Chapter 37

147 15 5
                                    

ERZA



"Oh? Anong nangyari Erza? Bakit ganyan ang mata mo?" Mabilis akong umiwas ng tingin kay Natsu at nag-umpisa ng kumain.



"Teka? Hindi pa ba gising si Gray?" Tanong nya ulit. Hindi kami kumibo ni Lucy kaya naman bumuntong hininga sya.



Mabuti nalang at hindi na nagsalita si Natsu. Gusto ko kasi ng katahimikan ngayon.



"Tara na Gray! Kain na tayo."



Agad akong nag angat ng tingin para tinignan sya. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya samin. Napansin kong nakasuot na sya ng uniporme.


"Di ako kakain. Mauna na ko." Walang emosyon nyang sabi at tuluyan ng umalis ng bahay.



"Ha? Anong nangyari don?" Saad ni Natsu.



Binitawan ko ang hawak kong kutsara't tinidor at agad na nagpunas ng luha. Nakatingin sakin si Lucy at halata sakanya na nag-aalala. Buti nalang at hindi nakatingin sakin si Natsu.



"S-sige. M-magbibihis na k-ko." Tumalikod agad ako sakanila at tumakbo patungo sa kwarto.



LUCY



"Bakit wala si Gray?" Tanong ni Master na ikinagulat ko. Agad akong lumingon sa likuran namin at tama nga sya. Bakante ang upuan nya at si Erza lang ang nandon.



"Nasan si Gray, Erza?" Tanong ni Master kay Erza.



Hindi ko inalis ang tingin ko kay Erza. Alam kong nahihirapan syang magsalita kaya naman ako nalang ang sumagot.



"Hindi po namin alam Master. Hindi po kasi namin sya kasabay na pumasok. Nauna pa nga po sya eh." Pagpapaliwanag ko.



"Ganun ba?" Saad ni Master at tumango-tango.



Nakahinga naman na ako ng maayos ng hindi na nagtanong pa si Master. Si Erza lang kasi ang tatanungin nya. Alam ko namang hindi makakasagot si Erza dahil wala sya sa sarili nya.



Nagsalita lang si Master tungkol sa bago naming lesson pero hindi ko naman maintindihan. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala sa ikinuwento ni Erza sakin. Akala ko kapag may problema si Erza ay agad nyang masusulusyonan. Ganun kasi sya eh. Hindi nagtatagal ang problema nya. Pero yung sinabi nya kagabi yung problema nya? Halos makita ko si Erza na sumuko na.



Kung ako yung nasa sitwasyon ni Erza, baka matagal na kong nabaliw. Kahit na nagkakaganyan sya sa problema nya ay bilib parin ako sakanya. Kasi nakakaya nya pa eh. Ang tapang nya talaga. Lalo tuloy akong namamangha sakanya.




Lumingon ako sa kanan ko at tinignan si Jellal. Nakatingin ito sa harap at mukhang nakikinig kay Master. Napa-isip tuloy ako habang nakatingin sakanya. May ano ba sakanya? Ano ba sya ni Erza? Bakit hirap si Erza na mamili sakanilang dalawa ni Gray. Hindi naman kasi sumagot si Erza sa tanong ni Gray kung mahal ba nya ba si Jellal eh. Tsaka, bakit ang tanong ni Gray kay Erza ay 'Mahal mo pa ba si Jellal'. Bakit may 'pa ba'? May alam ba sya? Hay nakakaloka!




Nilipat ko ang tingin ko sa likuran ni Jellal at napansin kong wala si Juvia. Nasan kaya sya? Teka bakit ko ba hinahanap yung weirdong babaeng yon? Hayaan mo nga sya Lucy! Baka nakakalimutan mong tinakot ka nya nung nasa isla kayo? Tsaka, mabuti ng wala si Juvia ngayon. Feel ko kasi kapag nararamdaman ko ang presensya nya para nya kong kinukulam eh. Lalo na kapag nasa paligid ko si Gray.



And speaking of Gray, nasaan kaya sya? Hindi kasi sya sumabay saming pumasok eh. Naiintindihan ko naman sya kung bakit naging ganun ang pakikitungo nya kanina. Pero ewan ko ba! Naloloka na ko! Baka mauna pa kong mabaliw kay Erza!



Pero sana talaga, maayos na agad ito. Kaibigan ko silang dalawa, ayoko silang nakikitang nasasaktan. At kung ano man ang maging desisyon nila, sana sa huli maging magkaibigan parin sila.



---



Natapos na ang klase namin pero wala paring nagpapakitang Gray saming tatlo. Nung labasan na namin ay agad kaming pumunta dito sa cafeteria, baka kasi nandidito lang sya. Pero katulad kanina sa room, wala sya.



Inaya ko si Natsu na umorder at tumango naman. Pansin ko kay Natsu ngayon hindi sya nakakatangang kausap. Alam nyo yon? Ah basta! Naninibago ako sakanya. Iba yung kilos nya ngayon sa dati. At ikinatuwa ko naman yon. Dahil sa wakas, tumino na ang isang Natsu Dragneel. Akala ko nga wala na tong pag-asa eh. Totoo nga talaga ang himala!



"Salamat Mira." Ngumiti samin si Mira at alam kong may naglalaro sa isip nya.



"Balik ulit kayo Lucy. Sana magustuhan nyo yung luto ko. Binagay ko talaga yan sa date nyo."



Date?! Hay naku ewan! Nagkibit-balikat nalang ako sakanya at tumalikod. Ang ganda na sana ni Mira kaso masyado syang nag iilusyon.



Pagbalik namin sa lamesa kung nasaan si Erza ay umupo na kami ni Natsu. Inilapag ko sa harapan ni Erza yung in-order ko para sakanya. May pakiramdam na kong wala syang ganang kumain ngayon pero sana naman ay kainin nya iyon. Konti lang kasi ang kinain nya bago kami umalis ng bahay.



Nag umpisa na kaming kumain ni Natsu ng mapansin kong hindi ginagalaw ni Erza yung pagkain nya. Sumubo ako at tinitigan sya. Nakatulala na naman sya, kaso sa likuran ko naman. Magkatabi kasi kami ni Natsu at nasa harapan namin sya.



Tatanungin ko sana si Erza ng may marinig akong sumigaw.



"KAYO NA BA?!"



Ha? Ano daw?



Napansin kong lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa likuran namin. Ah, may ano? Bakit gulat na gulat ang itsura nila?



Tinignan kong muli si Erza at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita kong tumulo ang luha nya habang nakatingin parin sa likuran ko. Teka, ano bang nangyayari! May ano ba sa likuran namin?!



Dala ng kyuryosidad ay tumingin ako sa likuran ko. Agad namang nanlaki ang mata ko sa nakita ko.



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon