Chapter 18

302 16 9
                                    

LUCY



Nagdaan ang ilang at linggo pero wala akong nakuhang impormasyon kung bakit naging ganon si Erza. Wala din namang naitulong si Natsu sakin dahil kapag kakalabitin ko sya o tatawagin ay maaabutan ko na syang tulog kaya wala talaga akong makukuha dahil sakanya palang, wala na kong mapapala.




Nasa room kami ngayon. Nag-iingay ang lahat dahil wala pa si Master. Pinatawag kasi sya ng council. Lahat kaming magkakaklase ay nandito, dahil kahapon may nabanggit si Master na may mahalaga syang sasabihin kaya hanggang maaari ay walang mawawala.



Tinignan ko ang mga mukha ng mga kasama ko ngayon sa room. Si Cana, kausap ang iba habang umiinom. Si Levy, nagtuturo sa iba. Si Mirajane, kausap ang kapatid nya. At ang katabi ko, ayun. Nagiging gripo na ang bunganga dahil naglalaway. Tulog na naman si Natsu. Inikot ko ang sarili ko patalikod. Si Erza, nakahalukipkip habang nakatingin sa kawalan. Si Gray, mukhang wala sa mood na nakatingin sa labas habang nakahalumbaba.



Sa hindi ko malaman ay para bang may sumusumpa sakin. Kaya naman umayos ako ng upo at tumingin sa kanan ko. Nahagip ng paningin ko si Juvia. Madilim ang mukha nya habang nakatingin sakin. Napansin ko din na nanginginig ang kamay. Dahil sa itsura nyang yon ay para bang kinilabutan ako sakanya.



Ang weird nya.



Aalis ko sana ang tingin ko kay Juvia ng mapunta naman ang tingin ko sa harapan nya, si Jellal.



Kung si Juvia ang weirdong babae, si Jellal naman ang weirdong lalaki. Bagay sila ni Juvia, sa totoo lang. Ewan ko kung bakit pero nakakatakot ang aura ni Jellal. Para bang, kapag nag joke ka iiwanan ka nalang sa ere. Yung hindi mo talaga mabibiro. Ganun sya. Eh mukhang ganun din si Juvia, kaya bagay talaga sila.



Pinatitigan ko si Jellal. May tattoo sya sa mukha nya na halos sakupin na yung kalahati nyang mukha. Hindi naman masagwang tignan sakanya kasi dalang-dala nya yon. Napansin ko na parang may kahawig sya. Kaya naman mabilis kong tinignan si Gray at binalik ko ulit ang atensyon sakanya. Magkahawig sila! Pero may angulo naman na hindi. Pero magkahawig sila.



Habang pinagmamasdan ko si Jellal, napansin kong nakatingin sya kay.... Erza? Salit-salitan ko silang tinignan. Bakit parang may nararamdaman ako sa dalawang to? Parang may iba.



"Pasensya na mga bata. May inasikaso lang kami sa Council." Umayod agad ako ng upo ng marinig ko si Master. Naka-upo na ngayon sya sa lamesa at nakatingin na sya samin.



"Mabuti at nandito kayong lahat dahil may sasabihin ako sainyo." Tumikhim sya at nagpatuloy. "Bukas makalawa, ay pupunta tayo sa sagradong lugar. Duon tayo mamamalagi ng dalawang linggo para sa aktibidad na gagawin natin."



"Dito masusukat kung gano kayo katalino at kadiskarte. Makikita din dito ang pagtutulungan nyo ng magiging kapareha nyo."



"Mirajane." Tawag ni Master kay Mira at tumayo ito dala ang isang kahon.



"Nakalagay sa kahon na ito ang mga pangalan ng lalaki kaya babae lamang ang bubunot. Dahil pareho ang bilang ng lalaki at babae, lahat kayo ay magkakaroon ng kapareha. Kung sino man ang mabubunot nyo, sya ang magiging kapareho nyo ng dalawang linggo."



Nagbulungan na ang lahat dahil sa sinabi ni Master. Hindi ko alam kung mae-excited ako o hindi.



"Simulan na ang bunutan. Humilera na ang mga bubunot."



ERZA



"Ikaw na Titania." Tumango ako kay Master at kinuha ang huling papel na nasa kahon. Nang makuha ko ito ay pumunta agad ako sa upuan ko.



"Sana ako yung mabunot mo." Bulong ni Gray.



Sana nga ikaw. Sana...



"Puntahan nyo na kung sino yung nabunot nyo." -Master.



Nagsitayuan na ang mga babae at tumabi sakanilang mga napiling kapareha. Napansin kong hindi tumayo si Lucy sa tabi ni Natsu. Mukhang sila parin ang magkapareha.



Hindi parin ako tumatayo sa kinalalagyan ko. Ni hindi ko pa nga sinisilip kung sino yung nabunot ko. Para kasing hindi ko magugustuhan ang mangyayari.



"Ano Erza? Ikaw ba ang nakakunot sakin? Hindi ka pa kasi tuma--"



Naputol ang sinasabi ni Gray ng may magsalita.



"Ako ang nakabunot sayo, Gray."



Napapikit ako sa narinig ko. Ibig sabihin ay hindi si Gray ang makakapareha ko.



Kahit labag man sa loob ko ay tumayo na ko at hinayaan si Juvia na umupo sa upuan ko. Narinig ko ang pagdabog sa upuan ni Gray ng umalis na ko.



"Oh? Erza. Puntahan mo na yung nabunot mo."



Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang binuksan ang papel na hawak ko.



Jellal Fernandes



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon