Chapter 41

153 15 6
                                    

LUCY



Naglalakad kaming tatlo ngayon papunta sa bahay namin. Tumingala ako at bumungad sakin ang maliwanag na buwan kasama ang mga bituin na nagkalat sa kalangitan.



"Nandito na tayo." Huminto kaming tatlo sa tapat ng bahay namin.



Ha? Bukas yung ilaw?



Ahh... Baka nandyan na sila Natsu...



"Masaya ka ba?" Dumistansya ako ng konti sa dalawa para naman hindi ako maka-istorbo sakanila.



"Hmm." Tumango si Erza kay Jellal. "Salamat talaga Jellal." Ngumiti sya dito.



Sige na! Kayo na sweet!



Tumikhim ako at nakuha ko agad ang atensyon nila. "A-ah... A-ano, p-papasok na k-ko. B-bukas kasi y-yung ilaw. T-titignan k-ko k-kung may tao n-na d-don."



UMAYOS KA NGA LUCY! UUTAL-UTAL KA?!



Eh kasi naman! Nakaka-distract yung lambingan nung dalawa. Nakangiti sila pareho sakin tapos naka-akbay si Jellal kay Erza! Jusmi! Taga-kilig nalang ako sa dalawang ito eh!



"Ikaw talaga Lucy." Natatawang sabi ni Erza at tumingin kay Jellal. "Sige na, papasok na kami. Ingat ka ha?"



Tumango naman si Jellal sakanya. "Sige pumasok na kayo." Tumingin sya sakin at agad na bumaling kay Jellal. "Opo, mag-iingat ako." Pagkasabi nya non ay hinalikan nya ang noo ni Erza.



LALAMUNIN NA KO NG LANGGAM DITO!!



"Sige na." Pinanuod naming umalis si Jellal. Napapakamot na nga lang ako kapag humihinto sya at titingin ulit kay Erza. Na para bang ayaw humiwalay.



Eh hindi pa ba sapat yung buong araw silang magkasama?! Hustisya naman! Ako lang ang wala kasama kahit na kasama ko silang dalawa!



"Baliw talaga." Nagkibit-balikat nalang ako at sabay kaming pumasok.



Sa mga araw na dumadaan ay duon ko nakikita ang ugali ni Jellal na hindi ko inaasahan. Ang una ko talagang nakita sakanya ay weirdo sya. Yun talaga ang tumatak sakin simula nung naging kaklase namin sya. Para ngang si Juvia sya eh, kaya ko nga nasabing bagay silang dalawa. Pero nung lagi na syang nakadikit kay Erza, Ibang-iba sya. Ang kulit nya, at hindi iyon ang inaasahan ko sakanya. Ang tahimik nya kaya dati tsaka parang hindi mo sya mabibiro... Tapos sobrang sweet nya kay Erza. Kung tratuhin nya kasi si Erza parang reyna eh, ginagawa nya talaga ang lahat para sumaya si Erza.



Ay ano ba yan! Nakaka-inggit tuloy si Erza. Sana kapag may lalaking dumating sa buhay ko, parang si Jellal. Hay...



"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko sa dalawang lalaki na naka-upo sa lamesa at mukhang may seryosong pinag-uusapan.



"Kumain na ba kayo?" Si Erza na ang nagtanong. Napansin kong tumingin si Gray sakanya pero mabilis na nag-iwas ng tingin at naging blangko ang itsura.



"Oo."



Parang nagtaasan lahat ng balahibo ko ng magsalita si Natsu. Ano ba yun! Bakit sobrang seryoso naman nitong lalaking to?! Ilang araw na syang ganyan ah?!



"Ge, akyat na kami. May pagkain na dyan." Malamig na sabi ni Gray. Tumayo na sya at dumiretso sa kwarto nya.



"Nat--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tumayo din sya at dumiretso rin sa kwarto nya.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon