Chapter 2

715 25 0
                                    

LUCY



"Ano? Wala parin ba si Master?" -Erza.



"Wala parin eh." Sagot ni Jet sakanya. Tumango si Erza saka umupo sa pwesto sa upuan ni Master sa harapan.



Bumuntong hininga ako saka nangalumbaba. Hayy... Bakit ba ang tagal dumating ni Master? Wag nyong sabihin, binig-deal ng council yung nangyari nung nakaraang araw sa cafeteria? Eh wala lang naman yun. Kalahati lang naman. Kalahati lang yung nasira...



Tinignan ko yung katabi ko na hanggang ngayon ay tulo laway na natutulog habang naghihilik. Naku! Natsu... Sarap mong bigwasan.



Waaaah!!! Gusto ko ng lumabas!!!!



"Ano ba yan! Kanina pa labasan eh. Palabasin mo na kami!"



Dumukdok ako sa desk at pumikit. Kanina pa nag iinit ang pwetan ko sa upuan na to.



Ilang sandali lang ay inangat ko ulit ang ulo ko at---




Bakit sila nakatingin sakin?!!!



Nilibot ko ang paningin ko at lahat talaga sila nakatingin sakin. Ahehehehe.... Teka? Ano bang ginawa ko? Nang mapadako ang tingin ko kay Erza--



Teka?! Bakit ganon sya makatingin sakin?! Ano bang ginawa koooooo.... Wala naman akong ginawa o sinabing masama diba?



"Ano ba yan! Kanina pa labasan eh. Palabasin mo na kami!"



"Ano ba yan! Kanina pa labasan eh. Palabasin mo na kami!"



"Ano ba yan! Kanina pa labasan eh. Palabasin mo na kami!"



"Ano ba yan! Kanina pa labasan eh. Palabasin mo na kami!"



T-te-teka.... S-sinabi ko b-ba y-yon?



Tinignan ko ulit sya at hayun. Nakatingin din sya sakin. Hindi ko alam kung galit sya o hindi. Hindi ko mabasa kung anong iniisip nya. Umiwas ako ng tingin at dahan-dahan dumukdok sa desk.



BAKIT MO SINABI YON LUCY?! ANG TANGA-TANGA MO!!!



WAAAAH!!! Hindi ko naman alam yun eh. Di ko alam na lumabas pala sa bunganga ko yun. T-tsaka, hindi naman magagalit sakin si Erza, diba? Diba? Diba....



WAAAAAAH!!!! Anong gagawin ko!!! Huhuhuhu!!! Please Lupa! Kainin mo na ko! Mas pipiliin kong magpakain sayo kesa kagalitan ako ni Erza!!!!



Dahan-dahan ulit akong nag angat ng tingin para makita ko sya. Ganun parin sya. Nakatingin parin sakin ng deretso. Kinakabahang umayos ako ng upo at napalunok.



Kelangan kong magpalusot sakanya. Tama! Dapat akong magpalusot!



Tumikhim ako para sana magsalita ng bigla syang tumayo at humalukipkip.



WAAAAAH!!!! YARI KA NA TALAGA LUCY!!! YARI KA NA!!!! YARI----



"Tama si Lucy. Sige, pwede na kayong lumabas." Tumingin si Erza sakin at ngumiti.



"Wooooh!!! Sa wakas! Makakainom na rin ako!" -Cana.



"Ang tunay na lalaki, lumalabas agad ng walang paalam!!" -Elfman sabay takbo palabas.



Teka? H-Hindi nagalit sakin si Erza?



"Ang galing mo Lucy!" -Levy.



"Ahehehe... W-wala yun.. Hehehe." Sabi ko kay Levy habang nakangiwi. Ngumiti sya sakin at tuluyan ng lumabas kasama sina Jet at Droy.



"NASAN ANG AWAY?! NASAN! ISALI NYO KOOOOO!!!" Sigaw ni Natsu sabay tayo at parang naghahamon ng suntukan.



Tinoyo na naman tong lalaking 'to.



"Aray ko Erza. Para saan yon..." Sabi ni Natsu habang nakalumpasay na sa sahig habang umiikot-ikot ang paningin.



"Lucy."



"P-po?" Kinakabahan akong tumingin sakanya habang nakangiwi.



Wag nya sana kong kagalitan....



"Ikaw na bahala kay Natsu. Lumabas na tayo." Mabilis na tumango ako sakanya bago sya lumabas.



Baka magalit pa sakin.



Nang makaalis na sya ay bumuntong hininga ko tsaka napatingin ako kay Natsu....



"GRAY TULUNGAN MO KOOOO!!!!"



"Ikaw na. Kaya mo na yan." Nginisihan nya ko bago sya lumabas.



Bakit ba kasi pumayag pa ko...



GRAY



"Nasan na yun?"



Nilibot ko ang paningin ko dito sa likod ng Fairy Tail Building. Dito ang tambayan namin nila Erza tuwing vacant namin o kaya pagkatapos naming kumain.



Umupo ako sa sahig at sumandal sa puno habang nakatingin sa lawa na malapit lang sa pwesto ko.



"Tsk! Nasan na ba yun?!" Kinuha ko yung maliit na bato na nasa tabi ko at inis kong hinagis sa lawa. Tsk! Asan na ba si Erza? Kanina lang nasusundan ko sya kaso bigla nalang syang nawala sa paningin ko. Hays!



"K-konti nalang, L-lucy... M-malapit na... M-malapit na. Hay! Ang bigat mo Natsu!!!!"



Napalingon ako sa may likuran ko at nakita ko si Lucy na naka-upo sa damuhan habang hingal na hingal at mukhang pagod. Katabi nya si Natsu na tulog parin habang nakahiga sa damuhan dahil sa pagsuntok ni Erza sakanya sa tyan kanina. Mukhang napagod si Lucy sa pagdala nya kay Natsu. Umismid ako at binalik ko ulit ang tingin ko sa kawalan.



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon