Chapter 7

418 21 3
                                    

-Bahay-



ERZA



Pinilit kong idilat ang mata ko pero hindi ko magawa. Sinubukan ko ulit pero bigo ako. Parang ang bigat-bigat ng mata ko ngayon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko.



"Hanggat may sakit ka pa, ako ang mag-aalaga sayo."



Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Gray. Pero hindi ko pinahalata. Base sa boses nya, ay nasa tabi ko lang sya.



Ako? May sakit? Kaya pala ganto ang pakiramdam ko.



Napasinghap ako ng hawakan nya ang kamay ko at bigyan ito ng maliit na halik.



Bakit hinalikan ni Gray ang kamay ko?



Pinilit ko ulit dumilat pero sa pagkakataon na to ay naidilat ko na ang mata ko. Nakita ko si Gray na nakasubsob sa gilid ng kama ko habang hawak ang kamay ko.



"G-gray.."



Mabilis pa sa alas kwatro na iangat ni Gray ang ulo nya at tumingin sakin. "E-erza! G-gising ka na?!"



Hindi. Tulog pa ko.



Hindi ko sya sinagot at pinilit kong bumangon sa pagkakahiga.



"Wag mong pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka muna." Umayos sya ng pagkakaupo at sinalat ang noo ko. "Tignan mo. May lagnat ka pa. Wag ka ng magkikilos. Baka mabinat ka. Tsk."



"T-tubig.. Gray. Gusto ko ng tubig." Tumango sya at mabilis na umalis sa kwarto ko. Pagkabalik nya ay inilagay nya ang baso na may lamang tubig sa may lamesa sa tabi ng pwesto nya at tinulungan akong umupo. "Salamat." Ngumiti sya sakin at inabot sakin ang baso.



"Ano pang kailangan mo? Nagugutom ka ba? Teka, pagluluto kita." Bago pa sya lumabas ng kwarto ay hinawakan ko sya sa braso para pigilan. "Salamat Gray. Sa pag-aalaga mo sakin."



GRAY



Nagulat ako ng hawakan ni Erza ang braso ko para pigilan ako.



"Salamat Gray. Sa pag-aalaga mo sakin." Lumingon ako sakanya at nakita kong nakangiting nakatingin sya sakin. Tinanguan ko sya at tuluyan ng umalis.



Kung alam mo lang, Erza....



-Fairy Tail High-



LUCY



"Waaaah! Nakakapagod!"



Pabagsak akong umupo sa damuhan at sumandal sa malaking puno dito sa likuran ng FTB (Fairy Tail Building). Kung san ang tambayan namin.



"Wala ka namang ginawa ah? Bakit ka napagod?" Sinamaan ko ng tingin si Natsu na naglalakad palapit sakin. "Teka, Lucy. May pagkain ka ba dyan? Gutom pa ko eh. Lam mo yon? Bitin ako sa kinain natin." Tumabi sya sakin at tumingin sakin.



Mukha ba kong may pagkain? Eh nag da-diet nga ako ngayon.



"May ano ba dyan sa tyan mo at lagi kang gutom?!"



Hindi nya ko pinansin. Tumingin ako sakanya. Nakatingin sya ng seryoso sa lawa at mukhang may malalim na iniisip.



Si Natsu? Nag-iisip? Di nga?



Inalis ko na ang tingin sakanya at yumuko.



"Pahiga muna Lucy ah? Inaantok ako eh."



Aangal pa sana ko ng bigla na syang pumikit. Hayaan ko na nga lang tong humiga sa hita ko. Mas mabuti pa yung ganito kesa mamaga ang lalamunan ko kapag nagbangayan pa kami, diba?



Tinitigan ko ang mukha ni Natsu habang hinahaplos ang kulay pink nyang buhok. Para akong baliw na napangiti.



Buti pa kapag tulog ka, mukha kang mabait... Wag ka na kayang gumising?



---



"Ayan! Ayan! Picturan mo na sila!"



"Ang cute nilang tignan."



"Ngayon ko lang napansin na bagay pala si Lucy at Natsu."



Mabilis kong inilabas ang dala kong  camera at pinicturan ang dalawa habang natutulog.



"Ano? Ayos na?"



"Oo. Ganda nga ng kuha nila eh. Mukha silang mag boyfriend at mag girlfriend."



"Patingin nga." Iniabot ko sakanya ang camera. Makikita don sa litrato si Lucy na nasandal sa puno at si Natsu naman ay nakahiga sa hita ni Lucy. Pareho silang nakapikit at mukha pang masarap ang tulog.



"Ang cute nilang tignan!"



"Sabi ko sayo eh." Mabilis kong tinignan sila Lucy at tumingin ulit sakanya. "Tara na. Alis na tayo. Baka magising pa sila."



"Sige. Sige." Tumayo na kami at mabilis na tumakbo palayo sa pwesto nila Natsu at Lucy.



"Ayos!" Sabay naming sabi at may ngiti sa may labi namin ng makaalis na kami ng tuluyan sa Likod ng FTB (Fairy Tail Building).




***
Waaaah! Sorry Guys kung ngayon lang ng UD. Dalawa yan kaya sana na enjoy nyo =D Di ko lang alam kung kaylan ulit ang next UD. Hihihi! =D

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon