Chapter 12

361 20 3
                                    

ERZA



Binaba ko na ang dala kong bag sa sofa at nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay.



Nasan sila? Bakit ang tahimik?



"Natsu!" Walang sumagot.



"Lucy!" Walang sumagot.



Wala pa ba sila? Akala ko umuwi na sila galing FTH?



"Hindi mo manlang ba ko hahanapin?"



Halos mahulog ang puso ko dahil sa pagkagulat. Mabilis akong lumingon sa likuran ko upang makita sya. Nakasandal sya sa gilid ng pintuan habang nakahalukipkip. Napaatras ako ng lumakad sya papalapit sakin.



"G-gray... A-ano..."



"Bakit hindi mo ko hinahanap?" Halos mailang ako sa paraan ng pagtingin nya sakin. Idagdag pa ang lapit ng kinalalagyan nya sakin.



Umayos ako ng tayo at sumeryoso ng mukha. Gaya nya ay humalukipkip din ako.



"Tatawagin na sana kita kung hindi ka nagsalita." Umismid ako. "Nasan nga pala yung dalawa? Alam mo ba kung nasaan sila?"



Hindi nya ko pinansin at nanatili lang syang nakatingin sakin. Hindi. Nakatitig pala kaya medyo naiilang na naman ako.



Umayos ka Erza!



"Bakit Erza?" Nagtatakang tinignan ko sya.



"Bakit mo ko iniiwasan?" Dagdag nya.



Bakit nga ba?



Umiwas ako ng tingin at yumuko. Hindi ko kayang tignan ang itsura ni Gray....



"H-hindi ko alam." Sagot ko sakanya.



Isang mabigat na buntong hininga ang narinig ko mula sakanya. Magsasalita sana ako ng maramdaman ko ang mga kamay nya na nakayakap sakin.



"Please, Erza. Tama na." Humigpit ang yakap nya sakin. "Hindi ko kayang umiwas ka sakin. Hindi ko kayang hindi ka nakakausap. Hindi ko kaya ng ganito. Tama na...."



Hindi ako kumibo. Hindi ko maintindihan si Gray...



"Nasasaktan ako, Erza....."



Nasasaktan?



Lumayo ako kay Gray at tumitig sa mga mata nya. Hindi nakaligtas sakin ang malulungkot na mata nya na naka-titig din sakin.



"Bakit Gray? Bakit ka nasasaktan?" Hindi sya kumibo. "Sabihin mo. Bakit ka nasasak---"



"DAHIL MAHAL KITA ERZA! MAHAL NA MAHAL KITA!"



Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng nasa harapan ko.



M-mahal ako n-ni G-gray?



Bakit ganto ang tibok ng puso ko? Ang bilis...



"K-kelan p-pa, G-gray? K-kelan pa?"



"Naaalala mo yung nakita kita sa tabi ng ilog nung mga bata pa tayo? Yung pinuntahan kita? Hinahamon pa kita non. Tapos bigla kang umiyak." Bumuntong hininga sya. "Nung nakita ko ang luha mo, don ko nalaman na gusto kita. Na ayoko ng nakikita kang umiiyak. Ayokong nakikita kitang nasasaktan. Oo aaminin ko nung unang pasok mo sa bahay, may paghanga na ko sayo kaya nga lagi akong napapapansin. Okay lang kung masaktan ako, basta mapansin mo lang ako."



"Tapos nung araw nga na yon sa tabing ilog na umiiyak ka? Hindi ko kaya yun. Mas nasasaktan ako kapag nakikita kang nasasaktan, Erza."



Nagulat nalang ako ng punasan ni Gray ang pisngi ko.



"Wag ka ng umiyak Erza. Nandito lang ako sa tabi mo. Lagi. Hindi kita iiwan. Ako ang magpupunas ng mga luha mo. Mahal kita Erza. Mahal na mahal na mahal kita."



Doon na ko umiyak sa pagtatapat ni Gray. Hindi ko alam. Wala akong alam....



Muli akong niyakap ni Gray kaya niyakap ko sya pabalik.



"Shhh... Tahan na. Diba sabi ko sayo ayokong nakikita yang luha mo?" Nilayo nya ko sakanya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Wag ka ng umiyak." Tumango ako sakanya at pinunasan ko ang luha ko.



"Papansinin mo na ko ah? Tss."



"Oo na. Arte mo."



"I'M HOOOOOOOOME!"



"NASAN SI HAPPY! HAPPY NANDITO NA SI POGING NATSU! YUUUHOOOOO!"



Mabilis akong lumayo kay Gray pero napigilan nya ko at umakbay pa sakin. Dahil mas matangkad sya sakin ay tumingala ako sakanya at sinamaan sya ng tingin. Nginisihan nya lang ako ng kumindat. Tss.



"Anyare sainyo?" Tanong ni Lucy. "Teka Erza? Umiyak ka ba?"



"H-hindi no! B-bakit naman ako iiyak? Ha Ha Ha Hahaha!" Siniko ko si Gray ng ilapit nya pa lalo ako sakanya. Tignan mo to, chuma-chansing lang eh. Nakakarami na.



Mukha namang nakumbinsi ko si Lucy at umakyat na sya sa kwarto nya. Si Natsu naman, ayon. Nakikipag-laro kay Happy sa labas. Kaya.... kami na naman ni Gray ang natira.



Kaming dalawa..



Kami lang dalawa...



"Layo nga! Nakakarami ka na ah!" Pinagtawanan lang ako ni Gray.



"Sus! Kunwari pa! Gusto mo naman na naka-akbay ako! Hahaha!"



"Asa ka!" Tinalikuran ko na sya at naglakad papunta sa taas.



Pero bago pa man ako makaakyat ay may humablot sa braso ko.



"Saglit Erza."



Humarap ako sakanya at sinamaan sya ng tingin. "Ano na naman?"



"NATSU! LUCY! MAG CE-CELEBRATE TAYO MAMAYANG GABI!"



Ako? Nakatingin lang ako sakanya habang tumatakbo palabas ng bahay habang nakahawak sa labi.



"Sira." Iiling-iling akong umakyat at pumasok sa kwarto.



Isa lang ang masasabi ko.



Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang saya ko.



***
So ano? HAHAHA. Sorry ngayon lang ako ng UD. SORRY SORRY TALAGA! Babawi na ko Guys! Thank you!

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon