Chapter 44

109 16 0
                                    

LUCY



Tapos na ang buong araw na klase namin at ngayon ay naglalakad kami papunta sa council syempre kasama si Master. Tahamik lang kaming pito na naglalakad. Sa pwesto namin ngayon ay parang may tensyon na nagaganap. Nauunang naglalakad si Master at nasa gitna sya. Sa kanan naman nya ay kaming tatlo nila Jellal at Erza. Sa kaliwa naman nya ay sila Natsu, Gray at Juvia.



Habang papalapit kami ng papalapit sa council ay hindi ko maiwasang kabahan. Pwede bang umayaw nalang? Pwede bang iba nalang at wag nalang ako? Pero hindi eh. Sabi ni Master bawal umangal. Hindi kasi malakas ang loob ko sa mga ganung set up kaya baka hindi ko makaya. Alam ko naman na may tiwala si Master samin na magagawa namin ng maayos yung play na yun. Sila lang. Hindi ko kasi talaga kaya eh. ni hindi ko nga kayang umarte eh. Baka nga kapag nasa stage na kami bigla akong mawalan ng malay.



ANO BA NAMAN YAN! HUHUHUHU!



Bumuntong-hininga ako at napayuko. Paano kaya kung hindi nalang ako sumipot sa araw ng anniversary? Kaso kapag ginawa ko naman yun, mayayari ako kay Master.



WAAAAAH!!! HINDI KO NA TALAGA ALAM! HUHUHU!!



Napapaisip tuloy ako kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga kasama ko ngayon. Simula kasi nung banggitin ni Master ang tungkol sa role play na gagawin namin ay wala akong narinig na reklamo mula sakanila. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kung gusto ba nilang umarte? O kagaya din ba nila ako na palihim na naiiyak dahil sa play na yon.



Para tuloy gusto kong sisihin si Mira sa mga nangyayari sakin ngayon araw eh. Kung hindi lang talaga sya nagsalita, malamang hindi ako kasama dito! Huhuhu!



"Nandito na tayo." -Master.



Nasa harapan na kami ng malaking gusali at hindi ko maiwasang mamangha.



"Ang ganda..." Pabulong kong saad habang nakatingin sa gusali ng council.



Hindi ko akalain na ganito kaganda at kalaki ang council! Ang akala ko ng ay isang simple lang ito at mukhang bahay lang ang itsura. Pero mali ako! Para tuloy akong nasa harapan ng kastila! Ang ganda talaga! Ngayon lang kasi ako nakapunta dito dahil pinagbabawal ni Master. Tanging si Master lang at ang mga S Class lang ang napapadpad dito.



S Class nga pala si Erza. Dapat pala nagpa-kwento ako sakanya tungkol dito eh!



"Dyan ka lang ba sa labas at maglalaway?"



Nabawi ang tingin ko sa kabuuan ng council ng magsalita si Natsu. Nakatingin silang lahat at nakapasok na sila sa loob.



Teka?! Pinaparating ba nyang naglalaway ako?!



Pasimple kong sinalat ang gilid ng labi ko at dahil doon ay gusto ko ng magpalamon sa lupa. Mabilis ko itong pinahid at sumunod na sakanila.



Nakakahiya!



Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya naman tinignan ko din iyon kung sino. Si Natsu. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay ngumisi sya sakin at tumingin na sa harapan.



Abat?! Kaylan pa natutong ngumisi sakin iyon?! Nahawa na ba talaga sya kay Gray?!



Umirap nalang ako at ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko. Hmp! May araw ka din sakin Natsu! Makikita mo!



Nasa hallway na kami ng council at sinabi ni Master na malapit na kami sa loob kung saan nagtitipon ang mga namamahala. Hindi ko na naman maiwasan ang mamangha sa mga kagamitan dito! Kung sa labas nitong lugar na ito ay maglalaway ka, pano nalang kaya dito sa loob! Napaka-ganda talaga! Gusto ko tuloy tumira dito kahit na malabong mangyari yon!


Huminto kami sa malaki at kulay abong pintuan. Lumapit si Master dito at kumatok.



"Si Makarov po ito. Kasama ko ang mga bata."



At bumukas na ang pintuan. Bumungad samin ang napakaliwanag na paligid at ang mga matatandang namamahal dito sa council. Dali kong inusisa ang loob. Sobrang liwanag ng paligid dahil narin sa mga puting kagamitan dito. Para tuloy hindi pa to nadadapuan ng kahit anong dumi dahil nagkikintaban din ang mga ito.



WAAAAAAAAHHHH!!! ANG GANDA GANDA!!!



"Umayos ka nga. Tsk!"



Nawala ang paghanga sa mukha ko ng marinig ko ang boses nya. Hindi ko napansin na ang lapit nya sakin kaya agad akong dumistansya sakanya.



"Pake mo ba?" Sabi ko at inirapan sya.


Kung siguro ay wala kami dito sa loob ng council ay baka binatukan ko na si Natsu. Ang epal eh!



Napa-iling nalang sya at humalukipkip.



Psh. Yabang!



"Iyan ba ang mga napili mo, Makarov?" Sabi nung lalaking matanda kay Master. Tumango naman ito.



"Kasama ka pala Erza? Hindi ko inaasahan yon."



Napatingin ako sa nagsalita. Si Gildarts! Ngayon ko lang ulit sya nakita! Isa din syang S Class katulad ni Erza kaso hindi na sya nag-aaral at dito lang sya sa council kasama ang mga matatandang namamahala dito.



"Ako rin." Natatawang sagot ni Erza. "Pero si Master na ang namili kaya ayun." Nagkibit-balikat sya.



Napansin ko si Gray na nakatitig lang kay Erza. Hmm, katabi nya si Juvia pero kay Erza nakatitig? Ang labo talaga nung lalaking yon. Minsan tuloy napapaisip ako kung may nararamdaman pa ba sya kay Erza kasi, ah basta!



Mahirap manghula!



"Sigurado ka ba na sila na gaganap Makarov?" Tinignan kami isa-isa nung babae at muling tumingin kay Master. "Dapat maging maayos ang kalalabasan ng palabas."



Parang nakaka-insulto naman ang sinabi nya. Hindi porket isa sya sa mga namamahala dito sa council ay huhusgahan na agad nya ang kakayanan namin. Siguro nga ay ayoko sa mga ganito pero alam kong magagawa namin ito ng maayos!



"Sigurado po ako. May tiwala ako sa mga batang ito." -Master.



Nagkibit-balikat lang yong babaeng 'nanghusga' samin at umupo na ito.



"Kung ganoon ay ibibigay ko na sainyo yung script na gagamitin nyo." Tumayo ito at kinuha ang makapal na papel. "Aralin nyo iyan mga bata." Ngumiti samin ito at binigay kay Master ang hawak.



"Sige na, iyan lang naman ang ipinunta nyo dito. Makakaalis na kayo. May dapat pa kaming asikasuhin para sa darating na anibersaryo ng Fairy Tail High." Saad ulit nung babae.



Bakit ba ang sungit nya?!



"Salamat po."



---


-BAHAY-



Pabagsak akong humiga sa kama ko at pumikit.



Hay nakakapagod...



Dumilat ako at kinuha ang papel na kaylangan kong aralin sa mga susunod na araw. Binigay na kasi ni Master yung script namin para sa role play na gagawin namin. Nagtataka nga ako kung bakit walang pamagat yung storya na gagawin namin pero sabi ni Master ay hindi naman daw mahalag ang pamagat. Mas mahalaga daw ang magawa naming maayos yung play.



Umupo ako sa kama at napalunok. Kinakabahan na talaga ako... Makakaya ko kayang gampanan yung mapupunta sakin?



Binuklat ko ang script para tignan ang loob nito at napailing nalang ako sa nakita ko. Mukhang planado na talaga na kami ang pipiliin ni Master dahil mga pangalan namin mismo ang gagamitin namin para sa play.



Inilagay ko na ang hawak ko sa katabing lamesa at humiga. Pagod ako. Bukas ko nalang babasahin kung ano man ang dapat kong basahin.


***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon