Chapter 19: Deal or No Deal?

37.1K 1K 61
                                    

Third Person POV


Parehas na nagpapalitan ng malamig na tingin ang dalawa.

Ang kasama ng babae na si Louise Fuentes ay parang maiihi na sa kaba pero 'di tulad ng kasama ng lalake na si Demon Enriquez na walang emosyon ang mukha at mukhang kalmado lamang na para bang wala itong pakialam sa paligid niya.

Magbalik ulit tayo sa dalawang taong parang yelo sa sobrang lamig ng aura.

Matapos nilang magpalitan ng malamig na tingin ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad ngunit napatigil si Steven nang tawagin ito ni Sunny.

"Mr. Pilosopo," tawag ni Sunny kay Steven pero nakatalikod ito sa kanya.

"What?" Malamig na tanong ni Steven ngunit katulad ni Sunny ay nakatalikod rin ito sa kaniya.

"Naalala mo pa ba ang sinabi mong parusa sakin?" Malamig na tanong rin ni Sunny sa kaniya.

"Yes. Why did you ask?"

"Nakapagisip-isip na ako at gusto ko sanang pag-usapan natin 'yon." Sagot nito sa kanya.

Mula sa malamig na ekspresyon ng lalaki ay bigla itong ngumisi.

"It's my pleasure to talk about it. Follow me. Demon." Tawag nito sa kaibigan niya.

"Yeah?" Tugon nito sa kanya.

"Take Ms. Fuentes to her class, and tell her adviser that Ms. Villegas will be excused from her class." Utos ni Steven.

"Got it." Sagot naman ni Demon.

Habang si Louise naman ay parang natuyuan ng laway sa lalamunan habang pinapanood ang kanyang kaibigan at ang presidente na naglalakad palayo sa kanila.

Pero tila parang nawalan bigla ng kulay ang kanyang katawan nang maramdaman niya ang lalaking yumakap sa likod niya.

Ang lalaking ayaw niya nang makita pa muli pero napakaimposible naman ng hiling niya dahil schoolmate niya ito. At ang lalaking hinding-hindi niya makakalimutan dahil ito lamang ang kumuha ng first kiss niya na para sana sa lalaking mamahalin niya balang araw.

"Hi sweety. Miss me?" Malamig ngunit parang malambing nitong tanong na ikinalambot niya.

Samantalang sa kabilang dako naman ay nasa loob ng President's Office ang dalawa.

Nakaupo si Steven sa swivel chair habang si Sunny naman ay nakaupo sa itim na couch.


Sunny's POV


"Bakit gusto mong pag-usapan natin ang tungkol sa parusa mo? Papayag ka na ba?" Nakangisi niyang tanong.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya pero imbis na ipakita sa kanya ang inis ko ay nginisihan ko siya ng malaki.

"Ang kapal rin pala ng apog mo, 'no? Kapag ba pag-uusapan natin yung tungkol sa parusa, payag na ako kaagad? Hindi ba pwedeng tanggihan ko ang parusa mo sa akin?" Balik na tanong ko sa kanya habang nakangisi.

Kung kanina ay nakangisi siya, ngayon naman ay tila nabalutan nanaman ng yelo ang buong katawan niya dahil bumalik nanaman ang malamig niyang ekspresyon.

"Enough of the crap. Start talking woman." Seryoso niyang sinabi at sumandal sa swivel chair na inuupuan niya.

Bobo rin 'tong lalaking 'to eh. Siyang nagsimula tapos sasabihin niya sakin enough of the crap? Eh kung crap-crapin ko kaya 'yang pagmumukha niya? Tss.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now