Chapter 25

244 18 5
                                    

-PAST-



"Taguan naman tayo!"



"Oo nga! Tara!"



Nang marinig iyon ng batang babae na may pulang buhok ay mabilis itong tumayo at pasimpleng sumilip sa malaking puno. Gusto man nyang lumabas sa likod ng malaking puno para makisali sa mga bata pero mas pinili nalang nyang hindi lumabas. Natatakot kasi syang hindi sya pansinin ng mga to kahit na ilang araw na syang naninirahan kasama ang mga ito. Hindi rin sya nagpapakita sa mga ito. Hanggat maaari ay nagtatago sya para hindi sya makita ng mga kasama nyang mga bata.



"Hahahahahaha! Taya ka Jellal!"



"Oo nga!"



"Sa wakas! Nataya ka din!"



Napailing nalang si Jellal sa inakto ng mga kalaro.



"Sige na. Magtago na kayo ng mabuti. Magbibilang na ko." Nagsitango ang mga kalaro nito at mabilis na tumakbo upang makapagtago.



Inalis agad ng batang babae na may pulang buhok ang tingin sa mga bata ng lumakad papalapit sakanya ang batang lalaki na may asul na buhok.



"Mag uumpisa na ko magbilang ha! Isa! Dalawa! Tatlo!..."



Nakahinga ng maluwag ang batang babae na may pulang buhok ng hindi lumapit ang batang lalaki sakanya, kundi sa puno para magbilang. Sumandal ang batang babae sa puno at pumikit para damhin ang sariwang hangin. Kahit na hindi sya nakakasali sa mga laro ng mga bata ay masaya na rin sya dahil wala na sya sa mga kamay ng masasamang tao.



"Labing syam..."



"Bente!"



Inalis na ni Jellal ang pagkakayuko sa harap ng malaking puno at humarap sa malaking bakuran na walang katao-tao.



"Tapos na kong magbilang! Hahanapin ko na kayo!" Sigaw nya.



Hindi muna umalis sa kintatayuan si Jellal upang pagmasdan ang malaking bakuran kung meron man syang mahahalata o makikita sa isa sa mga kalaro nya.



"Ah! Alam ko na!"



Tahimik syang naglakad patungo sa likod ng malaking punona kinalalagyan nya. May pakiramdam kasi ito na may nagtatago sa likod ng malaking puno.



"Huli ka--"



Napatigil si Jellal sa nakita. Isang batang babae na may pulang buhok ang nakasandal sa malaking puno habang nakapikit. Hindi maipaliwanag ni Jellal ang sarili kung bakit hindi nya maalis ang tingin sa batang nasa harap.



"Jellal! Hanapin mo na kami!"



"Oo nga! Ang tagal mo!"



"Siguro nahihirapan kang hanapin kami no? Hahaha!"



Hindi nya pinansin ang pang iinis sakanya ng mga kalaro at nanatili parin syang nakatingin sa batang nasa harapan nya.



Natauhan lamang sya ng biglang dumilat ang batang babae.



"S--"



"Shh..."



"Wag kang maingay." Naramdaman nya ang pagtango ng kasama at lumingon sya sa likod ng puno.



Nang naramdaman ni Jellal na hinawakan sya sa kamay ng kasama ay mabilis nyang inalis ang kamay nya sa bibig nito.



"B-bakit ka nandito?" Inosenteng tanong ng batang babae.



Umiwas ng tingin si Jellal at nahihiyang kumamot sa ulo. "Ah. A-akala ko kasi isa ka sa mga kasali. Tatayain sana kita kas--"



"Jelllal! Ano ba!"



"Tss! Ayoko na nga!"



"Oo nga! Ayawan na! Hindi naman tayo hinahanap ni Jellal eh!"



"Tayo ata yung pinagtaguan nya eh!"



Isa isang nagsilabasan ang mga bata sa kani-kanilang pinagtaguan.



"Mukhang hinahanap ka na ng mga kasama mo." Malumanay na sabi ng batang babae kay Jellal.



"Hindi!" Mabilis na sagot ni Jellal sa kausap. "Okay lang sakin."



Ngumiti sakanya ang batang babae kaya naman mabilis nyang ibinaling ang tingin nya sa iba.



"Nandyan ka pala Jella--"



"Sino yang kasama mo?"



"Bago lang ba sya?"



Hindi malaman ng batang babae ang gagawin ng magsilapitan ang mga ibang bata sa pwesto nya.



Tatakbo sana sya para makapagtago sa iba ng biglang hawakan ni Jellal ang braso nya uoang mapatigil sya.



"Dito ka lang." Sabi ni Jellal upang mapahinto sya.



"Hi."



"Bago ka lang ba dito?"



"Anong pangalan mo?"



Niyakap ng batang babae ang sarili at nahihiyang yumuko.



"Ako nga pala si Millana."



"Ako si Wally."



"Ako naman si Simon."



"A-ako si Sho..."



Isa-isa ring nagpakilala ang mga batang nakapalibot sa batang babae na may pulang buhok.



"Wag kang mahiya samin. Kalaro ka na namin simula ngayon."



Mabilis na inangat ng batang babae ang tingin sa katabing bata.



"T-talaga?" Tumango itp sakanya at ngumiti.



Nilahad ng batang lalaki ang kamay nya sa harapan ng batang babae at nagsalita.



"Ako si Jellal." Pagpapakilala ni Jellal sa katabi.



Tinitigan ng batang babae ang kamay na nasa harapan at pagkatapos ay kinuha ito.



"A-ako si Erza."



***
MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT SAINYO GUYS! SA PAGSUPORTA SA TFL. HAPPY 2K SATIN! MABUHAY TAYONG LAHAT! SANA HINDI KAYO MAGSAWA SA MAGULONG STORY NG ATING NAPAKAGANDANG TITANIA. MADAMI PANG MANGYAYARI KAYA WAG KAYONG BIBITIW SA KWENTO KAHIT NA NAGUGULUHAN TALAGA KO KUNG SINO SA DALAWA ANG MAKAKATULUYAN NYA. PLEASE GUYS MAG COMMENT KAYO! SA MGA COMMENT NYO TALAGA KO NABUBUHAYAN. SALAMAT ULIT SA PAGSUPORTA! LOVEYOUALL! =)

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon