa.



Umiling-iling lang si Erza samin. "Kumain nalang tayo."



Kahit na hindi napo-proseso ng utak ko ang nangyayari kay Erza ay nag umpisa na akong kumain. Bukod kasi sa inaantok pa ko ay nagrereklamo na din ang tyan ko. Mamaya ko nalang ulit papansin si Erza, ang mahalaga makakain ako ngayon. Tsaka, mukhang masarap yung luto ngayon ni Erza.



"Oh Gray! Tara na dito. Kumain na tayo."



Napahinto ako sa pagnguya at kunot noong tumingin kay Erza. Si Erza ba talaga tong nasa harapan namin? Parang hindi kasi eh. Naninibago ako... Ganito ba talaga ang nagagawa ni Jellal?



Baka kaya hindi talaga si Erza tong kasama namin at ibang tao yung inuwi ni Jellal dito?



Inalis ko ang tingin ko kay Erza para tignan si Gray. Katulad kahapon ay naka-uniporme na agad sya. Hindi ko naman makita ang itsura nya dahil nakatalikod sya samin.



Kinuha lang ni Gray ang gamit nya at umalis agad ng bahay na hindi manlang pinansin yung alok sakanya ni Erza. Agad naman akong humarap kay Erza para tignan yung reaction nya. Malamang ay katulad kahapon ay napakalungkot nya dahil hindi sumabay samin si Gray pero nagkamali ako...



"Okay." Simpleng sagot nya at nagpatuloy na sya sa pagkain.



WAAAAAAHHH!!! NASAN NA SI ERZA NAMIN!!!! HUHUHUHU!!!



***
Decided na ko na POV nalang ni Lucy ngayon at sa next chapters dahil gusto kong maging misteryoso yung apat: JErza and GrUvia. LALO NA SI ERZA MY LOVES. Yun lang MARAMING MARAMING SALAMAT GUYS! HIHIHI. =)

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon