Chapter 17

311 15 5
                                    

ERZA



Ilang araw ko ng nakikita si Jellal sa bahay namin. Hindi ko alam kung nakikita o nahahalata ba ng mga kasama ko na lagi syang nasa may labas ng bahay. Gusto ko syang kausapin na tumigil na sya sa ginagawa nya. Ang kaso, natatakot ako.



"Hay! Busog! Sarap matulog." -Natsu.



"Hoy! Mag-uurong pa tayo! Wag kang matulog!" -Lucy.



Kakamot-kamot ng ulo si Natsu at sumunod kay Lucy. Napatingin ako sa bintana. Pakiramdam ko na may nakamasid dito sa pwesto ko.



Hindi nga ako nagkamali. May nakamasid nga sakin at si Jellal iyon. Nakasandal sya sa puno na medyo malapit sa bahay namin. Hindi agad sya mahahalata dahil narin sa suot nyang kulay itim. Madilim na rin kasi dahil malalim na ang gabi. Pero kung tititigan mo ang kinalalagyan nya, mahahalata mong may tao dahil narin sa buhok nyang kulay asul. Lalo na't tumatama ang sinag ng buwan.



Tumayo na ko at dumiretso sa kusina para kunin ang basurang itatapon ko. Nadatnan ko ang dalawang nag-uurong na nagbabatuhan ng bula. Napailing nalang ako. Mga isip bata talaga.



Pagkakuha ko ng basura ay napahinto ako. Kaya ko bang harapin sya? Alam kong kaya sya laging nakamasid dito sa bahay ay gusto nya kong kausapin. Hindi naman sya makasingit kapag nasa FTH kami dahil madami akong ginagawa. Iniiwasan ko talaga sya. Tambak na nga ang basura at nangangamoy na dahil hindi ko ito tinatapon. Dahil natatakot akong magkasalubong kami ni Jellal.



Bumuntong hininga ako at binitbit na ang mga basura. Bahala na siguro sa mangyayari.



Pagkatungtong ko sa sala ay ka-muntikan ko ng mahulog ang mga dala ko dahil sa gulat. Bigla nalang kasing nagpakita si Gray sa harapan ko. Nakahalukipkip sya ngayon at seryosong nakatingin sakin.



"Ako na magtatapon nyan." Sabi nya sa seryosong tono ng pananalita.



Magsasalita pa sana ko ng hablutin nya ang mga dala ko at tumalikod na upang lumabas. Nakatayo lang ako sa kinalalagyan ko habang nakatingin sa saradong pintuan.



-FAIRY TAIL HIGH-



LUCY



Nandito kami ngayon ni Erza sa likod ng FTB kung saan kami tumatambay. Kung tatanungin nyo ako kung nasan ang dalawang lalaki ay nanduon sila sa cafeteria para bumili ng makakain. Dito kasi naisipan ni Erza na kumain.



At speaking of Erza...



Napapansin kong lagi na syang tahimik. Kapag nasa bahay naman kami, lagi syang nakatingin sa bintana sa may labas. Lalo na kapag gabi. Nung isang araw nga ay ginaya ko sya eh. Yung nakatingin din ako sa may labas. Baka kasi may tinitignan don si Erza. Eh kaso naluluha na yung mata ko pero wala naman akong nakita. Kaya naman tumigil na ko. Siguro ay may iniisip lang si Erza kaya nag mo-moment sya ng ganun.



Bumuntong hininga ako at tumingin rin sa lawa. Nakakapanibago tuloy kapag ganto si Erza. Mas gusto ko pang yung monster sya kaysa sa tahimik sya eh. Para kasing mas nakakatakot sya kapag tahimik eh.



Kaylan nga ba sya nagkaganto? Ah, simula nung dumating yung bago naming kaklase. Si Jellal at Juvia.



"PAGKAEN! PAGKAEN! PAGKAEN!"



Nilingon ko yung dalawang lalaki na papunta sa gawi namin. Si Natsu nagtatatalon pa papunta dito at si Gray, ayun nakatingin kay Erza. Pansin ko nga rin si Gray eh. Naging tahimik rin sya nung naging tahimik din si Erza. Napansin ko din na hindi na sila masyadong magkasama, hindi katulad dati na parang sila na.



May mali talaga. May maling nangyayari.



Kaya naman nang makalapit sakin si Natsu at nabigay na nya ang inaasam-asam kong pagkain ay hinablot ko agad sya at dumistansya sa dalawa.



"Bakit Lucy?" Tanong nya sabay kagat sa pagkain nya. Napatakip nalang ako sa noo ko kung pano kababoy kumain itong si Natsu.



Hindi ko nalang pinansin ang pagkain ni Natsu at tumingin sakanya ng seryoso.



"May gagawin tayong misyon Natsu."



"MAY GAGAWIN TAYONG MISY--"



"Wag kang maingay!" Mahina pero madiin kong sabi sakanya habang nakatakip ang kamay ko sa bibig nya.



Kahit kaylan talaga tong si Natsu!



Tinignan ko yung dalawa na nasa puno. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi sila nalingon sa gawi namin. Mukhang hindi kami napansin.



Binitawan ko na si Natsu at pinanlakihan ko ng mata si Natsu.



"Wag ka ngang maingay dyan! Sating dalawa lang to, okay?!" Tumango-tango sya na parang maamong aso habang ngumunguya.



"Kaylangan nating tignan ang mga galaw ni Erza. Dahil may mali talaga sakanya."



"May mali naman talaga kay Erza ah? Lagi nya kong sinasapa--"



"TUMAHIMIK KA NGA NATSU PWEDE?!"



"Lucy! May problema ba?" Sigaw ni Erza kaya naman nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sinamaan ko ng tingin si Natsu bago tumingin sakanila.



"A-ah, wala Erza! N-naglalaro lang k-kami ni N-natsu. D-diba?" Ngumiti ako ng pilit kay Natsu.



Sumagot ka ng maayos! Malilintikan ka sakin!



"Ha? Naglalaro ba tayo Lucy? Akala k--"



*BOOOOOOGSH*



"HABULIN MO KO NATSU! IKAW ANG TAYA!"



Nanggigigil akong tumakbo palayo sakanya para magmukha talaga kaming naglalaro ni Natsu sa paningin ni Erza.



YARI KA SAKIN MAMAYA NATSU! DODOBLE YANG BUKOL MO MAMAYA SAKIN!




***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon