Chapter 50: Night

29.1K 998 158
                                    

Play the video when you're about to read so that you can enjoy this chapter. Thank you :)

Instagram: jeymiiibluu 

JamieeeBlue<3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunny's POV


Napakurap ako ng ilang beses hanggang sa may nakatulak sa likod ko na muntik ko nang ikasubsob.

Doon lamang ako napabalik sa huwisyo at tinignan ang taong nagtulak sa akin

"Salamat ate!" Nakangiti kong sinabi na ikinalingon niya sa akin. Tinignan niya ako ng nakakunot-noo ngunit nagkibit-balikat na lamang ito na tila ba wala siyang idea kung bakit ako nagpapasalamat at muli nanamang bumalik sa pagsasayaw at pagsigaw.

"This is so unexpected. Akalain mo ba naman na marunong palang magDJ ang malamig mong boyfriend." Sambit ni Kiana na ikinalingon ko sa kaniya ngunit hindi ito nakatingin sa akin.

Hay naku, Kiana. Parang naman hindi mo pa kilala si yelo eh mahilig kaya 'yan sa mga pakulo. Pero sa bagay, kahit ako hindi ko rin naisip na may talent pala siyang magDJ.

"Sandali. Asan nga pala sina Milky at Babob?" Tanong ko at lumingon-lingon sa paligid.

"Ayun, sinaniban na rin sila." Bored na sagot ni Kiana habang nakatingin sa kaniyang tinuturo.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinuturo at bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko silang parang nagwawala kung makasayaw.

Jusko, kailangan ko na bang tawagan ang tito kong pari?

Kaya lang kawawa naman siya. Baka mapagod siya kasi maraming sinasaniban dito.

Anong gagawin ko?

Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip ay tila ba may parang umilaw na bumbilya sa taas ng ulo ko.

Alam ko na!

Ang tanging paraan para hindi ako masaniban ay...

TAKBO!

Habang busy sila sa pagwawala ay busy rin akong tumatakbo pabalik sa malaking beach house.

If you can't avoid them, then run. Run for your life! Run like you've never ran before.

Malapit na! Konting-konti na laㅡ

Napatigil ang aking pagtakbo nang may biglang humablot sa aking bewang.

"And where do you think you're going, missy?" Bulong nito sa aking tenga.

Liningon ko ito kaya nagkatamaan ang aming ilong sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Blue?

Napatili ako nang bigla ako nitong binuhat na parang sako.

"I'm sorry, Sunny but I need to follow the DJ's orders." Sambit ni Blue.

DJ?

Bwisit na yelo. Idadamay pa ako sa mga sinaniban.

Nagmakaawa ako kay Blue na ibaba niya na ako dahil ayokong masaniban tulad nila. Nung una ay nagtaka ito ngunit hindi rin nagtagal ay nagsimula na itong tumawa.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon