Chapter 26

262 14 5
                                    

NATSU


"LUCY! YUNG BOLA!"


"WAAAAAAH! NAKITA NA NATIN!"


Halos sakalin na ko ni Lucy sa sobrang saya nya ng makita namin ang bolang pinapahanap samin ni Master.


"A-aray ko L-lucy... N-nasasakal ako.."


"Sorry Natsu! Na-excite lang talaga ko!"


Ibinaba ko si Lucy at sya mismo ang kumuha ng bolang natagpuan namin.


"Akala ko hindi na tayo makakakita ng bola! Huhuhuhu!"


Hinawakan ko sa balikat si Lucy at nginitian sya.


"Panalo na tayo Lucy!" Tumango sya sakin.


Akala ko kanina ay wala na kaming pag asa ni Lucy na makita ang bola dahil dumidilim na ang paligid. Pero yun pala ang magiging dahilan upang matagpuan namin ang bola dahil habang nililibot namin ang mata namin ay may nakita kaming may kumikinang sa may damuhan. At iyon ang bola!


"Ang galing natin!" Nag apir kaming dalawa ni Lucy at lumuhod ako sa harapan nya.


"Tara na Lucy! Kaylangan na nating makabalik kay Master! Sigurado akong tayo palang ang nakakakita ng bola! Hahahahaha!" Naramdaman kong sumakay na sa likuran ko si Lucy. Muntik pa kong matumba nung tumayo ako.


Ang bigat nya...


"Lucy ang bigat mo n--"


*BOOOOOOGSH*


"KUNG AYAW MONG MABATUKAN ULIT TUMAHIMIK KA NALANG!"


"O-opo..."


ERZA

Malapit ng sumapit ang gabi dahil narin sa papalubog na ang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa namin nahahanap ni Jellal ang bolang pinahahanap ni Master samin.

May nakakuha na kaya non?

"Sana hindi pa natatagpuan ang mga bola."

Naramdaman kong huminto si Jellal sa paglalakad at medyo binaling ang ulo sa gilid upang tignan ako.

"P-pagod ka na ba?" Naiilang na tanong ko sakanya.

"Hindi. Kaya ko--"

"Mamahinga ka muna."

"Pero--"

Inalis ko ang pagkakahawak sa balikat nya. "Sige na. Alam kong pagod na pagod ka na. Kanina mo pa ko buhat. Mamahinga na muna tayo."

Huminga sya ng malalim. Nang lumakad sya ay bigla akong napayakap sa leeg nya dahil muntik na kong mahulog.

"S-sorry Erza."

"O-okay lang. H-hindi naman ako nahulog." Nahihiyang inalis ko ang kamay nya sa leeg nya. Inalis na nya ang pagkakahawak nya sakin kaya naman bumaba na ko sa likod nya.

Agad syang umupo at pikit matang sumandal sa puno. Inalis ko ang tingin sakanya at tingnan ang kapaligiran. Medyo madilim na ang paligid. Lalo kaming mahihirapang hanapin ang bola. Gustuhin ko mang hanapin agad ang bola para hindi kami abutin ng dilim ngunit sinabi ni Master samin na bawal maglakad ang mga babae. Sa totoo lang ay pwede naman naming hindi sundin ang rule ni Master, ang kaso lang ay may tiwala sya samin na hindi namin iyon gagawin. Ayoko namang sirain ang tiwalang iyon ni Master.

Bumuga ako ng hangin at sumandal narin sa puno katulad ni Jellal. Magkatabi kami pero hindi kami nagkakadikit.

Ipinikit ko ang mata ko at sinamo ang malamig na hangin.

"Naalala mo ba nung bata pa tayo? Nung naglalaro kami ng taguan?"

Nanatili lang akong nakapikit habang pinapakinggan si Jellal.

"Nakita kita non sa likod ng puno. Nakapikit at parang sinasamo mo ang hangin."

Dahan-dahang kong idinilat ang mata ko at binalingan sya. Nakatingin sakin si Jellal na may ngiti sa mukha.

"Hinding-hindi ko makakalimutan yon." Inalis nya ang tingin sakin at tumingala.

Hindi ako kumibo at tumingala din sa kagubatan. Hindi ko alam kung bakit kaylangan nya pang ipaalala yung nga nangyari nung bata pa kami.

"Sa totoo lang, hindi iyon ang unang kita ko sayo--"

"Wag na nating pag-usapan yan." Walang gana kong putol sakanya at tumayo.

"Kaya mo na ulit siguro diba? Hanapin na natin ang bola. Baka mag alala sila kapag dumilim na lalo ang kapaligiran."

Narinig ko ang isang mabigat na buntong hininga ni Jellal. Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo sya.

Umupo syang muli sa harapan ko at sumakay na ko sa likuran nya.


Nagpatuloy kami sa paghahanap ng bola hanggang sa maabutan na kami ng kadiliman. Dahil na rin doon ay unti-unti kaming nawalan ng pag asa.


"Bumalik na tayo. Malabo na nating mahanap yon." Mahinang saad ko kay Jellal.


"Sigurado ka?"


"Oo."


Mas pipiliin ko nalang na bumalik kila Master kaysa sa hanapin pa ang bola. Siguro ay hindi ito ang araw samin upang manalo. Meron pa namang susunod at dun nalang kami babawi. Delikado na din kasi dito dahil naabutan na din kami ng dilim. Nasa gubat pa man din kami.


Habang naglalakad si Jellal ay bigla nalang kaming natumba.


"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya. Agad naman akong nakatayo dahil hindi naman ako nasaktan.


"M-may natapakan akong bato."


"A-ayos ka lang ba?"


"O-oo. A-ayos lang ako."


Pinanuod ko syang tumayo. Alam kong nahihirapan sya pero pinipilit parin nya. Nang muntik syang bumuhal sa pagkakatayo ay agad ko syang inalalayan.

"S-salamat..."


Nang balingan ko sya ay nagulat ako dahIl sa sobrang lapit ng mukha nya. Ramdam ko na kasi ang paghinga nya sa mukha ko. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa sistema ko na huwag alisin ang tingin sa kanya. Gusto ko mang alisin ang tingin ko sakanya dahil nakatingin din sya sakin ay hindi ko magawa.


Anong nangyayari sakin...


Napansin kong inilalapit nya ang mukha nya sa mukha ko ng...


"ERZA!!"


***
SORRY NA AGAD! hahaha. mahilig akong mangbitin guys. may idea na ba kayo kung sino ang sumira sa moment ng JERZA? =D malalaman natin yan sa nxt ud! wait wait nyo lang hahaha. dont forget to comment. =D

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon