Chapter 16

337 19 5
                                    

Sorry guys ngayon lang ako ng UD. Nag ipon kasi ako ng drafts para ipa-publish nalang. Enjoy nyo nalang ang chapter na to! Love Love!
***



ERZA



Isang linggo na ang nakalipas simula ng lumipat si Juvia at Jellal sa FTH. Naging normal naman ang mga nagdaang araw ko kahit na medyo naiilang ako sa presensya ni Jellal. Alam kong bawat galaw ko ay nakamasid sya sakin. Lalo pa na ngayon na lagi ko syang nakakasama dahil magkaklase lang kami. Ganun pa man, ginagawa ko talaga ang lahat para lang maiwasan sya.



"Erza."



Inangat ko ang tingin ko sa harapan ko. Si Lucy.



"Ah, s-saan ba itatapon tong mga basura?" -Lucy.



Tinignan ko ang hawak nyang basura. Tumayo ako sa pagkaka-upo at kinuha ang dala nya.



"E-erza."



"Ako na Lucy. Alam kong hindi ka sanay sa ganto." Nggumiti ako sakanya at tumalikod.



Nasa labas na ko ngayon para itapon ang basurang naimbak sa bahay. Malayo-layo sa bahay ang tapunan kaya naman kinuha ko kay Lucy ang mga basura. Baka mamaya kasi kung ano pa mangyari sakanya lalo na ngayong malalim ang gabi. Kaya, mas maganda na ako nalang ang magtapon ng basura.



Isinara ko na ang tapunan ng may nagsalita sa likuran ko.



"Erza."



Napatigil ako.



Ang boses na yon...



Naramdaman ko ang mga yabag nya na papalapit sakanya kaya naman nagsalita ako.



"Wag kang lalapit." Walang buhay kong sabi.



Mukhang nakinig naman sya kaya naman nagsalita ulit ako pero ngayon ay humarap na ko sakanya.



"Anong plano mo? Bakit ka pa nagpakita?" Tanong ko sakanya.



Napansin kong umiwas sya ng tingin sakin kaya naman napangisi ako at tumalikod.



"Wag ka ng magpakita sakin, Jellal." Pagkasabi ko non ay naglakad na ko paalis sakanya.



--



GRAY



"Tsk! Natsu!"



"Hahaha! Pagkaen!"



Napailing nalang ako sa dalawa kong nasa harapan. Tss, parang mga bata.



Naglalakad kami ngayong apat papunta sa loob ng klase. Hindi ko maunawaan kung bakit sobrang aga namin ngayon pumasok. Sa tingin ko nga kami palang ang magiging tao sa loob eh.



Binalingan ko ang katabi ko. Si Erza. Halos kilabutan ako dahil sobrang seryoso ng mukha nya habang nakatingin sa daan. Hindi ko nga maitanong sakanya kung bakit ang aga namin pumasok ngayon eh. Sya kasi ang pasimuno kung bakit maaga kami ngayon.



"BAKIT DINALA MO SI HAPPY?!" -Lucy.



"Eh wala syang kasama sa bahay. Nakakaawa kaya kasi mag-isa lang si Happy. Diba happy?" -Natsu.

"Aye!"



Hindi ko talaga maintindihan ang pusa ni Natsu kung pusa ba o ano.



Nang makapasok kami ay isang pares ng mata ang nakatingin sa gawi namin. Hindi pala namin, kay Erza lang. Parang wala lang ito kay Erza kaya naman seryoso lang itong naglakad papunta sa upuan namin. Napansin kong sinamaan ng tingin ni Natsu ang lalaki bago ito pumunta sa upuan. Nagkibit-balikat lang si Lucy bago ito sumunod kay Natsu. Hindi muna ako umalis sa kintatayuan ko at pinagmasdan ang lalaking hanggang ngayon ay nakatingin kay Erza na nakatingin sa labas.



Hindi ko gusto ang presensya mo Jellal.



Ayoko mang isipin pero mukhang may namamagitan sakanilang dalawa. Alam ko na kaya nawalan ng malay si Erza nung nakaraang linggo ay dahil narin dito kay Jellal. Hindi ako tanga. Imposible nama na sa pagod kung bakit sya bumagsak. Malakas si Erza. Pero hindi ko maunawan kung bakit bigla nalang syang nagkaganon.



Mukhang kaylangan kong bantayan si Erza mula sa lalaking to.



Napansin ata ni Jellal na nakatingin ako sakanya kaya naman inalis ko ang tingin sakanya at naglakad papunta sa pwesto namin ni Erza.




***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Where stories live. Discover now