Chapter 15

336 17 16
                                    

HAPPY 1K READS SATIN GUYS! Salamat talaga sainyo! Sa pagbabasa, pag-comment at sa pag-votes! Dahil dyan, magiging active na ko. Hehehe! THANK YOU! :*
***



ERZA



Naging maayos naman ang mga lumipas na araw. Wala din namang naging problema dito sa FTH. Lahat maayos at wala ng lumalabag sa kautusan.



"Nandito ka lang pala."



Inalis ko ang tingin ko sa lawa at tinapunan ng tingin ang nagsalita.



Si Gray.



Binigyan ko lang sya ng tipid na ngiti at muling tumingin sa lawa. Naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko.



"May problema ba Erza?" Tanong ni Gray.



"Wala naman." Sagot ko nalang sakanya at hindi na sya nagsalita.



Pareho kaming walang kibuan at nakatingin lang sa lawa.



"ANO BA NATSU!? BITAWAN MO NGA AKO!"



"Sige na Lucy! Pahinge naman oh! Medyo gutom pa ko!"



"Bahala ka sa buhay mo! May pera ka naman eh!"



"Wala na nga.. Naubos ko na kanina nung nag lunch tayo. Sige na Lucy. Penge naman kahit konti!"



Napabuga nalang ako ng hangin at napapikit. Eto pala ang problema ko, sila Natsu at Lucy.



Naramdaman kong malapit na sila sa pwesto namin ay tumayo na ko at nagpagpag ng sarili. Tumayo na din si Gray.



"Ayoko nga sabi eh! TUMIGIL KA NA NGA!"



"Tss. Edi wag."



Pagkakita ko sakanilang dalawa ay walang emosyon si Natsu na iniwan si Lucy at lumapit samin ni Gray.



"N-Natsu..." -Lucy.



"Psh." -Natsu.



Napaangat ang kilay ko.



---



"Mga minamahal kong mga estudyante. Gusto kong sabihin sainyo na may bago kayong kaklase."



Nagbulungan ang lahat dahil sa sinabi ni Master.



Humarap naman sakin si Lucy at nagtanong.



"Erza, sino yung bago nating kaklase?"


"Pasensya na Lucy, hindi ko din kilala." Tumango lang sya at muling tumingin sa harap.



Nagsitahimik na ang lahat ng muling magsalita si Master.



"Sige na. Pumasok ka na." Sabi ji Master habang nakatingin sa pintuan.



Mula sa labas, ay pumasok ang isang babae na tahimik lang na naglalakad. Naka-uniform na ito at asul ang kanyang buhok. Pagharap nito samin ay wala kang mababasa sa kanya dahil walang emosyon ang kanyang mukha.



"Magpakilala ka na." -Master.



"Magandang Tanghali sainyo. Ako si Juvia Lockser." Pagkasabi nya non ay yumuko ito samin.



Nagbulungan ulit ang lahat.



Tinitigan ko yung babaeng nasa harapan na nagngangalang Juvia. Nakatingin lang sya ngayon sa kawalan na para bang wala lang sakanya na pag-usapan sya.



Tinitigan ko ang mukha nya. Wala talaga syang emosyon. Mahirap din basahin kung ano ang iniisip nya.



Nalingon ang lahat kay Natsu ng tumayo ito.



"Bakit ka Lumipat dito, Julia?"



Nasapo ko nalang ang noo ko. Okay na sana Natsu eh, seryoso ka na. Pero hindi Julia pangalan nya.



"Natsu, Juvia ang pangalan nya. Hindi Julia." -Master.



"Ganon na din yon." Seryosong sagot ni Natsu at tinuro si Juvia.



"Bakit ka nandito? Anong plano mo?" -Natsu.



Tinignan ko si Juvia kung ano ang isasagot nito. Yumuko lang sya at napansin kong ngumisi sya.



Mukhang may hindi tama...



"Sige na Juvia. Huwag mo nalang pansinin si Natsu. Umupo ka na kung saan mo gusto." Sabi ni Master kay Juvia at tumango ito.



Nilibot nito ang paningin nya at nang makakita ng pwesto ay naglakad na ito papunta don.



Bumulong pa si Natsu tsaka ito umupo.



"Sya nga pala Juvia. Ipapakilala ko sayo si Titania." Bumaling ng tingin sakin sa Master. "Si Erza Scarlet."



Tumayo ako at humalukipkip habang nakatingin sakanya. Nakatingin din sya sakin. Pero ganun parin sya, walang emosyon ang mukha.



Uupo na sana ko nang magsalitang muli si Master.



"Sya nga pala mga bata, bukod kay Juvia ay meron pa kayong bagong kaklase." -Master.



"Tss, sino na naman." Napatingin ako kay Gray nang magsalita ito. Nakahalukipkip ito habang seryoso ang mukha.



Katulad kanina, naging maingay ulit ang klase dahil sa bulungan.



"Sino na naman kaya?" -Cana.



"Sana babae rin sya." -Levy.



"Kung lalaki man yan, tuturuan ko sya kung pano maging tunay na lalaki!" -Elfman.



Tinignan ko si Natsu. Seryoso lang din sya habang nakatingin sa may pintuan. Hindi ko alam pero nakakailang pala si Natsu kapag seryoso sya. Mas sanay akong maingay sya.



Bumaling ako sa may pintuan.



Sino naman kaya ang bagong dadating?



Tumikhim si Master bago magsalita.



"Gusto kong makilala nyo si--"



Hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ni Master nang makita ko ang bulto nung pumasok.



Tuloy tuloy lang itong pumasok at tumigil ito sa harapan at humarap saming lahat.



"J-Jellal?"



Pagkabanggit ko ang pangalan na iyon ay biglang nagdilim ang paningin ko.



***
YEHEY! Ayan na ang pinakahihintay ng lahat! Hahaha! Ano kayang mangyayari sa susunod na Chapter? Ano nga ba ang plano ni Juvia? At ni Jellal? Abangan sa Chapter 16!

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon