Chapter 36: Preparation

34.4K 1K 124
                                    

Third Person POV


Isang linggo na lang ang natitira bago maganap ang Senior's battle.

Busy na ang lahat ng mga estudyante at mapa-faculty members man dahil sa paghahanda ng event na 'to.

Merong mga iba't-ibang booths ngunit kaunti lamang ang mga ito dahil ang mas inihahanda nila ay ang mga sarili nila para sa kanilang darating na laban.

"Fuck! Wala na! Wala na talaga tayong pag-asa." Naiiritang sambit ni John na taga-Hercules.

"Let's just accept it guys. We're going to lose again. Kahit kailan ay hindi na tayo pwedeng manalo sa mga first sections." Malungkot na sambit naman ni Michelle na taga-Aphrodite.

Halos lahat na ng mga taga-hetero sections ng Grade 12 ay nawawalan na ng gana at pag-asa na manalo dahil halos lahat ng mga trainings at practice nila ay palpak.

Samantalang ang leader naman nila ay kanina pa gustong sabunutan ang sarili dahil sa pagmamaktol nila.

"Pwede bang tumahimik kayo sa pagmamaktol niyo kahit sandali lang?!" iritadong tanong ni Kiana na ikinatahimik nila.

"Paano tayo matatapos nito kung puro na lang kayo reklamo eh wala naman kayong ginagawa para matalo natin sila sa Senior's battle?" Nagtitimpi nitong tanong sa kanila.

"Palibhasa kasi hindi mo naman alam kung anong nararamdaman namin. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang mga kailangan naming gawin para lang matalo sila at mas lalong nakakabaliw pa ay yung mas malaki ang chansa nilang manalo kaysa sa atin. Tapos ano? Kapag natalo tayo, edi sayang ang effort na pinagpaguran natin tapos may consequence pa." sagot ni Nica na taga-Athena.

Mas lalong uminit ang ulo ni Kiana dahil sa sinabi ng babae ngunit mas pinili niya na lamang ang maging kalmado dahil walang patutunguhan ang kanilang usapan kung sasagutin niya pa ang sinabi ng babae which is nonsense.

"Ikaw naman ang tatanungin ko, alam mo ba kung ano ang feeling na maging leader? Wait, in the first place, ginusto ko ba ang maging leader? Hindi ba't kayo ang namili sakin bilang leader niyo? At ano? Hawak ko ang buong hetero sections ng Grade 12. Eh ikaw? Kayo? Ano ang role niyo sa event na 'to? Hindi ba't ang tanging gagawin niyo lang ay ang lumaban? Ngayon, sino ang mas napapagod sa atin? Sinong mas may mahirap na role sa atin? Ikaw or should I say, kayo ba o ako?" Malamig na tanong ni Kiana na ikinatahimik ni Nica at ang mga iba nilang kasama.

While on the other side...

"Nabalitaan ko na mukhang nawawalan na ng pag-asa ang mga taga-hetero sections." Sambit ni Blue sa kaniyang kakambal.

"Ano pa bang bago doon? Wag na silang umasa pa dahil kahit anong gawin nila, tayo pa rin ang mananalo." Nakangising sagot ni Berde habang tinitignan ang babaeng konti na lang ay makikita na ang kaluluwa dahil sa napaka-iksi nitong palda.

Napa-iling na lamang si Blue sa kamanyakan ng kaniyang kakambal.

'When will he ever change?'  Tanong ni Blue sa kaniyang isip.

'Hmm... She's hot.'  Napangisi si Green sa kaniyang naisip.


Sunny's POV


"Milky, okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya habang umiinom ako ng chuckie ko.

"Ito," sambit niya at tinuro ang mukha niya.

"Itong mukhang 'to sa tingin mo okay lang?" Tanong niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.

"Kaya nga nagtatanong ako, diba? And please, don't answer my question with another question." Sagot ko na ikinatahimik niya.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon