Chapter 45

132 17 2
                                    

LUCY



"Po?"



"Ang sabi ko, huwag muna kayong pumasok sa klase. Duon nalamang kayo sa bodega malapit dito. Malinis naman don huwag kayong mag-alala. Kaylangan nyong aralin ang script nyo para maging maayos ang play." Mahabang paliwanag na sabi ni Master.



Nagbulungan ang mga kaklase ko. May naririnig pa nga ako sakanila na maswerte kami dahil hindi kami magka-klase.



Naku! Kung alam lang nila! Ang hirap kayang magsaulo!



Bumuga ako ng hangin at tinignan ko ang hawak kong script. Ganito ba talaga kahalaga ang play para hindi kami papasukin sa klase ni Master? Pero ayos na din naman yon. Wala pa kasi akong nababasa maski isang pangungusap dito kahit na kahapon lang ito binigay samin. Kaylangan ko na tong aralin.



"Sige na pumunta na kayo don. Alam mo naman siguro kung ano ang tinutukoy ko, Erza?" Tumango lang si Erza kay Master at nauna na itong naglakad palabas. Sumunod kami sakanya.



---



Kanina pa ko nakatitig sa script na hawak ko pero maski isang salita ay walang pumapasok sa utak ko.



WAAAAH!!! HINDI KO TALAGA KAYA!!!



Sumandal ako sa sofa at tumingala. Paano ko magagawa to ng maayos kung hindi manlang ako makapagseryoso? Pumikit ako ng mariin at umayos muli ng upo.



Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bodega kung nasaan kami ngayon. Nandito kami sa parang bodega ng FTH. Parang talaga kasi hindi ito mukhang bodega. Mukha pa nga itong bahay eh. Mas malaki pa ito kumpara sa bahay na tinitirhan namin. Pinagkaiba lang ay wala itong taas. Tsaka, mukha talaga syang bahay. May kusina pa nga eh, may lutuan pa.



Napatingin tuloy ako sa mga kasama ko. Naka-upo kasi ako ngayon sa sofa. Si Gray naman ay nakaupo sa may kusina habang nakatingin sa hawak na papel. Si Juvia naman ay nakaupo din sa katapat kong sofa, katulad ni Gray ay nakatingin din sya sa hawak nya. Si Natsu naman ay nakahiga sa sofa na katapat ko. Bale nakaupo si Juvia sa paahan ni Natsu. Naka-kunot noo sya habang binubulong ata yung mga linya nya. Mukhang seryoso.



Teka, seryoso? Malabo atang mag seryo-- Ah, ano nga palang pake ko diba? Psh.



Pairap kong inalis ang tingin kay Natsu para tignan naman sila Jellal at Erza. Nakatayo silang pareho sa may bintana sa may kusina. Pareho silang seryoso habang binabasa ng pabulong ang mga linya nila.



AKO LANG BA ANG HINDI MAKAPAGSERYOSO SA PLAY NA ITO?!



Ah! Bahala na! Pipilitin ko nalang ding basahin tong linya ko! Baka sakaling may matandaan ako kahit papano!



Habang nakatingin ako sa papel na hawak ko ay hindi ko maiwasang tingnan yung tatlo na nasa kusina. Buti hindi sila naiilang? Parang ang hirap kasing gumalaw para sa sitwasyon nila. Gray, Erza at Jellal? Magkasama? Buti nakakapagseryoso sila sa ginagawa nila.



Nagkibit-balikat ako. Bakit nga pala sila maiilang eh kasama naman nila yung mga partner nila diba? Tsaka, sila-sila din naman ang mag ka-partner sa gagawin naming play eh. Napairap nalang ako dahil si Natsu ang partner ko sa storya ng play. Ang malas ko diba? Ako na ata ang pinakamalas na babae sa mundong ibabaw eh. Tss.



LUCY MAG SERYOSO KA NA!



"Okay. Kaya mo yan Lucy..." Pabulong kong sabi at nagsimula na kong magbasa.



NAKASALALAY ANG PANGALAN NG FAIRY TAIL HIGH SAMIN!!



"Nagugutom ka na ba Erza?"



Napabaling ang tingin ko sa kusina pero agad ko ring iniwas ang tingin ko.



ANO BA NAMAN LUCY! UMAYOS KA NGA! WAG MO NA SILANG PANSININ! MAGBASA KA!



"Medyo eh. Konti lang kasi ang kinain ko sa bahay." -Erza.



"Labanan mo ang sarili mo Lucy..." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa papel na hawak ko. Kaylangan ko na talagang magseryoso.



Please naman Lucy...



"Ganun ba? Gusto mo ipagluto kita?" -Jellal.


"WAAAAAH!!! HINDI KO KAYA!"



Napunta sakin ang mga mata nila kaya naman nahihiya akong umupo ulit at tinakpan ko ang bunganga ko.



"S-sorry..." Nahihiya kong sabi.



Hindi sila nagsalita kaya naman yumuko ako.



WAAAAAAAAHHHH!!! SOBRANG NAKAKAHIYA!!!



Eh kasi naman! Hindi ko maalis ang atensyon ko sa kusina! Pinilit ko namang basahin yung mga nakasulat sa papel pero napapatingin talaga ko sa kusina.



Wala namang ginagawa yung tatlo na nasa kusina eh, nag-uusap lang naman sila Jellal at Erza pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit kaylangan kong tignan o pakinggang ang mga galaw at sasabihin nilang tatlo. Lalo na ngayon na nasa iisa lang silang lugar.



SUMOSOBRA NA BA ANG PAGKA-CHISMOSA KO?!



Binaba ko na ang hawak kong script dahil wala naman talaga akong nakakabisa. Suko na ko. Nagsasayang lang ako ng oras. Susubukan ko nalang basahin ito sa bahay, baka sakaling may makabisa manlang ako. Sa totoo nga lang ay hindi ko pa alam ang storya nito eh. Kaya mamaya talaga. Babasahin ko na.



PANGAKO!



Dahil hindi muna ako magbabasa ng script ko, papanuorin ko nalang yung tatlo na nasa kusina. Pero syempre patago at pasulyap-sulyap ang gagawin ko. Baka kasi mahalata nilang hindi ako nagbabasa at naka-tanga lang ako sa kanila. Nandun pa naman si Erza. Mahirap na...



"Teka ipagluluto kit--"



Hindi na naituloy ni Jellal ang sasabihin nya ng lumakad si Gray papalapit sa pwesto ng dalawa dala ang, pagkain?



Saan nya nakuha yon? Ah, baka sa bag nya.



"Sa susunod, wag mong gugutumin ang sarili mo." Malamig at seryosong sagot ni Gray at inabot ang hawak na pagkain kay Erza.



Kahit na nakatingin ako sa tatlo ay alam kong napatigil sa pagbabasa sila Juvia at Natsu. Mabilis ko silang tinignan at tulad ko ay nakatingin na sila sa kusina.



Hindi kumibo si Erza dahil siguro ay nagulat sya kay Gray. Si Jellal naman ay nakatingin lang sa dalawang nasa harap nya.


Eto na nga ba ang sinasabi ko eh...



"Tss." Mukhang nainip ata kaya bagot na kinuha ni Gray ang isang kamay ni Erza at inabot ang hawak na pagkain. "Kainin mo yan." Tumalikod na si Gray sa dalawa at tuluyan ng lumabas.



"Gray!" Tawag ni Juvia at umalis din para sundan siguro si Gray.



Anong nangyare?



Tinignan ko ulit sila Erza at nakatulala lang sya sa pintuan. Natauhan lamang sya ng hawakan ni Jellal ang balikat nya.



"Kumain ka muna. Mamaya nalang tayo magbasa ulit." -Jellal.



"H-ha?" Humarap si Erza kay Jellal. "S-sige." Pagkasabi nya non ay lumapit na sila sa lamesa. Pero napansin kong bago umupo si Erza ay pasimple syang tumingin sa pintuan.



"Bakit kaya kaylangan pang itago at magpanggap?" Taas kilay kong binalingan si Natsu. Nakahiga na ulit sya habang nakatingin sa hawak nyang script.



Pinagsasabi non?



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon