Chapter 34

200 18 5
                                    

ERZA



"Oh! Nandyan na pala kayo." Salubong samin ni Lucy ng makatungtong kami dito sa likod ng FTB kung saan kami laging tumatambay.



Na-miss ko ang lugar na to.



Nginitian ko si Lucy at tumabi sakanya.



"Ayos ka na ba Erza?" Binalingan ko si Natsu. Nakapikit ito habang nakasandal sa puno. "Mga babae talaga, minsan ang hirap espilengin."



Nakaramdam ako ng may nakatingin sakin, si Gray. Nakatingin sya sakin at halata parin sa mga mata nya ang lungkot kaya naman agad akong umiwas at tumingin nalamang sa kaharap na lawa.



"Erza eto nga pala yung pagkain. Binili na kita kasi hindi ka naman kumain kanina." Iniabot ko kay Lucy ang hawak na pagkain at nagpasalanat sakanya. Kahit na wala talaga akong ganang kumain ay kinain ko nalang iyon. Ayoko namang madismaya si Lucy. Nakakahiya dahil ibinili nya pa ko.



-BAHAY-



"Hay! Nakakaantok." Humikab si Natsu at nilapitan si Happy, yung pusa nya. "Akyat na kami. Inaantok na ko." Paalam nya samin at tumalikod na.




"Oh Gray? San ka pupunta?" Tanong ni Lucy kay Gray ng tumayo ito sa sofa.



"Ah, aakyat na din ako." Tinignan muna nya ko bago sumagot. "Inaantok na din kasi ako eh. Sige." Pagkasabi nya non ay umakyat na sya papunta sa kwarto nya.



"Ha? Ang weird naman..." Kunot noong sabi ni Lucy. "Dati, kayo lagi ang natitira dito ni Gray eh. Kayo ang laging nale-late matulog. Anyare ngayon?" Nagkibit-balikat ito at pinaglaruan ang buhok.



Bumuntong-hininga ako at uminom ng tubig.



"A-ah, E-erza. Pwedeng... A-ano... P-pwedeng m-magtanong?" Ibinaba ko ang baso sa lamesang nasa gitna namin at tumingin sakanya.



"Oo naman Lucy. Kahit ano." Inabot ko ang katabi kong unan at iniyakap ito. Natawa ako ng mahina ng mapansin ko syang nakahinga ng maluwag. "Ano ba yon? Wag kang kabahan Lucy. Ako lang naman to eh. Tsaka, magkaibigan tayo."



Bumuga sya ng hangin at umayos ng upo.





LUCY 



"I-itatanong ko lang sana E-erza k-kung..." Lumunok muna ko bago ko ipagpatuloy ang sasabihin ko. "K-kung kayo na b-ba n-ni G-gray?"



Nakahinga ako ng maluwag ng masabi ko na yung matagal ko ng gustong itanong kay Erza. Ngayon lang kasi kami nagkaharap ng ganito. Balak ko na nga sya tanungin nung mga panahong nasa isla kami kaso nawalan sya ng malay tapos mukhang may problema pa sya kaya hindi ko talaga sya matatanong. Buti na nga lang at pumanhik na si Gray eh.



Hinintay kong sagutin ni Erza ang tanong ko. Napansin kong biglang lumikot ang mata nya.




"O-okay lang E-erza kung h-hindi mo sagut--"



"H-hindi k-ko a-alam." Mabilis na umiwas ng tingin sakin si Erza na nagpakunot ng noo ko.



Ha? Ano daw? Hindi nya alam? Pero, nag kiss na sila diba? Nakita ko yun eh. Kitang-kita ko talaga. Akala ko nga namamalik-mata lang ako pero sya na mismo ang luminaw sa sagot ko.



Mukhang napansin ata ni Erza na nalilito ako sa sagot nya kaya naman nagsalita ulit sya.



"P-pero..." Yumuko sya at napansin kong humigpit ang hawak nya sa yakap nyang unan. "M-mahal k-ko s-sya."



Kalma lang Lucy...



Kalma lang...



Pero...




WAAAAAAAHHH!!!! KINIKILIG AKO!!!



Sa kagustuhan kong tumili pero hindi pwede ay mabilis kong kinuha ang katabi ko ding unan at sumubsob don para isigaw ang nararamdaman kong kilig sa sinabi ni Erza. Grabe! Nung nakita ko silang nag kiss, hindi ko talaga kinaya. Pero, nung sinabi ni Erza na mahal nya si Gray?



GUSTO KO NG HIMATAYIN!!!



Hindi ko akalain na mahuhulog pala ang isang Erza Scarlet. Akala ko pusong bato na sya at kaylan man at walang sino man ang magugustuhan nya. Oo maganda sya, napakaganda. Nasa kanya na nga lahat eh. At may mga lalaki talagang nahuhumaling sakanya. Pero hindi talaga maitatanggi na nasa kabila ng napakaganda nyang mukha ay mas lalaki pa sya sa mga lalaki.



Pero mali ako. Maling-mali ako! Nagmamahal pala ang Titania namin! May mahal ang Erza Scarlet namin! Kahit ganyan ang ugali ni Erza ay masasabi kong napaka-swerte ni Gray dahil meron syang Erza.



Napatigil ako at nag-angat ng tingin sa unan. Tinignan ko si Erza na naka-yuko parin at, umiiyak?



Nawala ang saya sa mukha ko at napalitan ng pag-aalala ng marinig ko ang mga hikbi ni Erza.




***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon