Chapter 6

436 23 3
                                    

UD na pooooooo! =D Enjoy nyo po sana yung story. Thanks poooo! =)
-



LUCY



Kinumutan ko na si Erza at kinuha na ang planggana at bimpo. Kakatapos ko lang din palitan si Erza ng damit. Mainit parin si Erza pero sa tingin ko ay nabawasan naman iyon.



Kakabukas ko lang ng pinto ng bumungad sakin si Gray na nakasandal sa may pader dito sa kwarto ni Erza. "Gray."



Lumingon sya sakin at lumapit. "Ano Lucy? Maayos na ba si Erza?" Tumango ako sakanya at lumingon ulit kung nasan si Erza, pagkatapos ay bumaling muli ako kay Gray. "Sa tingin ko, bumaba naman yung lagnat nya kahit papano. Tsaka nga pala. Napalitan ko na sya."



Tumingin si Gray sa gawi ni Erza at bumuntong hininga. "Sige Lucy, salamat." Ngumiti lang ako sakanya at bumaba na ko. Dumiretso ako sa kusina para ibalik ang planggana na ginamit ko. Sinampay ko muna yung basang bimpo sa sandalan ng upuan. Napatingin ako sa bintana at patuloy paring umuulan.



"Nasan si Natsu?" Hindi ko kasi sya napansin nung bumaba ako. Baka kaya nasa kwarto na nya?



"Malamang tulog na iyon." Iiling-iling akong umakyat at pumunta sa Kwarto ko. Bahala na muna si Gray kay Erza. Aalagaan naman nya siguro yun.



GRAY



Napaangat ang tingin ko ng may maramdaman akong sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tinignan ko ang paligid ko ng maalala ko na nandito ako sa kwarto ni Erza.



Dito pala ako nakatulog?



Bumuntong hininga ako at sinalat ang noo ni Erza kung may lagnat pa sya. Ganun parin at mainit parin sya. Inalis ko ang kamay ko sa noo nya at tinitigan ko ang mukha nya...



Aalisin ko sana ang ilang
hibla ng buhok nya dahil nakaharang sa mukha nya ng biglang may kumatok.



Lumapit ako sa pinto para buksan ito. Bumungad sakin si Lucy at Natsu. Nakabihis na sila at mukhang paalis na papuntang FTH (Fairy Tail High).



Oo nga pala, may pasok kami.



"Ayos na ba si Erza?" -Lucy.



"Dyan ka natulog sa kwarto ni Erza?" -Natsu.



Hindi ko pinansin ang tanong ni Natsu at sinagot si Lucy. "Mainit parin sya eh. Baka hindi muna ako makapasok. Wala kasing magbabantay kay Erza."



Tumango tango si Lucy at hinatak na si Natsu na mukhang magsasalita pa ulit. Tsk!



Nang tuluyan na silang umalis ng bahay ay bumalik ulit ako kay Erza. Kinuha ko ang upuan sa kwarto at itinabi sa gilid ng kama ni Erza at umupo.



"Hanggat may sakit ka pa, ako ang mag-aalaga sayo." Pagkasabi ko non ay inabot ko ang kamay nya.



NATSU



"Nasan ang Titania?" -Master.



Nasa room kami ngayon habang-- Teka, ano nga ba ginagawa namin kanina? Kakagising ko lang kasi eh.



"Natsu. Alam mo ba?" -Master.



Inangat ko ang paningin ko at tumingin kay Master. Bakit ako tinatawag? Tumingin ako sa katabi ko at nilakihan ako ng mata. Teka, ano ba nangyayari?



LUCY



ISUSUMPA KO NA TALAGA TONG SI NATSU!



Tumingin ako sa harapan kung nasan si Master. "Ah, master. May sakit po kasi si Erza. Kaya hindi po nakapasok." Tumango naman si Master at nilibot ang paningin.



Tinignan ko ang katabi na ngayon ay nakasubsob na naman sa lamesa at nagtutulo ang laway.



Pigilan nyo ko... Mapapatay ko na tong si Natsu...



"Bakit wala si Gray?"



Tumingin ulit ako kay Master at sumagot. "Ah, Master. K-kasi, wala pong magbabantay kay Erza... Kaya umabsent sya. Hehehehe...."



"Kelan pa may sakit ang Titania?" -Master.



"Kahapon lang po. Naulanan eh." Tumango ulit si Master.



Kung nagtataka kayo kung bakit Titania ang tawag ni Master kay Erza, ay dahil sya ang president namin. Hindi lang yon. Reyna rin namin sya. Tindi ni Erza no? Kaya nga madaming humahanga sakanya. Kasama na ko don. Ang astig nya kaya.



Kaso nakakatakot sya...



Salita ng salita si Master tungkol sa lesson namin ngayon pero hindi ko maintindihan. Nakatingin lang ako sakanya pero yung mga sinasabi nya, lumalabas din naman sa kabila kong tenga. Hindi ko alam pero bigla nalang lumutang ang pag-iisip ko.



Haaaaay...



"Tama ang sagot mo Mirajane."



Nawala ang paglutang ng pag-iisip ko ng magpalakpakan ang mga kaklase ko. Tinignan ko si Mira na kakaupo lang. Nginingitian nya yung mga bumabati sakanya. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti sya sakin ng matamis.



Bakit ba halos perpekto na sya?



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon