Chapter 52

216 17 13
                                    

ERZA



Nakaupo kaming tatlo nila Lucy at Juvia sa gilid habang pinapanuod ang nga umaarte ngayon sa gitna ng stage. Wala kami sa eksena kaya kami nandito sa gilid. Pinanuod ko ang mga nangyayari sa stage, nandoon si Macoy at Cana na syang hari at reyna ng istorya, at ang mga magulang namin nila Lucy. Kasama nila ang tatlong alipin na ginagampanan nila Natsu, Jellal at Gray. Ang eksena na inaarte nila ngayon ay yung itatapon na sa malayong lugar ang tatlong alipin dahil nalaman ng hari at reyna ang mga sikreto nito. Na may relasyon ang mga alipin sa magkakapatid na prinsesa na ginagampanan naming tatlo nila Lucy.


"Hindi ko alam na kayang mag seryoso ni Gray at Natsu. Grabe, ang galing pala nilang umarte." -Lucy.


Wala sa sarili akong tumango. Tama naman si Lucy, hindi ko rin akalain na magagawa nilang dalawa na walang mali maski isa, lalo na si Natsu. Akala ko nga ay mamomroblema kami sakanya pero mali ako. Hindi ko dapat hinusgahan ang kakayahin ni Natsu.


"Gusto pa sanang ipaglaban ni Gray ang pagmamahal nya kay prinsesa Juvia ngunit kapag pumapasok sa isipan nya ang sinabi ng hari sakanya ay hindi na nya nagawa. Natatakot syang mapahamak ang babaeng pinakamamahal nya kapag lumaban pa sya. Ayaw nyang may mangyaring masama kay prinsesa Juvia ng dahil sakanya." -Mira.


Sa bawat pag na-narrate ni Mira tungkol kay Gray ay hindi ko maiwasang masaktan. Masakit isipin na lahat ay gagawin ni Gray para lang kay Juvia. Iyon ang role nya sa play, pero alam kong ganon parin sya kay Juvia kahit sa totoong buhay. Yumuko ako at kinagat ko ang labi ko.


Nung nakita ko silang dalawa sa likod ng FTB, napatigil talaga ako. Parang nanghina ang nga tuhod ko ng makita ko silang magkayakap, lalo na ng hagkan ni Gray si Juvia sa noo. Nang makita ko silang ganon ay hindi ko na napigilan ang nagbabadya kong luha. At doon ko nakumpirma na may nararamdaman pa ako kay Gray, na mahal ko pa sya. Na kahit anong gawin ko para makalimutan ko sya ay hindi nagtagumpay. Lalo ko lang syang minahal.


Pasimple kong binalingan si Juvia. Wala akong maramdaman sakanya kundi ang inggit. Nakakainggit lang dahil nasakanya ang lalaking mahal ko. Ang swerte nya dahil mahal sya ni Gray. Iniwas ko ang tingin sakanya at muling humarap sa gitna ng stage.


GRAY


"Magaling mga bata. Salamat naman at wala kayong mga mali sainyong mga arte." Sabi ni Master at nagpalakpakan ang lahat. Kakatapos lang namin umarte ngayon. Mabuti nalang at naging malinis at dere-deretso ang acting namin kanina.


"Osiya, bibigyan ko kayo ng isang oras na break. Mukhang pagod kayo at mga gutom. Sige na mga bata." -Master.


Nagsitayuan na kami at naglakad paalis. Bababa na sana ako ng harangin ako ni Lucy. Nasa likod nya si Natsu at Erza. Mabilis kong inalis ang tingin ko kay Erza at binalingan si Lucy.


"Doon tayo sa likod ng FTB mag ta-tanghalian, Gray. Ngayon lang kasi tayo ulit magsasama-sama. Sana ay sumama ka samin." -Lucy.


Tinignan ko sya. Nagpapaawa ang mukha nya kaya napairap nalang ako. Tsk! Wala akong choice. Bumuntong-hininga ako marahang tumango.


"Yes!" -Lucy.


-


Nakaupo kaming apat dito sa likod ng FTB habang kumakain. Silang tatlo lang ang nag-uusap. Hindi ako sumasali sa usapan dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila.


"Wala na kong inumin!" -Lucy.


"Gutom pa ko." -Natsu.


Napailing nalang ako ng marinig ko si Natsu. Tss, halos kakaumpisa lang naming kumain gutom agad sya? Grabe talaga ang tyan nya.


Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon