Chapter 41: Change?

25.4K 893 94
                                    

Green's POV


Napakurap ako ng ilang beses nang biglang mapaupo si captain.

PU-TANG-I-NA.

"Yelo!" Gulat na sigaw ni Ms. Cutie kay captain.

Kaagad namang pumunta si Demonyo at asul sa pwesto nila captain at may dala rin itong wheelchair. Tinulungan ng mga ito si captain na tumayo at pinaupo sa wheelchair.

"Yelo?" Nag-aalalang tawag ni Ms. Cutie kay captain at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

Nagulat ito nang biglang hawakan ni captain ang kanang braso niya at tumitig sa mukha niya.

"I'm okay. I just need to rest. Congrats, honey." Nakangiting sambit nito bago tuluyang itinulak ni demonyo ang wheelchair paalis sa arena at iniwang tulala si Ms. Cutie.

Sandali...

Umalis na silang tatlo.

So that means...

Pucha. Iniwan nanaman nila ako.

 Walang 'ya kayo! Hindi niyo pwedeng iwan ang nag-iisang gwapo dito uy!

Dali-dali ko silang hinabol at mukhang wala mang pakialam ang mga ito dahil hindi man lang nila ako liningon.

Paano nga kami naging magkakaibigan ulit?

Nang makarating na kami sa clinic ay kaagad namang inalalayan ng dalawa si captain paupo sa kama.

"What happened?" Tanong ni Ma'am Cynthia ang school physician namin.

"His back got hit by a racket." Pagpapaliwanag ni Demonyo na ikinagulat ni ma'am.

"Oh my, alam ba 'to ng dad mo?" Nag-aalala nitong tanong ngunit tinignan lamang siya ng walang emosyon.

Tignan mo 'to. Nasaktan na't lahat-lahat pero may gana pa ring magsungit. Pasaway na bata. Tsk.

"He doesn't need to know because he doesn't even care. If you're just going to keep asking me questions, then I'm out of here. I don't need a doctor who's talkative." Masungit nitong sagot.

Hindi na kami nagulat sa pagsusungit nito kay doktora dahil ganyan naman palagi siyang makipag-usap. Walang matanda o bata sa kaniya.

Nakita ko ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ni ma'am ngunit mabilis rin itong nawala at ngumiti ng matamis kay captain sa kabila ng pagsusungit nito sa kanya.

"Boys, can you please leave us alone for a while? I would like to talk to Mr. Willford in private." Nakangiting sinabi nito sa amin at umalis na kaming tatlo sa loob ng clinic ngunit napatigil kami nang muling magsalita si captain.

"Demon," tawag nito na ikinalingon ni Demonyo.

"You know what to do." Maawtoridad nitong sinabi na ikinatango ni Demonyo at nauna nang lumabas.

Pagkalabas namin ng kakambal ko ay hindi na namin nakita pa si Demonyo.

Ang bilis naman maglakad n'on.

Napaupo na lamang ako sa upuan habang nakasandal naman si Asul sa pader.

"Kingina. Sino namang gago ang nagbato ng raketa na 'yon? At talagang si Ms. Cutie pa ang target nito." Naiiritang saad ko habang pinapatunog ang aking mga buto sa kamay.

Liningon ko ang kakambal ko na hanggang ngayon ay tahimik pa rin at mukhang may malalim na iniisip.

Mga ilang minuto ang nakalipas nang bigla akong tumayo ngunit nakahawak ako sa magkabilaang hawakan ng upuan.

"Dammit! I can't take this shit anymore! I'm going to find that motherfucker!" Malakas kong sambit ngunit wala pa rin akong naririnig ni isang salita sa pipi kong kakambal.

"Tangina niya, kahit na nagtatampo at nabibwisit ako kay captain ay hindi naman makatarungan na masaktan niya ng pisikal." Seryoso kong saad at tumayo ng diretso atsaka nagsimulang maglakad ng mabagal.

"Nyeta talaga! Pigilan mo ako asul at baka mabato ko ng bola sa pagmumukha ng gagong 'yon once na makita ko siya!" Nanggigigil kong sinabi habang nakakuyom ang aking mga kamao.

Aba putangina...

Tumigil ako sa paglalakad at liningon ang panget kong kakambal.

 "At wala ka talagang balak na pigilan ako 'no?" Naiirita kong sinabi at salamat naman tumingin ito sa akin at nagsalita.

"Why should I?" Maikling tanong nito na ikinanga-nga ko.

Okay Green. You're handsome. You're hot and you're definitely sexy, remember those.

"Sometimesㅡ no, most of the times I would ask myself if we're really twins." I sarcastically said at bumalik sa aking upuan nang biglang bumukas ang pintuan ng clinic at lumitaw rito ang walang emosyong mukha ni captain. May bago pa ba doon?


Sunny's POV


Gusto ko siyang puntahan sa clinic but my other side disagrees and I don't know why.

Is it because I'm still shocked?

Or is it because I felt guilty about it?

"Grabe, hindi na talaga ako makapaniwala sa yelo mong 'yan, Kitty ah. From a hot monster to a sweet and cheesy hero. Mukhang nagbago na siya nang dahil sayo?" Nakangising sinabi ni Babob.

I'm not sure because no matter what he acts, it doesn't change the fact that I'm still his pretend girlfriend and slave.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may biglang lumitaw na pares ng sapatos sa harap ko.

"Ladies, may I excuse Ms. Villegas for a while?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

Blue?

Umo-o ang mga kaibigan ko kaya napatingin ito sa akin at ngumiti.

"Sunny, Steven wants to see you."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora