Chapter 76: The last night

18.9K 839 180
                                    

@magicalights Thank you for your sarcastic comments. Don't worry, I'll keep those in mind. I also suggest that you read some of my author's note where I always say "I'll be EDITING THE WHOLE STORY ONCE IT HAS BEEN COMPLETED." And in case if you don't know, I'm very much aware about my previous mistakes in this story. I'm sorry for not being a perfectionist, and if my English sucks for you. Thanks for reminding me though with those sardonic and jeje remarks. Gladly appreciated. God bless you. 😊❤️

P.S. I hope your nose is okay. Do you still have enough blood after bleeding for how many times? 

P.P.S. It's "NOSEBLEED", not "NOSEVLEED". 😊

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue 💙

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunny's POV

Pagkatunog ng alarm clock ko ay pinatay ko kaagad ito bago ako bumangon sa aking kama.

Nag stretching muna ako at kumembot-kembot bago ako tuluyang pumasok sa banyo.

Nagpakyut muna ako sa salamin at nang makuntento na ako ay doon pa lang ako naghilamos ng mukha at ginawa ang kung anu-anong mga ritwal ko sa banyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay medyo nagtaka ako kung bakit parang napakatahimik ng bahay ngayon. I mean, araw-araw kasi ay palagi kong naririnig ang pagtawag sa akin ng mga kuya ko at minsan naman ay mas nauuna pa silang manggising sa akin kaysa sa alarm clock ko. Minsan naman si mommy ang tatawag sa akin at si daddy naman ay pupuntahan ako sa kwarto ko para gisingin ako. Walang araw na hindi ko naririnig ang mga boses nila sa umaga. Sa pamilya kasi namin, ako yung palaging late na nagigising. Madalang na madalang lang ako magising ng maaga kapag walang pasok pero siyempre kapag may pasok ay wala akong choice kung 'di ang magising ng maaga. Masyado pa kasing maaga para makatanggap ako ng mga sermon sa mga teachers.

Lumabas ako ng kwarto ko at tinawag sila.

"Mommy? Daddy? Kuya Wind? Kuya Cloud? Kuya Sky?" Pag tawag ko sa kanila pero ni isa man sa kanila ay walang sumagot.

Nagsimula na akong kabahan at unti-unti na ring namumuo ang mga luha sa aking mga mata ngunit pinipilit kong pigilan 'yon dahil wala akong planong umiyak ngayon dahil sa lungkot.

Mabilis kong pinuntahan ang mga kwarto nila at kaagad na binuksan ang mga closet nila atsaka tinignan kung nandoon pa ang mga damit nila.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang mga damit nila sa mga kaniya-kaniya nilang mga closet.

Nasaan kaya yung mga 'yon?

Hindi kaya...

Hindi ko na napigilan pang hindi umiyak nang may biglang pumasok sa isip kung bakit wala sila.

Bakit sila ganon?

Bakit sila umalis nang hindi man lang ako kasama? Magigising naman ako kapag ginising nila ako eh. 

Bumaba na ako ng hagdanan at akmang pupunta na sa kusina para kumuha ng cookies 'n cream na ice cream nang may marinig akong ingay sa may garden na nasa likod ng bahay namin.

Pinunasan ko ang mga luha ko at sipon ko gamit ang damit ko at malungkot na naglakad papunta sa garden namin. Baka may pusa doon at gustong makiramay sa nararamdaman ko ngayon.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat na lang ako sa nakita ko at kasabay n'on ang sabay-sabay nilang pagbati sa akin at ang pagputok ng dalawang confetti party poppers.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now