Chapter 44: Last Day

27.3K 862 107
                                    

Sunny's POV


Sandali...

Saan ba dapat ako titingin?

Sa mga mata niya? Sa matangos niyang ilong? O sa mapupula niyang labi?

Pero kahit saan naman ako tumingin sa kanya, maduduling pa rin ako. Ilapit ba naman ang mukha nito sa akin. Ang lawak-lawak ng space!

"You're treating me like a baby." He huskily whispered.

Ang bango ng hininga niya! Amoy iced tea.

"Because you're acting like one, not to mention you're letting me treat you like an infant." Pabulong ko ring sagot. Aba! Totoo naman ah?

He suddenly smirked as he moved away from me.

Napakurap ako ng ilang beses ng mapansin ko ang pagkaaliw nito sa kanyang mga itim na mata.

Improving yung expression niya ah. Hindi niya na ba ako uutusan?

Napangiti ako nang maisip ko 'yon.

"Wash the dishes and you may leave." Sambit nito at muli nanamang tumingin sa kanyang pinapanood.

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.

Okay na sana eh. Sinabi niya na, na pwede na akong umalis pero bwiset. Kailangan ko munang hugasan yung mga pinagkainan niya.

Bakit ako? Siyang kumain eh. Ni hindi man nga lang ako nakakain ng isang subo tapos pinagluto ko pa siya. Hmph! Ang daya! Bad!

Padabog akong tumayo sa higaan niya at linigpit ang pinagkainan niya atsaka ko ito inilagay ulit sa tray.

Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto niya bitbit ang tray ay muli ko siyang sinulyapan at napakunot-noo na lamang ako nang makita ko itong nakangiti.

Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Baliw! Hmph!


Green's POV


Ikalimang araw na ng War of Gods. Ang huling araw ng pagtutuos at gera ng mga kapangitan except ako siyempre kahit na leader ako. 

Ang araw kung saan magkakaalaman na kung sino ang mga matatalo at ang mga mananalo.

And the day where I will show everyone my hotness, greatness, sexiness and being the most handsome guy in Willford Academy. Kailangan ko nang i-handa ang aking sarili mamaya dahil paniguradong dudumugin nanaman ako ng mga sisiw ko. I know, I know. I just need to get used to it. Life is indeed complicated.

At talagang huli pa ang competition ko. Hay naku Green, hindi ka pa ba sanay? Just like what they say, "Save the hottest, sexiest and best for last."

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha mo? Mahigit isang oras ka nang nag-aayos diyan sa salamin ah." Pagsulpot ng kabute kong kakambal habang nakasandal ito sa doorway ng kwarto ko at nakapamulsa.

Hinarap ko ito para hindi na magpapansin. Wala eh, ganyan talaga pagpanget. Nagpapapansin sa gwapo.

"Itong mukhang 'to nakakasawa? Ha! Baka ito pa ang maging dahilan para matalo yung leader ng hetero kung sino man siya." Nakangisi kong sagot.

Ngumisi rin ito at muling nagsalita.

"Matatalo nga siya dahil masyadong nakakadistract 'yang kapangitan mo. Oh, and by the way, I'm just concerned about the mirror baka mamaya bigla na lang mabasag 'yan dahil sayo."

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa pinaglalamayan 'tong pangit kong kakambal.

"Get out of my room. You're just ruining my mood." Nakabusangot kong sinabi at muling humarap sa salamin na ikinangiti ko bigla.

Shet! Ang gwapo mo talaga, Green! No wonder mas gusto ka ng mga babae kaysa sa panget at boring mong kakambal.

"You're welcome." Nakangising sinabi ng gago bago umalis.

Sira-ulo!


Kiana's POV


"Ate kaya mo 'yan! Ikaw pa?! Kayang-kaya mong talunin ang leader ng mga first sections!" Pagchicheer sa akin ng kapatid ko na ikinangiti ko.

"Salamat Keanne. I just hope na tayo naman sana ang manalo ngayong Senior's Battle." Sambit ko na medyo kinakabahan.

"Sus! Wag ka ng kabahan! Wala kaming kilalang leader na marunong kabahan. Susuportahan ka namin Kiana! Matalo man o manalo, hetero pa rin tayo!" Nakangiting sinabi ni Kitty.

"Uhmm... Malamang Kitty, alangan naman maging instant first sections tayo?" Pilosopong sagot ni Keanne.

Magsasalita na sana ako dahil baka mabara siya ni Kitty pero laking pasasalamat ko na lang na mukhang wala ito sa mood na mambara.

"Oo nga 'no?" Tanging smabit lamang nito bago dumating si Milky.

"Magsisimula na daw." Nakangiting sinabi nito.

Tumango na lamang ako bago nagsimulang maglakad papunta sa soccer field dahil doon magaganap ang huling kompetisyon.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may sumigaw sa likod ko.

"GOOD LUCK, LEADER! WE WILL SUPPORT YOU UNTIL THE END!"

Napalingon ako at nagulat na lamang ako nang makita ko ang buong hetero sections na nakangiti sa akin.

Napangiti na lamang ako at tinalikuran na sila.

This is it. There's no turning back now.


Third Person POV


"Welcome to the last day of this event! Today, we will now witness the last competition for the Grade twelve, the battle of leaders! Leader of all the hetero sections versus the leader of all the first sections." Pag-aannounce ng MC na ikinasigaw ng lahat ng mga estudyante na nasa bleachers.

"Who will take home the victory and who will go home disappointed? Who do you think will win? Is it the cream of the crop?!" Pagtukoy nito sa mga first sections na ikinahiyaw nila.

"Or will it just be the hetero sections?!" Announce nito na ikinasigaw ng mga hetero.

"But before that, let us now introduce the leader of the first sections, Green Fuentabella!" Malakas nitong sinabi bago naglakad si Green papunta sa gitna ng field.

Ngumiti ito at kumindat na ikinatili ng malakas ng mga babae.

"I just wish he will win." Sambit ni Blue at umiling dahil sa kapilyohan ng kakambal.

Kasama nito sila Steven at Demon na nakaupo sa unang palapag ng bleachers. Walang emosyon ang mga ito na nakatingin kay Green na hanggang ngayon ay nagpapacute nanaman sa mga babae.

"Next, let's now meet the leader of the hetero sections, Kiana Rodriguez!" Pag-aannounce nito bago naglakad si Kiana papunta sa gitna ng field kung saan nakatayo si Green.

Ngunit hindi pa man ito nakakapunta doon ay bigla itong napatigil sa paglalakad at gulat na nakatingin kay Green.

Napalingon rin si Green at mukhang pati ito ay nagulat rin dahil napanga-nga pa ito nang magtama ang kanilang tingin sa isa't-isa.

"You!/Ikaw!" They both shouted in unison and pointed their index finger at each other that made everyone confused

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now