Chapter 56

117 16 4
                                    

LUCY

Huminga ako ng malalim at muli kong tinignan ang repleksyon ko sa harapan ng malaking salamin. Nakabihis na ako ngayon ng gown para sa gagawin naming role play kaya hindi ko na naman mapigilang kabahan. Pakiramdam ko tuloy lalabas na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang hiyawan mula sa labas.

Eto na talaga Lucy! Kailangan mong ibigay ang best mo!

Muli akong huminga ng malalim at dumilat na may ngiti sa mukha ko. Kaya ko to! Kaya namin to!

"Lucy."

"Ay kabayo! Ano ba Jellal!" Sinapo ko ang dibdib ko dahil sa gulat. Bigla nalang kasing sumulpot si Jellal nang makalabas ako sa pinagbihisan ko.

"Pasensya na Lucy." Kamot ulo nitong saad.

"Okay. Ano ba yon?"

Bumuga sya ng hangin at seryosong tumingin sakin. "Papaalala ko lang sana yung mangyayari mamaya. Wag mo sanang kalimutan." Halos pabulong nyang saad.

Tinignan kong mabuti ang itsura ni Jellal. Kahit na nakangiti sya ngayon ay alam kong malungkot sya. Hindi ko tuloy maiwasang maawa at malungkot para sakanya.

"Ahm, Jellal? Siguro ka ba talaga sa g--"

"Oo Lucy. Siguradong sigurado na ko." Aniya at tumalikod na sya.

Bumuntong-hininga ako habang pinapanuod ko ang likod ni Jellal na naglalakad paalis. Sana pagkatapos nito, maging maayos na ang lahat...




ERZA

Halos manginig ang buo kong katawan ng unti unting bumukas ang malaking kurtina hudyat na mag uumpisa na play. Lalo akong kinabahan ng marinig ko ang palakpakan at hinawayan ng mga manunuod. Nagsasalita na si Master ngunit hindi ko maintindihan dahil mas nangingibabaw ang lakas ng pintig ng puso ko kesa sa boses ni Master.

Nag angat ako ng tingin ng may humawak sa kamay ko. Si Jellal. Ngumiti sya sakin at pagkuway hinalikan ako sa gilid ng ulo ko.

"Magiging maayos ang lahat Erza." Aniya at pinisil ang kamay ko.

Tumango ako sakanya at marahang ngumiti. Kahit papaano ay medyo nawala ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi ni Jellal. Inalis ko ang tingin ko sakanya ng magsalita na si Mirajane na nasa stage ngayon. Nawala na din ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao dahil magsisimula na.

"Galingan mo. Galingan natin." Bulong nya bago ako bitawan at umalis sa tabi ko.

Kaya mo yan Erza! Kaya mo yan!

Unang lumabas si Juvia nang ipakilala sya ni Mirajane. Bago pa man sya humarap sa madaming tao ay bumuga muna sya ng hangin. Ilang sandali lang ay si Lucy na ang tinawag ni Mira. Nagulat pa sya ng marinig nya ang pangalan nya. Natawa nalang ako ng palihim ng magdasal sya ng mabilis bago sya lumabas.

Sinimulan ko ng kurut kurutin ang braso ko dahil pakiramdam ko ay namamanhid ang buo kong katawan sa sobrang kaba. Hindi malabong ako na ang susunod na tatawagin ni Mira dahil lumabas na ang dalawa.

"At ang huli sa tatlong magkakapatid na prinsesa ay si  Prinsesa Erza." -Mirajane.

Nahigit ko ang paghinga ko ng banggitin na nga ni Mira ang pangalan ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko habang naglalakad ako palapit sa stage. Nanginginig ang mga paa ko habang umaakyat ako sa maliit na hagdan para makaakyat ako sa stage sa mismong stage kung nasaan sila Mira, Juvia at Lucy. Bumuga ako ng hangin at naglakad papunta sa kinaroroonan nila Lucy.

Nagsalita lang si Mira patungkol sa ginagampanan ko pero hindi ko masyadong maintindihan dahil nalulunod ako ngayon sa sobrang kaba. Kitang kita ko ngayon sa harapan ko kung gaano kadami ang mga nanunuod. Habang nakatingin ako sa kumpulan ng mga tao sa harapan ko ay may napapansin akong may nagbubulungan na mga lalaki habang nakatingin sa aming tatlo nola Lucy.

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon