Chapter 35

178 16 5
                                    

GRAY



(NOTE: Ang scenario na ito ay yung mga panahong kakauwi lang ng ating mga bida galing sa sagradong isla.)



"Salamat sa paghatid! Ingat kayo!"



"Kitakits nalang tayo sa FTH! Salamat ulit!"



Tinignan namin ang paalis na bus hanggang sa mawala ito sa paningin namin. Nang humarap ako sa kabuuan ng bahay kung saan kami naninirahang apat ay napabuga ako ng hangin. Kahit dalawang linggo lang ang itinagal namin sa sagradong isla na iyon ay para bang ang tagal kong nawalay sa bahay na ito.



"Hays! Pasok na tayo. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko." Ani Natsu at pumasok na habang buhat ang mga gamit kasunod si Lucy.



Binalingan ko ang katabi. Pansin ko kay Erza na kanina pa sya tahimik at mukhang malalim ang iniisip. Kanina sa sasakyan ay sinubukan ko syang tanungin kung may problema ba sya ngunit hindi nya ako kinibo. Buti na nga lang at pinayagan ako ni Master na tabihan ulit sa byahe si Erza. Akala ko makakatabi nya ulit si Jel-- ah basta! Yun lalaking yon! Ayokong mabangit ang pangalan ng lalaking yon dahil kumukulo talaga ang dugo ko!



Mukhang wala atang balak gumalaw si Erza sa kinalalagyan nya kaya naman kinuha ko sa mga kamay nya ang gamit nya. Ikinatuwa ko naman ng tignan nya ko habang naka-kunot ang noo nya.



Buti naman at napansin mo na ko.



"Ako na magdadala ng gamit mo. Mukhang pagod ka na." Hindi na umangal pa si Erza kaya naman kinuha ko na abg gamit nya.



"Pasok na tayo para naman makapagpahinga tayo." Tumango lang sya sakin at naunang pumasok sa bahay.



Nagkibit-balikat nalang ako sa inakto nya.



---



"Nasan si Erza?" Tanong ko kila Natsu ng makalabas ako sa banyo.



"Ah, nasa kwarto na sya. Mukhang wala sa mood." Tumango nalang ako kay Lucy.



"Naku Gray ah? Wag mong gagalitin ngayon si Erza kung may balak ka mang galitin sya." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Natsu at pumunta sa sala ng bahay.



Habang nakaupo ako sa sofa ay nakatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Erza. May pakiramdam akong may mali eh. Kung totoo man ang sinabi ni Lucy na wala sa mood si Erza, ay malamang kanina pa sya nagtatalak samin at kung ano-ano ang iuutos. Ganun si Erza kapag wala sa mood. Pero yung ganito? Yung maagang papasok sa kwarto? Mukhang hindi ata. Dahil sa aming apat si Erza ang huling papasok sa kwarto, ay hindi. Kami palang dalawa.



"Tignan mo Lucy oh! Ang cute ng mga bula."



"HUWAG MONG PAGLARUAN YAN NATSU! ISUSUMBONG KITA KAY ERZA!"



Napailing nalang ako sa dalawa. Buti nalang at hindi na nagsalita pa si Natsu, mukhang natakot ata sa banta ni Lucy.



---



Kanina pa ko paikot-ikot dito sa kama ko pero hindi talaga ako matulog. Ginawa ko na ang lahat pero nabibigo lang ako. Hindi talaga ako makatulog. Tinignan ko ang orasan na nasa pader at alas-dos na ng madaling araw pero eto ako at gising na gising parin.



Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at tumayo. Maka-inom nalang ng tubig, baka sakaling makatulog ako.



Pagkababa ko ay agad akong kumuha ng maiinom sa ref at ininom agad ito. Nagpalipas ako ng ilang minuto dito sa kusina ng napagdesisyonan kong puntahan ang kwarto ni Erza.



Binalik ko na ang ininom ko sa ref at agad na umakyat. Walang tunog akong naglalakad papunta sa kwarto ni Erza. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kinabahan. Napahawak pa ko sa dibdib ko at sobrang bilis ng tibok nito. Bumuga ako ng hangin para maalis ang kaba na nararamdaman ko. Kinakabahang hinawakan ko ang sedura ng pinto at dahan-dahan ko itong binuksan.



Umayos ang aking paghinga ng makita kong tulog na tulog si Erza kaya naman dahan-dahan kong isinarado ang pinto. Mahirap na, baka magising. Pagkasara ko ay tahimik akong naglakad papalapit sakanya.



Umupo ako sa gilid ng kama nya. Bumilis agad ang pintig ng puso ko ng makita ko ng malapitan ang mukha ni Erza. Para bang ang tagal kong hindi nasilayan ang napakaamo nyang mukha. Maingat kong hinawi ang ilang hibla ng buhok nya sa mukha nya para makita ko ang detalye ng itsura nya. Mahahabang pilik-mata, maliit at matangos na ilong at mapulang labi na kahit sinong lalaki ay gusto itong mahawakan.



Napangiti ako sa mga naalala ko. Hindi ko nga lang pala nahawakan ang labi ni Erza, kundi nahalikan pa.



Nanatili akong nakatingin sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko. Oo, pinakamamahal ko dahil mahal na mahal ko si Erza higit pa sa buhay ko. Lahat ay gagawin ko para sakanya. Wala siguro kaming relasyon pero alam ko at ramdam ko na ganun din sakin si Erza.



Pero minsan ay hindi ko maiwasang hindi malungkot sa kung ano man ang meron samin ni Erza. Oo mahal namin ang isa't-isa pero sapat ba yon? Ilang beses na kong nagtangkang magtanong kay Erza kung kami na ba talaga pero hindi ko rin naman nagagawa. May parte kasi sakin na natatakot sa isasagot nya sa tanong ko.



Bumuntong hininga ako at umiling. Umayos ka Gray. Huwag mo nalang yan isipin. Basta alam mo sa sarili mo na mahal ka din ng babaeng matagal mo ng mahal.



Nagpalipas ako ng isang oras sa kakatitig kay Erza. Nakakaramdam na ko ng antok kaya naman mayamaya lang ay babalik na ulit ako sa kwarto ko. Si Erza lang talaga ang solusyon. Sya lang talaga. Kaya hindi ko na alam ang mangyayari sakin kapag nawala pa sya.



Tumayo na ko at nag unat. Hindi narin masama ang pagpupuyat ko ngayong araw. Yuyuko na sana ako para hagkan ang noo nya ng bigla syang magsalita.



"J-jellal..."



"J-jellal wag mo kong iiwan."



***
Kamusta itong chapter? =D Hindi ko alam pero habang tinatype ko tong chapter na to, nasasaktan ako :D Mukhang feel na feel ko kasi dito si Gray eh. May pinaghuhugutan! Choz! Pero alam kong pati kayo maaawa kay Gray. Kaya sisihin nyo na ko, bilis! Hahaha. Enjoy this chapter. comment comment din Pag may time =) THANK YOU :*

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon