Chapter 4: First Time

53.4K 2K 110
                                    

Blue's POV


"Tsk. Ang bakla mo naman para pumatol sa isang babae."

Napalingon kami sa nagsalita at nagulat na lamang kami na isa itong...

BABAE?!

Napansin kong hindi lang kami ang nagulat dahil mukhang pati si Pres ay hindi rin inaasahan na isang babae ang biglang lilitaw at magsasalita ng ganon sa kaniya pero kaagad rin naman nagblangko ang expression niya.

"O bakit parang gulat na gulat kayo? May nakita ba kayong multo o nagulat kayo dahil isang babae lamang ang nakapagpatigil sayo?" Pagbibiyan-niyang diin habang walang emosyon siyang nakatingin kay Pres.

Nagsimula na rin ang mga bulung-bulungan na sa tingin ko ay tungkol kay ate girl.

"Diba siya yung immature na babae sa 12-Athena?"

"Oo, sabi rin daw nila mahilig ito sa Hello Kitty dahil pati bag niya ay Hello Kitty."

"Pero parang imposible naman ata na siya 'yon dahil ang mature niyang magsalita."

"Oo at hindi lang 'yon. Napatigil niya pa sa paglalakad si Steven my labs."

Immatured?

Batang-isip?

Hello Kitty?

Sino? Siya?

Mukhang hindi naman ata siya 'yon pero parang siya rin 'yon dahil makikita mo naman sa ayos niya. Parang pangbata, nakapigtails ang buhok niya at may baby blue na ribbon pa ang nakatali sa buhok nito. Pero kung titignan mo siya ngayon hindi mo kaagad mapapansin ang ayos niya dahil sa pagkasalita niya. Para mas nagmumukhang matured pa siya kesa sa akin. Nakapoker face lang siya at nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng blazer niya.

"Who the fuck are you?" Poker face rin na sabi ni Pres.

"Why the hell do I have to tell you? We're not even close." Poker face na kontra ni ate girl.

"I'm not an idiot to know that we're not that really close. See the distance from here and there where you stand."

Biglang nanlaki ang mga mata ko at sinisigurado ko rin na hindi lang ako ang may ganitong reaksyon dahil mukhang parehas ang reaksyon namin ng kakambal nang sumagot si Pres doon kay ate girl.

Ayan na! Nabadtrip na siya kaya nagsisimula na siyang mamilosopo. Babala! Palaging tandaan na wag na wag ibabadtrip si Pres kung ayaw mong mapahiya ng 'di oras sa pamimilosopo niya. Pero new record 'yon ah! For the very first time ang haba ng sinabi niya.

"Bakit? Sinabi ko bang bobo ka? Ikaw ang nagsabi niyan sa sarili mo." Walang emosyon na pagbabara ni ate girl.

Napanga-nga ako sa come back ni ate girl. Walang 'ya. Nabara si Pres. Shet.

Tinignan ko rin ang mga tao sa paligid ko at mukhang hindi ako nag-iisa dahil pati sila ay nakanga-nga pero siyempre pwera kay Pres.

Pero 'nak ng tipaklong, first time rin 'yon! First time na may nangbara sa pagkapilosopo ni Pres! Ang exciting ng araw na 'to! Ang daming first time.

Si Pres ay nakapoker face pa rin pero mahahalata mo na naiinis na siya dahil sa pagkuyom ng kamao niya at mukhang hindi rin ito naging handa sa sinagot sa kaniya ni ate girl.

Naku! Nagpipigil na siya!

"Uhmm... ate girl, umalis ka na habang nagpipigil pa siya. Ayaw mo talaga siyang makita kapag sumabog na siya." sabi ko kay cutie.

"Who the hell are you to call me ate girl? Sa pagkakaalam ko hindi kita kilala at mas lalong hindi tayo close and who are you to tell me to get out of here? Hindi kita boss o magulang para utusan ako and the hell I care if he will explode. Bakit? Bulkan ba siya para sumabog?" Tuloy-tuloy niyang pambabara sa akin.

BOOMBARA!

Takte naman o! Siya na ng tinutulungan, ako pa ang nabara sa kanya! Mahirap na bang magpasalamat ngayon sa mga taong tinulungan mo? 

"Enough! Sino ka ba talaga? Do you even know who the hell you are talking to?" Iritang tanong ni pardx.

"Sirang plaka lang ang peg? Paulit-ulit? Seriously, are you a nitwit? Can't you even understand the word I'm saying? For the second time Mr. Nitwit, I already told you that we're not close for you to know my name pero kung desperado ka na talagang malaman ang pangalan ko, try mong hanapin ang profile ko para malaman mo and also. I don't care who you really are so if you would excuse me, I will just fetch my best friend here." Sabi niya at pinuntahan and best friend niyang mukhang basang sisiw bago ito inalalayan patayo at bumaling muli kay Pres. 

"At ikaw Mr... Hmm... Anong magandang tawag sayo pwera sa nitwit? Parang kasing redundant eh. Bobo ka na nga tapos tatawagin ka pang Mr. Bobo. Ang panget kaya since mukhang marunong kang mamilosopo tatawagin na lang kitang Mr. Pilosopo. Kung balak mo akong pilosopohin, ayus-ayusin mo ha. Yung tipong mababara talaga ako. Okay lang kung ako ang ipahiya mo pero kapag ang best friend ko na ang sinali mo dito, hinding-hindi kita uurungan. Mark my words Mr. Pilosopo. This fight is only between you and me. I hope our paths will not cross again next time, Mr. Pilosopo." Huling wika niya ito naglakad palabas ng canteen kasama ang kaniyang best friend.

Pagkalabas nito ay napanga-nga nanaman ako at pakiramdam ko ay ganoon din ang mga taong nasa paligid ko pwera kay Pres na ngayo'y hindi pa ring umiimik pagkatapos ng pambara scene ni ate girl.

"What the freaking hell?!" Gulat na sinabi ng kakambal ko

"Pres, did the cat got your tongue?" Pang-aasar ko sa kanya ngunit mukhang hindi ko dapat ginawa 'yon dahil tinignan ako nito ng walang emosyon bago ito nagsalita.

"Hindi. Aso. Aso ang kumuha ng dila ko. May angal ka?" Pamimilosopo niya na ikinayuko ko na para bang tutang ipinagkait ng gatas ni mother dog.

"Sabi ko nga wala." Mahinang sagot ko sa kaniya at hindi na muling nagtangkang magsalita pa.

"Damn interesting." Sambit ni Demon a.k.a Demonyo na ikinatango ni Pres bago nito hinawakan ang kaniyang baba na para bang may malalim itong iniisip.

"She's really interesting. Demon find her profile or any of her documents or even hire a private investigator. Wala akong pakialam sa kung papaano mo magagawa 'yon just give me some information about her and do it now." Utos ni Pres.

"Sure bro. Anything for you." Sagot ni Demon at umalis na.

Dahan-dahan kong liningon si Pres at bigla akong napakusot sa aking mga mata nang may nakita akong parang milagro.

Totoo ba ang nakita ko? Ngumiti or more like ngumisi si Pres? Hindi ba ako nagmamalikmata?

Kinusot ko ulit ang mga mata ko pero nakita kong nakapoker face na ulit siya.

Would someone please tell me what's going on? This day is giving me shivers. Creepy.


Steven's POV


She's indeed interesting. She's different from other girls and she is the first person to talk back at me. I'm more amazed by her actions.

Just a little bit more time and I will know who you really are.

I will assure you that we will meet again next time Ms. Pambara.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue♡

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now