Chapter 25: This Girl

31.8K 1.1K 180
                                    

Blue's POV


Napailing na lamang ako nang maalala ko ulit ang nangyari kanina kay Captain.

Grabe! Hindi ko talaga maimagine na gagawin talaga 'yon ni Sunny.

Hindi nga nagkakamali sila pardx at demon tungkol sa kanya. Kakaiba talaga siyang babae.

Sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya lang ang nag-iisang babaeng walang pakelam sa magandang hitsura ng mga tao sa paligid niya. I mean, hindi siya katulad ng mga ibang babae na makakakita lang ng gwapo o kaya perfect na lalake ay bibigay na sila kaagad. In fact, mas pinili niya pa si Hello Kitty which is a cartoon kesa sa amin.

Kung hindi ko lang kilala si Sunny mapagkakamalan ko talaga siyang bata lalo na pagdating sa kilos niya.

Nung una ko siyang nakita ay naisip kong katulad lang siya ng mga babae kasi alam kong nature na 'yon sa kanila na lalapit at makikipagclose sa mga lalakeng sikat, mayaman at gwapo tulad namin. Pero nang makita ko ang other side niya, parang bigla akong namangha sa kakaibang kilos niya lalo na nung may lakas na loob siyang kalabanin si President.

Simula n'on, nagkaroon na akong interes sa kaniya. Pero hindi ko siya kinaibigan dahil interesado ako sa kaniya.

Ewan ko ba. There is this feeling that I should be her friend. Yung parang kailangan ko siyang protektahan sa mga aaway sa kaniya.

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko sa kanya kasi kahit ang sarili ko mismo ay hindi ko rin maintindihan.

Nakakatuwa lang isipin na never pa ako nagkaganito sa babae, well, except sa mom ko siyempre.

Oo, nirerespeto ko nga ang mga babae dahil hindi naman ako katulad ng manyakis kong kakambal pero iba kasi 'tong nararamdaman ko.

Parangㅡ Ahh, basta! Bahala na nga.

Maiintindihan ko rin 'tong nararamdaman ko balang araw.

Papunta ako ngayon sa pool's area kasi may pinapautos sa akin si Sir Cruz na kunin ko daw yung timer niya sa bench.

Kakatapos niya lang atang bigyan ng practical test sa swimming ang mga students ng 11-Hermes.

Nang makarating na ako sa pool's area ay palakad na sana ako sa may bench pero bigla akong napaurong at nagtago sa may pader.

Sandali...

Si Sunny ba yung babaeng nakatayo malapit sa olympic pool? Pinakatitigan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ng babae.

S-si Sunny nga!

Mukhang may hinahanap siya ah.

Maglalakad na sana ako papunta sa kanya para tanungin kung anong hinahanap niya pero bigla akong napatigil at nanlaki ang aking dalawang mata at napaawang pa ang aking bibig.

Ang bilis... Ang bilis ng pangyayari.

Biglang sumulpot ang isa sa mga alipores ni Sofia na si Beatrice Alonzo at tinulak si Sunny sa may pool.

S-si Sunny...

NAHULOG SI SUNNY SA OLYMPIC POOL!

Nakita kong tumatalon si Sunny na pilit kumukuha ng hangin pero patuloy pa rin siyang nalulunod.

Ginagawa niya rin ang lahat ng makakaya niya para sumigaw ng tulong.

"So 'yan lang pala ang kahinaan mo? Swimming pool lang? What a pathetic bitch. Ang lakas ng loob mong maging matapang at kalabanin ako tapos ngayon humihingi ka ng tulong kasi nalulunod ka? Tignan lang natin kung hanggang saan ang makakaya mo, Ms. Pambara a.k.a famewhore! And as promised, ito na ang pinakamamahal mong basurang Hello Kitty." sinabi ni Sofia atsaka binato ang malaking Hello Kitty stuff toy sa olympic pool.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoOnde histórias criam vida. Descubra agora