Chapter 52: Trauma

26.5K 982 142
                                    

Kim Taeyeon as Sunny Villegas

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue<3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunny's POV


S-swim?

Namutla ako sa sinabi niya. Nang mapansin niyang hindi na ako nagsalita ay liningon niya ako bago siya tumigil sa paglalakad.

"Hey, what happened to you?" Kunot-noo nitong tanong.

Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya bago ako sumagot.

"Ibaba mo na ako." Mahina kong sambit.

"What?"

"I said, put me doㅡ" Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita kaya napatingin ako sa kaniya.

"Dammit! I know what you just saidㅡ"

"Eh 'yon naman pala. Bakit hindi mo pa ako ibaba?" Taas-kilay kong tanong.

"I meanㅡ"

"Ano? Gusto mo pang sabihin ko sayo ang ibig sabihin ng ibabaㅡ"

"Damn it! Would you please shut up and let me finish my sentence?!" Naiirita nitong sambit.

Hindi na ako umimik pa at tumango na lamang.

"Tch." Masungit nitong saad bago niya ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin. "As I was saying, why do you want me to put you down? Is there something bothering you?" Malamig nitong tanong ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Bahagyang nanlaki ang aking dalawang mata dahil sa kanyang tanong ngunit imbes na sumagot ay umiwas na lamang ulit ako ng tingin.

Nang mapansin niyang wala akong balak sumagot ay nagsimula na lamang siyang maglakad ulit.

Walang nagsalita sa amin. Tanging ang alon lamang ang naririnig namin.

"I-I'm scared." Nauutal kong bulong ngunit hindi siya sumagot at patuloy pa ring naglalakad habang buhat-buhat niya ako. Napabuntong hininga na lamang ako bago ko itinuloy ang aking sasabihin.

"May t-trauma ako sa mga malalalim na bahagi ng mga swimming pools." Nahihiya kong sinabi na ikinatigil niya ulit sa paglalakad.

"Of course. I'm sorry. I forgot about that." Mahina nitong saad na ikinatingin ko sa kanya. Nakatingin rin siya sa akin ngunit iniwas niya rin ito kaagad at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"You know, I can just walk. You really don't have to carry me." Mahina kong sinabi ngunit hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

"Mabigat ako baka mangalay ka." Akala ko ay magsasalita na siya ngunit wala pa rin.

Ayaw niya akong pansinin? Edi wag! Basta wag na wag siyang magrereklamo sa akin na nangalay o sumakit ang katawan niya dahil sa pagbuhat niya sa akin kung 'di, naku po! Baka mapilay ko pa siya ng 'di oras.

Nang makarating na kami sa may swimming pool ay binaba niya na rin ako sa wakas.

Pagkababa niya sa akin ay kaagad kong pinagmasdan ang buong paligid.

Ang ganda! Malawak ang swimming pool at sa dulo nito ay may parang mini bar. Umiilaw ang lugar na 'yon ng kulay blue, violet at green. May mga fountains rin ngunit nakatutok ang mga ito sa pool kaya ang tubig galing sa mga fountains ay nahuhulog rin sa pool. May apat na plastic beach chairs sa kaliwang part ng pool at ganoon din sa kanang parte nito. Mayroon rin akong nakita na babasagin na mesa at sa ibabaw nito ay may dalawang scented candles at meron ring isang bote ng wine pati dalawang wine glass. Mayroon rin itong dalawang upuan.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang