Chapter 1

1.8K 42 5
                                    

LUCY



"Hayyy.. Ang tagal naman nila." Bumuntong hininga ako tsaka tumingin sa wristwatch ko. Hayy, 5 minutes nalang mag uumpisa na yung klase eh...



"Natsu, nasan--"



"ANONG GINAGAWA MO DYAN?!!!!!"



"Hoy Lucy! Wag kang manilip! Kita mong umiihi ako oh?!!" -Natsu.



Iiling-iling akong napatakip sa noo tsaka humarap ulit sakanya. "Eh bakit dyan ka umiihi sa puno?! May CR naman sa loob ng school!!!" Bulyaw ko sakanya. Nandito kasi kami sa gate ng school habang hinihintay yung dalawa: Si Gray at si Erza.



"Alam ko. Hindi ko na kasi matiis eh. Tsaka, kapag pumasok ako sa loob hindi na ko papalabasin. Edi ikaw nalang mag-isa ang maghihintay dito?" -Natsu.



Nang makalapit sakin si Natsu ay binatukan ko sya. Tsk! Hindi manlang nag-iisip 'to! Hindi nya ba alam na baka may makakita sakanya?!



"Aray naman Lucy! Para saan naman yun?!" Sabi nya habang hawak hawak yung parte na binatukan ko. Hindi ko nalang sya pinansin at humalukipkip.



"Kanina pa kayo dyan?"



Napatingin kaming dalawa ni Natsu sa nagsalita. Hayy, buti nalang at naisipan nilang dumating.



"Ang bagal kasing kumilos nitong si Er-- Aray naman!!!" -Gray.



"Sinabi ko bang hinatayin mo ko?!!!!" -Erza.



"Tsk. Tara na nga, pumasok na tayo." -Gray.



Tumango kaming tatlo at pumasok sa loob. Pero bago kami pumasok, pinakita muna namin yung sign ng FAIRY TAIL HIGH. Bale, parang ID na namin 'tong sign na 'to. Kaya kapag wala kang ganto, hindi ka makakapasok. COOL DIBA?! *o*



-CLASSROOM-



Pagpasok naming apat sa room ay wala pa yung master namin. Adviser namin sya. Ayaw nyang tatawaging 'Sir' kasi hindi daw bagay sakanya. 'Master' nalang daw: Si Master Makarov.



Pumwesto na kaming apat sa mga upuan namin. Katabi ko si Natsu at nasalikuran naman namin si Erza at Gray. Ilang minuto lang ay dumating na si Master.



"Good Morning, Master."



"Good Morning." -Master Makarov.



Umupo na kami at ganun din si Master, kaso sa lamesa sya umupo. Maliit kasi si Master.



Nag discuss lang lang si Master ng kung ano-ano. Pero sa totoo lang, hindi ako nakikinig. Nakakatamad kasi ngayon eh. Kakalabitin ko sana si Natsu ng----



Ang tindi talaga ng lalaking to!



Napailing nalamang ako ng makita ko si Natsu na nakasubsob sa desk namin habang natutulog. Naghihilik pa at tulo laway.



Ano ba tong lalakeng to....



"Sandali." Napalingon kaming lahat kay Master. Bumaba sya sa lamesa at dumiretso sa pintuan. Hindi namin makita kung sino yung kausap nya.



"Ah, sandali lang mga bata. Pupunta lang ako sa Council. Hindi naman siguro kayo nanggulo ulit diba?" Tumango kaming lahat sakanya at tuluyan na syang umalis. Bakit kaya sya pinapatawag sa council? Ang alam ko, wala naman kaming ginawang gulo eh, diba?.......



-FLASHBACK-



Nandito kami sa Cafeteria ng Fairy Tail High para kumain. Lunch narin kasi namin at kanina pa ko gutom.



Umupo na kaming apat sa lagi naming pwesto dito. Yung dalawang lalaki, umorder na at kami namang dalawa ni Erza, nakaupo at hinihintay yung dalawa.



*Kruuuu~



Grabe gutom na talaga ko~



"Eto na yung pagkain mo Lucy." -Natsu.



Salamat naman at dumating na...



Kakainin ko na sana yung pagkain ko ng.....



"NASAN NA YUNG SCARF KO!!!!" Napatingin kaming lahat kay Natsu na nakatayo na sa upuan nya.



Naku naman...



"Ikaw Gray!" Duro ni Natsu kay Gray na ngayon ay napatigil din sa pagkain. "Tinago mo yung Scarf ko no?!!!" Kinuha nya yung kwelo ni Gray at--



"Patay, si Erza!"



"Tsk, tsk. Nayari na."



"Favorite pa naman yun ni Erza. Sayang, nahulog pa."



WAAAAAH!! NAKUUU! Bakit si Erza pa yung nabunggo nitong dalawa?!



"Anong nangyayari dyan?! Ang tunay na Lalake, Nagsusuntukan na agad!!!" -Elfman.



WAAAAAH!!! BAKIT MO TINAPAKAN YUNG STRAWBERRY CAKE NI ERZA, ELFMAN!!! WAAAAH!!! Patay na talaga kami!!!



"STRAWBERRY CAKE KOOOOOOOO!!!!!" -Erza.



-END OF FLASHBACK-



Ahehehehehe... Di naman siguro dahil dun no? Hindi naman nasira yung Cafeteria, yung kalahati lang naman. Di naman siguro papansinin ng taga Council yon diba? Ahehehehe, hehehe....



"Lucy."



"Hmm?" Napatingin ako kay Erza na ngayon ay nakatitig sakin.



Ano ba yan. Kinakabahan ako sa titig nya. Wala naman akong ginagawa eh.



"Ahehehehe... A-ano y-yun, Erza? Hehehe... Hehehehe...." Kamot ulo kong tanong.



Kinakabahan talaga ko...



Lumapit pa sya sakin kaya lalo akong kinabahan.



Waaaaah!!! Ano bang ginawa ko?!



"Anong iniisip mo?" -Erza.



"I-iniisip? W-wala.... Ahehehe.... Hehehe...." Sabi ko sakanya.



Tumango-tango sya sakin at sumandal na sya sa upuan nya. Ngiting pilit ako tumingin sa harapan saka bumuga ng hangin.



Kinabahan pa ko. Akala ko naman kung ano ang sasabihin...




Pero.... NAKAKATAKOT TALAGA SYAAAAA....



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon