Chapter 51: Partners

26.4K 967 151
                                    

Sunny's POV


Partner?

Nakapamewang ako at tinignan ko siya ng nakataas ang kilay.

"Hoy lalaki. Ang daming babae ditoㅡ" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Too talkative." Masungit nitong sinabi. "Do you know how to be a DJ?" Walang emosyon niyang tanong.

Napailing na lamang ako since hindi naman ako makapagsalita dahil tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.

So hindi pala niya ako i-ooffer sa mga multo. Gagawin niya lang akong DJ. Hay salamat naman. Ang problema lang ay... anong alam ko sa pagiging DJ? Sa pagkakaalam ko wala.

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila papunta sa DJ set niya samantalang siya naman ay nasa likod ko.

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila papunta sa DJ set niya samantalang siya naman ay nasa likod ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumaas ang balahibo ko nang bigla itong bumulong sa akin.

"Here, let your partner teach you." Mahina nitong sambit na sakto lamang sa aking pandinig bago niya inilagay sa aking tenga ang headphone kong beats.

Sunod naman nitong hinawakan ang dalawa kong kamay at ginabayan patungo sa mga controllers ng kanyang DJ set.

Nang makabisado ko na kung paano ito gamitin ay humiwalay na sa aking likod si yelo at pumunta sa tabi ko.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin rin ito sa akin. Nakalagay na sa kaniyang tenga ang headphone niya.

Unti-unti itong ngumisi na ikinangisi ko rin bago kami tumango sa isa't-isa at ipinagpatuloy ang pagdiDJ namin.

Let's get this party kickin'.


Third Person POV


Lahat ng mga hetero students ay masayang sumasayaw maliban sa isang taong nakatingin ng masama sa kanyang kasayaw.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" Naiiritang tanong ni Kiana kay Green.

"Nothing. I didn't know that you can actually dance, babe."

Namula ang mukha ni Kiana sa sinabi ni Green ngunit imbes na mahiya ay idinaan niya na lamang ito sa inis.

"Ikaw lalake ka, kung 'di dahil diyan sa kalokohan mo ay hindi ako ang magiging kasayaw mo ngayon!"

"Pero sinakyan mo naman ang kalokohan ko." Mapang-asar na sagot ni Green. "Atsaka hindi ba't sinabi mo naman sakin na hindi ka affected sa presensya ko diba? Ngayon napatunayan mo na. So what's the problem of dancing with me? Dapat nga magpasalamat ka pa dahil sa dinarami-dami ng mga babaeng gusto akong makasayaw dito ay ikaw pa ang napili ko." Patuloy nitong pang-aasar habang nakangisi.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now