Chapter 73: Heart's Day

21.6K 814 251
                                    

Keanne's POV

Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang magsimula ang bagong taon. Masaya na sana kaya lang may epal kaming kasama na kung hindi lang isang kasalanan ang pasabugin ng paputok ang taong kinaiinisan mo ay matagal ko nang ginawa sa bruhang 'yon kahit hindi pa nagsisimula ang bagong taon.

Habang naghihisterikal ang babaeng 'yon ay siya namang pagdating ni Kitty. Natigilan kaming lahat nang makita naming namamaga ang mga mata nito at namumula pa na para bang galing lang siya sa pagiyak. Tinanong namin siya kung anong nangyari sa kaniya ngunit imbes na sagutin niya kami ay nginitian niya lamang kami ng malungkot bago niya kami yinakap at binati ng happy new year. Simula rin n'on ay walang tigil ang pang-aasar sa kaniya ng bruhang 'yon dahil daw rineject daw siya ni Steven kaya daw siya umiyak at hindi niya matanggap.

Like 'what the hell?' Sino siya para sabihin niya 'yon? Nakita ba niya? Manghuhula na ba siya ngayon? Pwede niya rin ba kayang hulaan kung kailan titigil yung bunganga niyang malaki sa kakasalita ng mga bagay na wala namang kwenta? Ang sarap pasabugin ng piccolo yung bibig eh. Buset.

Magkakasama kaming apat na papasok sa school ngayon dahil napag-usapan namin 'to kaninang umaga lang habang nasa mga kaniya-kaniya pa kaming mga bahay. Ang driver namin ang nagsundo kayla Milky at Kitty sa kani-kanilang bahay kaya siya rin ang naghatid sa amin papunta sa school.

Nang makababa na kami sa aming sasakyan ay umalis na rin ang driver namin at pumasok na kami sa loob ng school. Habang naglalakad kami papunta sa building namin ay nakita naming maraming mga babaeng students ng first at hetero sections ang nagkakagulo sa may building ng mga first sections. Bakit pati yung mga girls na first sections nasa labas ng building nila?

Napansin rin naming may kaniya-kaniya silang dalang mga bulaklak, chocolates, teddy bear at mga cakes na nasa kahon.

"Haayy... Ito nanaman po tayo. Every Valentine's day na lang palaging lumilitaw ang mga manliligaw ng mga apat na hari." Walang ganang sambit ng kapatid ko na ikinakunot-noo ng dalawa na para bang hindi nila naintindihan ang sinabi niya.

"Ganito kasi 'yon. Kapag sumapit na ang araw ng mga puso ay nagsisilitawan na ang mga manliligaw ng mga apat na hari. Sila Steven, Blue, Demon at bakulaw ang mga apat na hari na tinutukoy ko. Kaya sila nagkakagulo sa labas ng building ng first sections dahil mahigpit na pinagbabawalan na ibigay nila ang kanilang mga regalo sa loob ng building. Kung gusto nilang bigyan ang mga bakulaw na 'yon ay kailangan nilang maghintay sa labas ng building. Hindi rin exempted ang mga students ng first sections sa rule na 'yon kaya pati sila ay nasa labas ng building. Kapag may nahuli sa kanila na lumabag sa batas na 'yon ay isa ring mabigat na parusa ang ibibigay sa kanila." Pagpapaliwanag ni Kiana sa kanilang dalawa.

"Nasaan ba sila?" Tanong ni Milky.

"Malamang nasa loob sila ngayon dahil palagi namang ganyan ever Valentine's day. Hindi lumalabas ang mga 'yon dahil gusto pa nilang matapos ang araw na 'to ng buhay at maayos ang hitsura pati ang kanilang mga damit. Si berdeng bakulaw naman ay paminsan-minsang pinapansin ang mga babae sa labas dahil pinanganak siyang papansin sa mundong 'to kaya hindi na nakapagtataka 'yon."

"Paano sila makakalabas niyan kung maraming mga babae ang nakabantay sa labas ng building nila?" Tanong naman ni Kitty.

"It's either they will wear a disguise or magpapaassist sila sa mga security guard dito. Pero madalas kasi alam ko ay nagsusuot na lang sila ng disguise like a nerd look." Sagot ng kapatid ko sa kaniya.

"Buong araw silang nandiyan? Paano sila papasok sa klase nila?" Muling tanong ni Milky.

"Nice question. Ito ang araw na maraming nagkacutting classes kaya minsan nang sinuggest ng mga teachers na gawin na lang walang klase buong araw ang Valentine's day at mag celebrate na lang since mabibilang mo lang rin naman ang mga pumapasok sa klase. But I think Steven opposed to that suggestion. Sinabi niya na hindi daw acceptable reason ang piliin mo ang bugso ng iyong damdamin kaysa sa edukasyon. Madaming alam rin yung lalaking 'yon eh. Palibhasa kasi gawa sa yelo ang puso niya." Nakabusangot na sagot ng kapatid ko dahil halatang ayaw nitong pumasok ngayon hindi dahil sa araw ng mga puso kung 'di dahil sa tinatamad siya ngayon.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon