Chapter 22: GMK

33.1K 1.2K 68
                                    

Sunny's POV


"Thank you sa paghatid daddy! Goodbye and take care." Pagpapaalam ko atsaka hinalikan ang pisngi niya.

"You're welcome, baby girl. Goodbye and I love you."

"I love you too, daddy." Sagot ko bago binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba.

Bumusina muna siya bago umalis.

Kumaway lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan niya.

Pagkatalikod ko ay nanlaki na lamang ang dalawa kong mata nang makita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa may entrance ng academy.

Lumapit ako kay kuya guard at nagtanong.

"Kuya guard, anong meron? Bakit ang daming mga estudyante sa may entrance?"

Imbes na sagutin ako ni kuya guard ay nginitian niya lang ako.

"Pumasok na muna po kayo Ms. Villegas kung gusto niyong malaman ang sagot." Sinabi ni kuya guard at nginitian ulit ako.

Kakambal ba 'to ni Ma'am Palangiti?

Hmm... Waaahh! Siguro may mga free na Hello Kitty stuff toys sa loob!

OH MY KITTY! Kailangan ko silang maunahan! WAAAHHH!!! HELLO KITTY! WAIT FOR ME! 

Nang makapasok na ako ay nagulat na lamang ako nang bigyan ako ng daan ng mga estudyanteng nagkukumpulan kanina.

Pero mas lalo akong nagulat at mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Nakita ko ang The Big Monkeys este The Big Three na nakatayo sa gitna pero hindi sila ang dahilan kung bakit mas lalong lumaki ang dalawa kong mata at parang napatulo na rin ang aking laway.

Kung 'di sa malaking Hello Kitty na hawak ni yelo.

Bi-big... He-hello ki-kitty... Bi-big...

WAAAAAHHH!!! Naging dambuhala na si Hello Kitty!

That big kitty is MINE! 

Naglakad ang The Big Three papunta sa direksyon ko pero hindi ko man tinuon ang pansin ko sa kanila dahil na kay Hello Kitty pa rin ang tingin ko.

At dahil busy akong tumitingin kay Hello Kitty ay hindi ko man napansin na nakalapit na pala sa pwesto ko ang The Big Three.

"Good morning honey." Bati ni yelo.

"Good morning Hello Kitty." Wala sa sarili kong sinabi habang nakatingin pa rin kay Hello Kitty.

"Pfft..." Pigil na tawa ni Berde.

Hindi ako sigurado pero nakita ko sa peripheral vision ko na sinamaan ng tingin ni yelo si berde na ikinatigil ni berde sa pagtawa.

"You want this, honey?" Tanong ni yelo na tinutukoy nito ang malaking Hello Kitty na hawak niya.

Tumango ako bilang pagsagot.

"Then be a good girl." Sagot nito.

Nang sabihin niya 'yon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Teka... Pa-paano ko nakalimutan na peke lamang pala ang relasyon namin ng yelo na 'to at isa lamang laro ang eksenang 'to?

Tinignan ko ang taong nasa harapan ko ngayon at hindi na ako magtataka pa kung bakit nakangisi ang yelong baliw.

Damn this cheater. Muntikan na akong mahulog sa patibong niya ah. Alam na alam niya na basta pagdating kay Hello Kitty ay nawawala na ako sa sarili ko.

So ngayon na pala magsisimula ang laro niya ha?

Kung sa tingin niya ay siya lang ang magaling maglaro, aba'y wag niya akong mamaliitin dahil hindi niya alam kung paano ako maglaro.

"What do you want me to do?" Tanong ko.

"If I ask you to give me a good morning K, will you do it?" Nakangisi niyang tanong.

Good morning K?

"Sure." Walang pagaalinlangan kong sagot sa kanya na ikinagulat niya.

"Really?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Oo. Bakit, ayaw mo ba?"

"No. I meanPinutol ko na ang sasabihin niya.

"Ayst! Lumapit ka na nga! Ang dami pang satsat eh." Reklamo ko.

Wala siyang nagawa kung 'di ang lumapit sa akin pero bago 'yon ay ipinahawak niya muna si Hello Kitty kay Blue.

Unti-unti kong linapit ang mukha ko sa kanya at nakita kong nakapikit na siya.

Malapit na... Konting-konti na lang...

"AAAHHHH!!! DAMN IT! FVCK! FVCK! FVCK!" Sigaw niya at hinawakan si BJ.

Napasinghap ang lahat ng mga estudyante sa ginawa ko sa pinakamamahal nilang presidente.

"What the fuck?!" Gulat na sinabi ng magkambal na kulay.

"DAMN YOU WOMAN! WHAT THE AHHHH!!! DID YOU DO?!" Namimilipit na sigaw ng kawawang lalaki.

"Good morning K?" Inosente kong tanong.

"Why the hell did you kick my junior? I said kiss, not KICK!" Sigaw nito habang namimilipit pa rin sa sakit.

"Hoy lalake! Wag mo akong gawing bingi 'no! Malinaw sa pandinig ko na sinabi mo ay Good morning K. K! As in letter K! And K stands for Kick." Sagot ko.

"Fucking stupid! Am I that crazy and idiot to ask you to kick my balls?! K means Kiss, not KICK!" Galit niyang sigaw.

"Aba't! Hoy lalaking namimilipit sa sakit at nakahawak sa BJ niya, wag mo akong masermonan at sigawan dyan, ha. Buti nga may natutunan ka pa sakin eh, na sa susunod ay pakilinaw-linawin ang sasabihin, ha. Para naman hindi nadadamay si BJ sa mga kalokohan mo." Sagot ko.

"BJ?" Takang tanong ni Berde.

I glared at him that made him gulped.

"Hoy berdeng utak! BJ stands for BUDDY JUNIOR, understand?" Masungit kong tanong.

Sunod-sunod na tango ang sagot niya.

"Good." Sabi ko at lumapit kay Blue na hawak ang Hello Kitty ko.

Kinuha ko sa kanya si Hello Kitty at nagpasalamat kahit nakatulala siya dahil sa nangyari.

Naglakad na ako paalis habang yakap-yakap ko si Hello Kitty.

Waaahh! Sa wakas! Nasa akin ka na rin ngayon. 

Bagay lang sa yelo na 'yon ang ginawa ko sa kanya. Sinabi na kasing wag akong mamaliitin eh.

Wag kang mag-alala Mr. Pilosopo. Nagsisimula pa lang ako kaya bilang girlfriend or should I say, fake girlfriend mo ay responsibilidad kong pasayahin at wag gawing boring ang buhay mo.

Sana lang wag kang magsisi na ako ang pinili mo sa sariling laro mo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon