Chapter 4

513 26 3
                                    

LUCY



"YARI KA SAKIN NATSUUUU!!!"



"HINDI AKO SAYO MAGPAPATALO GRAAAAAY!!!"



Haaaaaay..



"HINDI BA KAYO TITIGIL NA DALAWA?!!!!"



*BOOOOOGSH*



Lumingon ako sa likuran ko dahil sa may malakas na kalabog. Nakita ko yung dalawang lalaki na nakabulagta na sa sahig. Si Erza naman ay nakapameywang na nakatayo malapit sakanila.



"Sa susunod ayokong makita kayong nag-aaway. Naiintindihan nyo?" -Erza.


"Opo Ma'am..." -Natsu/Gray.



Bumuntong hininga ako at muling  ibinalik ang tingin ko sa bintana at nangalumbaba. Hay. Bakit ganun? Bakit ako naiinsecure kay Mira? Dahil ba sexy sya at maganda? Diba lahat naman ng babae, gusto nila ganun sila? Pero bakit ako? Hindi ko kayang maging ganun ka-sexy. Maganda naman ako at Sexy, kaso may bilbil na ko....



WAAAAAH!!!!!!



"Lucy."



Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at ngumiti sakanya. Kahit peke.



"Bakit Erza? Hehehehe..." Hindi naman siguro mahahalata ni Erza diba?



Umiling lang sya sakin at ngumiti. "Wala. Akala ko kasi umiiyak ka." Pagkasabi nya nun ay umalis na sya.



KUNG ALAM MO LANG, ERZA. KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON....



GRAY



"Lucy, urungin mo ang mga pinagkainan." -Erza.



"Yes po!" -Lucy.



"Ikaw, Natsu. Tulungan mo si Lucy." -Erza.



Tumayo na si Natsu at lumapit kay Lucy para tulungan. Kakatapos lang kasi namin kumain ng hapunan.



"At ikaw, Gray." Napabaling ang tingin ko kay Erza na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. "Ligpitin mo lahat yan."



Tumango ako sakanya at inumpisahan ng magligpit ng mga pinagkainan namin sa mesa at dinala kila Natsu. Napansin kong may bitbit si Erza na mga plastik at mukhang mga basura.



"San ka pupunta Erza?" -Natsu.



"Tatapon ko lang tong mga basura sa labas. Umaamoy na kasi." Pagkasabi ni Erza non ay lumabas na sya ng bahay.



"ANO BA NATSU!!! HINDI GAN-- AAAAAHHH!!! NABASAG MO TULOY YUNG PLATO!!!" -Lucy.



"Hindi ko naman kasi alam-- Hehehe. Sorry Lucy. May nabasag ulit ako." -Natsu.



"NATSUUUUUU!!!" -Lucy.



Iiling-iling akong pumunta sa sala umupo sa sofa. Tapos na ko sa ginawa ko. Tinignan ko ang orasan dito sa sala at ilang minuto nalang, alas otcho na ng gabi.



"Ay? Umuulan?" -Lucy.



"Oo nga no? Tara Lucy! Ligo tayo sa ulan!" -Natsu.



"Sira ka ba! Ayokong magkasakit!!!!" -Lucy.



Napabuga ako ng hangin at sumandal. Ang ingay talaga nung dalawa. Hanggang dito naririnig ko ang boses. Napatingin ako sa bintana at umuulan nga. At malakas.



Napatayo agad ako at mabilis na pumunta sa kusina para puntahan sila Lucy.



"Lucy, nakabalik na ba si Erza dito?"



"Hindi ko alam Gray eh." Inalis nya yung gloves nya sa kamay at lumapit sakin. "T-teka, hindi pa ba sya bumabalik?" Nag-aalalang tanong ni Lucy.



"Baka nasa labas pa si Erza-- WOW! BAKA NALILIGO SYA DUN SA ULAN!!! TARA SA LABAS!! MALIGO TAY-- INAANO KITA GRAY!!!!?"



Hindi ko na pinansin si Natsu at mabilis akong tumungo sa kwarto ko para kumuha ng jacket. Paglabas ko sa kwarto ay kumuha ako ng payong. "Teka Gray. Saan ka pupunta?"



"Susunduin ko lang si Erza sa labas. Baka kung ano na nangyari sakanya." Sinuot ko yung jacket at nagpatuloy sa pagsasalita. "Wag na kayong umalis ni Natsu. Dito lang kayo." Tumango lang sya sakin. Tumalikod na ko kay Lucy at lumabas na ng bahay.



ERZA



Pabalik na ako sa bahay ng biglang umulan ng malakas. Tumingin muna ako sa paligid kung may pwedeng silungan, pero nabigo ako. Wala na kong nagawa kundi ang magpabasa nalang sa ulan at tumakbo. Kung bakit ba kasi ang layo layo ng tapunan ng basura sa bahay eh.



Habang tumatakbo ako pabalik ng bahay ay hindi ko napansin na may balat ng saging at---



*SPLAAAASH*



"A-aray..."



Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya. Mukhang masama ang pagbagsak ng pang-upo ko sa sahig. Tsk, malas. Ang lakas ng ulan tapos nandito ako nakaupo at hindi manlang makatayo. Baka mag-alala na sil--



"Erza!"



Napaangat ako ng tingin at--



"Erz-- Erza?! Erza!!!!" Dali-daling lumapit sakin si Gray. Lumuhod sya sa harapan ko at sinuri kung may nangyari sakin o ano.



"Anong nangyari sayo Erza? Basang basa ka na! May masakit ba sayo? Bakit ka nakaupo dyan? Baka magkasakit ka nyan. Bakit--" Pinutol ko ang sinabi nya at nilagay ang hintuturo ko sa labi nya.



"Ang dami mong tanong." Binawi ko na ang kamay ko at ngumiti sakanya. "Mamaya ko nalang sasabihin kung anong nangyari. Basta pasan mo nalang ako. Hindi ako makatayo."



Hindi umimik si Gray at tumitig sakin. Halata sa mga titig nya na nag-aalala sya at-- Hindi ko alam.. Magsasalita sana ako ng bigla nya kong yakapin.



"Buti naman at ayos ka..." Pagkasabi nya non ay isinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko at mahigpit akong niyakap.



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon