Chapter 28

295 16 10
                                    

ERZA



"Oh! Nandyan na sila!"



Nang makalabas na kami ng gubat ay lahat ng mga mata ay nakatingin samin.



"Bakit ngayon lang kayo?"



"Gabing-gabi na."



"Buti nalang at ligtas kayo."



"Teka? Anong nangyari kay Jellal."


"May natapakan daw na bato kaya hindi makalakad ng ayos." Si Elfman na ang sumagot.


Kanina nung nasa loob kami ng gubat ay bigla nalang dumating si Elfman. Sya yung tumawag sakin. Pinahanap daw kami ni Master sakanya dahil gabi na ngunit hindi pa kami bumabalik.


Binalingan ko si Elfman na ngayon ay tinutulungang iupo si Jellal.



Sana wala syang nakita kanina...


Bakit Erza? May dapat bang makita si Elfman?


Napailing nalang ako sa sarili ko. Wala naman talagang makikita si Elfman kasi wala namang nangyari.


Tama. Walang nangyari.


Kung meron mang nangyari kanina ay iyon ay nong tinulungan kong alalayan si Jellal dahil alam kong mahihirapan syang maglakad dahil sa pagkakatalisod nya sa bato.


Yun lang ang nangyari.


At wala ng iba pa.


Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at kaladkarin ako palayo sa lahat. Wala namang nakapansin samin dahil abala ang lahat kay Jellal. Hindi na ko nanlaban pa dahil alam ko na kung sino itong naglayo sakin.


"Gra--"


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin.


"Na miss kita." Naramdaman ko ang pagsubsob nya sa leeg ko. "Na miss kita... Sobra."


Hindi ako makagalawa dahil sa pagkabigla. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sakin. Dahan-dahang kong inangat ang mga kamay ko at inilagay ko ito sa likod nya.


Na miss din kita Gray.


Humiwalay na sya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nang mapansin kong nakatitig sya sa mukha ko ay mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanya. Kahit hindi ko nakikita ang itsura ko ngayon ay alam kong namumula ako. Mabuti nalamang at madilim na at hindi ito mahahalata ni Gray.


"Erza..." Tawag atensyon nya kaya naman binalik ko ang tingin sakanya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina. Para akong mababaliw sa kakaisip sa inyong dalawa na Jellal. Na kayo lang ang magkasama."


"Sinuway ko anh rules p--"


"Bakit mo ginawa yun Gray?"


Binawi nya ang kamay nya na nasa pisngi ko at hinawakan ang magkabila kong kamay.


"Dahil gusto kitang hanapin Erza. Wala akong pakialam sa bola na pinapahanap ni Master. Wala din akong pake sa rules. Basta ang importante ay mahanap kita. Hindi ako papayag na si Jellal ang kasama mo at hindi ako." Pinisil nya ang kamay ko at tumingin sakin ng seryoso.


"Wala na kong pake sa pagsubok na ito. Hindi importante sakin kung matalo ako. Dahil ikaw ang importante sakin Erza. Ikaw lang."


Nag angat ako ng tingin at sinalubong ko ang seryosong mukha ni Gray. Parang nalulusaw ang puso ko ng makita kong nagtutubig ang mata nya.


"Mahal na mahal kita Erza. Mahal na mahal."


Pagkasabi nya non ay naramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa labi ko.


Mahal din kita, Gray...


---


LUCY


"Good morning Erz-- ha? Nasan si Erza?"


Kamot ulo kong binuksan ang pintuan ng tent at...


"Bakit walang gumising sakin."


Papano naman kasi lahat sila ay gising na at nagkakatuwaan na sa labas. Hayy, hindi tuloy ako nakasabay sa kanila kumain. Nang unat muna ako ng kamay bago ako lumabas sa tent.


"Gising ka na pala Lucy! Magandang Umaga." -Mirajane.


"Magandang Umaga din Mira. hehehehe."


"Tara na Lucy. Kumain ka na." Tumango ako sakanya at lumapit.


"Nakakain na kayong lahat?" Tamong ko sakanya ng makaupo ako.


Naglagay sya ng plato sa harapan ko bago sumagot. "Oo Lucy. Pasensya na kong hindi ka na namin nahintay. Gutom na kasi ang lahat tsaka hindi ka na namin ginising dahil mukhang masarap ang tulog mo."


"Ganon ba? Okay lang hehehe.." Nang tumalikod si Mira sakin ay mabilis kong kinapa ang gilid ng labi ko.


Buti nalang walay bakas ng laway.


"Nga pala Lucy!" Humarap sya sakin na may ngiting-ngiti sa mukha. "May hindi pa pala kumain kanina. Hinihintay ka daw nya kasing magising. Sabay daw kayong kumain."


Ha? Sino naman kaya?


Napakamot tuloy ako sa ulo. Wala akong idea kung sino man iyon.


"Ah! Ayan na pala sya!"


"Oi! Lucy!"


Napalingon ako sa likuran ko.


"Natsu?"


Tumatakbo sya papalapit sa gawi ko habang hawak-hawak si Happy.


"Buti naman at gising ka na! Kanina pa ko gutom. Diba Happy?"


"Aye!"


"Sige Natsu, Lucy. Maiwan ko na kayo." Inalis ni Mira ang suot nyang apron at muling tumingin samin ni Natsu. "Magpakabusog kayo."


Sinundan ko ng tingin si Mira palayo sa kinalalagyan namin ni Natsu.


Parang may mali kay Mira. Parang ang weirdo nya ngayon.


"Yehey! May first date na sila Lucy at Natsu!" -Mirajane.


DATE?!!?!!


***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon