Chapter 20

285 15 3
                                    

ERZA



"BAKIT MO KO SINUKAHAN?!" -Lucy.



"H-hindi k-ko n-na k-kaya--" -Natsu.



"WAAAAAAAAH?! TULOOOOONG!!!" -Lucy.



Nagising ako sa ingay na sa tingin ko ay sina Lucy at Natsu.



"Gising ka na pala."



Halos maduling ako sa lapit ng mukha ni Gray sa mukha ko.



"A-ah. O-oo." Umayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin sakanya.



Nakakahiya ka Erza!



Napansin kong kami nalang ni Gray ang tao dito sa sasakyan. Binaling ko ang tingin ko sa tapat ng inuupuan namin. Wala ng tao. Mukhang nakababa na sya.



Narinig kong tumikhim si Gray kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa upuan.



"M-mukhang napasarap yung t-tulog ko. T-tayo nalang pala ang tao dito."



"Okay lang yun. Solo kita." Hinawakan nya ang baba ko at iniharap nya ko sakanya. "Gusto ko nga dito nalang tayo eh. Walang istorbo."



Mabilis kong iniwas ang mukha ko sakanya. Bakit ganon, pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko?



"Erza, Gray. Hinahanap na kayo ni Master."



Tumango ako kay Cana at tumayo para ayusin ang suot ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo na din si Gray at kinuha ang mga dalang gamit namin.



"Tara na. Hinahanap na pala tayo." Sabi ko kay Gray at naunang maglakad.



"Sandali Erza."



Pinihit ko ang katawan ko patalikod para makita sya. Napansin kong malungkot ang mga mata nya habang nakatingin sakin. Magsasalita sana ako ng magsalita sya.



"Sana... Sa paglipas ng dalawang linggo. Walang magbabago satin, Erza. " Yumuko sya at nagpatuloy. "Hindi ko kakayanin..."



Bakas sa boses ni Gray ang kalungkutan. Hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi ng makita ko ang pagtulo ng luha nya. Lalapitan ko sana sya ng pasimple nyang pinunasan ang luha nya at nag-angat ng mukha.



"Tara na. Baka magalit pa si Master." Pilit syang ngumiti sakin at hinawakan ang kamay ko.



Anong ginawa mo Erza...



LUCY



"HINAY HINAY LANG NAMAN?!"



Napatakip nalang ako sa noo ko dahil sa kababuyang kumain ni Natsu. Gusto ko syang isubsob sa kinakain nya pero pinili ko nalang magpigil. Baka sabihin ng mga kasama ko ngayon, masyado akong brutal kay Natsu.



Bumuntong hininga ako at bumalik ulit sa pagkain. Hindi ko na nga lang papansinin si Natsu.



"Ayos ka lang ba Erza?"



Napunta ang paningin ko kay Erza. Nakatulala lang sya sa plato nya.



"Erza, kapag ayaw mong kainin yang pagkain mo bigay mo nalang sak--"



*BOOOOGSH*



"A-aray k-ko p-po..."



Natingin ang mga kasama ko sakin dahil sa ginawa ko kay Natsu. Hindi ko nalang sila pinansin at bumuntong hininga. Hindi ko na kasi matiis tong si Natsu. Hindi ko na kayang magpigil. Kanina ko pa sya gustong batukan, lalo na kanina nung sinukahan nya ko.



Kadiri diba?! Sinong hindi maiinis don?!



"Teka? Bakit wala si Gray?"



"Oo nga. Ang huli kong kita sakanya nubg pagbaba nya ng sasakyan eh."



"Diba kasama mo sya kanina Erza?"



"H-ha?"



Tinignan ko ulit si Erza. Nakatingin sya ngayon kay Elfman at umiling.



Oo nga, ngayon ko lang napansin na wala si Gray ngayon. Nasan kaya yon?



"Hahanapin ko sya."



Lumingon ang lahat kasama ako sa pwesto ni Juvia. Seryoso syang nakatingin samin habang nakatayo.



"Hahanapin ni Juvia si Gray." -Juvia.



"Alam mo ba--"



"At bakit? Ha?"



WAAAAAH! NAKAKATAKOT SYA!!!



Madilim ang mukha nya habang nakatingin sya sakin na para bang ano mang oras ay susugurin nya ko.



NATATAKOT AKO KAY JUVIA!!!!



"Teka, parang kulang tayo."



"Tss, kulang talaga tayo. Wala nga si Gra--"



"Hindi iyon. Hindi si Gray."



"Oo nga no."



Nilibot ko ang paningin ko sa lahat. Napansin kong kulang kami. Wala si Gray.



Nang balingan ko si Erza ay may naalala ako...



"Wala din si Jellal." Pagkasabi ko non ay nakita ko si Erza na napahawak ng mahigpit sa hawak na kutsara.



"Oo nga. Wala rin sya."



"Nasan kaya yung dalawang yon."



"Baka mamaya maligaw sila. Malaki pa naman itong isla."



NATSU



"A-aray ko...."



"HA?! NASAN SILA?!"



Nilibot ko ang paningin ko. Bakit wala sila? Bakit ako nalang ang tao dito?



"Ang sakit."



Tss, si Lucy. Binatukan ako! Wala naman akong ginagawa eh! Tsk.



Tumayo ako habang hawak ang ulo kung saan banda ako binatukan ni Lucy. Ang sakit talaga. Pero magpapasalamt parin ako dahil si Lucy lang ang bumatok sakin. Kaysa si Erza...



NAKAKATAKOT TALAGA SYA!



Pero seryoso. Bakit nawala sila? bakit hindi manlang nila ko ginising.



"Hay... Maghahanap pa tuloy ako."


***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon