Chapter 57

220 14 10
                                    

ERZA

"Ngunit Ina--"

"Hindi mo na mapipigilan ang desisyon namin Lucy. Magulang nyo kami kaya't kami ang masusunod."

"Wala ng nagawa sina Prinsesa Lucy at Prinsesa Juvia sa mga sinabi ni Haring Macao. Ilang sandali lang ay lumabas si Prinsesa Erza na tahimik lamang na nakikinig sa hindi kalayuan, narinig nya ang mga sinabi ng magulang sa mga kapatid." -Mirajane.

Natauhan ako ng biglang banggitin ni Mirajane ang pangalan ko. Napatayo ako ng maayos at muling huminga ng malalim. May eksena ako ngayon kaya kaylangan kong umayos. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan hanggang sa makatungtong muli ako sa stage.

"Ano ang aking narinig Ama?" Banggit ko sa linya ko. Huminto ako sa paglalakad ng makatabi ko si Juvia at Lucy. Nasa harapan kami nila Macao at Cana, ang mga magulang namin sa kwento at ang hari at reyna.

"Erza, kaylangan nyong mapakasalan ang mga nabanggit kong prinsipe kung narinig mo ang aking mga sinabi." -Macao.

"Ngunit bakit? Bakit kayo ang nagdedesisyon kung sino ang papakasalan namin?" Saad ko.

"Dahil mga magulang nyo kami Erza. Bilang mga magulang nyo ay nais namin na maging maayos ang buhay nyo. At ang mga prinsipeng iyon lamang ang makakapagbigay sainyo ng magandang kinabukasan." Matigas na sambit ni Macao.

"Hindi na lamang nagsalita pa si Prinsesa Erza at naglakad palayo sa mga magulang. Sumunod naman agad ang dalawang Prinsesa sa kapatid na umalis. Napailing nalamang ang Hari habang pinagmamasdan ang mga anak na naglalakad palayo." -Mirajane.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating muli ako sa backstage. Akala ko ay hindi ko masasabi ang linya ko dahil sa sobrang kaba pero buti nalang ay nagawa ko. Ilang sandali lang ay nakita ko si Juvia at Lucy na ngayon ay nandidito rin sa backstage. Muling dumilim ang stage at nagsipuntahan ulit ang mga kaklase ko para palitan ang props sa paligid.

"Erza maganda siguro kung pumunta ka na sa stage para pagbukas ulit ng ilaw nandun ka na."

Nagawi ang paningin ko kay Juvia ng magsalita ito.

"Oo nga Erza. Diba ikaw parin ang sasalang?" Dagdag ni Lucy sa sinaba ni Juvia.

Doon ko lang napagtanto na ako parin nga pala ang sasalang sa stage. Napailing nalang ako, natatabunan na talaga ako ng kaba kaya't hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari. Nagpasalamat ako sa dalawa at muli akong umakyat sa stage na hanggang ngayon ay madilim parin.

"Dito Erza." Mahinang saad ni Mirajane ngunit sapat iyon para marinig ko. Tumango ako sakanya at doon ako pumwesto. Umupo ako sa kamang kakalagay lang ng mga kaklase ko.

Pumikit ako at mahinahong nagdasal. Sana ay matapos namin itong play ng maayos. Sana hindi naman madismaya ang council lalo na si Master.

Saktong pagdilat ko ay muling lumiwanag ang paligid at nagsimula na si Mira.

"Nakatanaw lang mula sa malayo si Prinsesa Erza habang iniisip nya ang mga sinabi ng magulang sakanilang magkakapatid. Hindi nya nagustuhan ang mga pakay nga mga magulang nila para sakanilang tatlo." -Mirajane.

At ginawa ko nga ang mga sinabi ni Mirajane. Nakatanaw lang ako sa kawalan at pilit kong magmukha akong may malalim na iniisip. Kunwaring nasa isang kwarto ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Nasa Ilang sandali lang ay nagsalita ako ayos sa kwento.

"Paano na ako kapag naikasal ako sa taong hindi ko naman kilala? Paano nalang kaming magkakapatid kung ikasal kami sa taong hindi manlang namin mahal? Paano nalang ang tunay kong minamahal? Paano nalang kami ni Jellal?" Sambit ko sa linya ko. Pero hininaan ko ang boses ko ng banggitin ko ang huli kong sinabi ngunit sapat lang yon para marinig ng mga tao.

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon