Chapter 28: He's Back

32.7K 1K 89
                                    

JamieeeBlue's stories (Official Group): https://www.facebook.com/groups/312799092242913/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunny's POV


Anong problema ng yelong 'to?

Gawin ba naman akong teddy bear?

Kung gusto niya lang pala ng teddy bear , edi sana bumili na lang siya. Ang yaman-yaman tapos teddy bear lang hindi pa mabili-bili.

"Hoy yelo! Kung gusto mo lang pala ng teddy bear"

"Let's go." Maikling sambit niya atsaka ako hinila.

Hindi man halata na mahilig niyang pinuputol ang mga sinasabi ko, 'no?

"At saan naman tayo pupunta, aber?" Tanong ko habang hinahayaan siyang hilain ako.

"Date." Maikling sagot niya.

"Date? Saang lugar 'yon? May mga Hello Kitty ba doon?" Masaya kong tanong.

Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako ng masama.

"Don't start with me woman." Nagbabanta niyang sinabi.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

Start? Nahuntog ba ang ulo nito kaya kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi?

"Hoy baliw na yelo, anong pinagsasabi mong start, ha? Paano ako magsisimula, eh kung wala pa naman akong ginagawa? Atsaka ano bang sisimulan koHOY! IBABA MO AKO!" Sigaw ko sa kanya nang bigla niya akong buhatin na pangbridal style.

"Hoy yelo! Nababaliw ka na talaga! Bakit mo ako binuhat?! Hindi naman ako lumpo"

"Shut up or I'll drop you?" Malamig niyang tanong.

"Tanga ka talaga. Pagkatapos mo akong buhatin na pangkasal, bibitawan mo ako biglaㅡ AAHHH!" Walang hiyang yelong 'to. Bigla ba naman akong bitawan?! Buti na lang kaagad niya akong nasalo. Mamamatay talaga ako ng maaga kung ito ang kasama ko.

Baka ang nakalagay na niyan sa puntod ko, 'R.I.P Sunny "Kitty" R. Villegas. Cause of death: Naatake sa puso dahil bigla siyang binitawan ng isang yelong baliw.'

Ang saklap lang diba? Bwiset na yelo.

Nang makarating kami sa may parking lot ay huminto siya sa harap ng isang black ferrari.

Parang gusto kong i-design ng Hello Kitty ang ferrari niya. Sigurado akong magugustuhan niya 'yon! Tama! Sasabihin ko sa kanya mamaya.

Binuksan niya ito at ipinasok ako sa loob.

Nang makaupo na ako ay sinara niya ang pintuan at patakbong umikot sa driver seat.

"Wear your seat belt." Utos niya.

At dahil isa akong mabait na kitty ay sinunod ko ang utos niya.

Pinaandar niya na ang sasakyan atsaka kami umalis sa academy.

Habang nasa biyahe kami ay may bigla ako naalala.

"Tae naman yelo! Nagcutting class ka na!" Sigaw ko.

"Is it only me?" Tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan.

Anong ibig niyang sabihin? Pati ako?

"Aba't! Hoy! Isusumbong kita kay principal o kaya kay mamang pulis! Kinidnap mo ako para may makasama kang magcutting class, 'no?" Tanong ko.

Nakita ko siyang ngumisi bago sumagot.

"Yeah. Whatever you say, honey." Sagot niya.

Ano daw? Whatever I say?

Tanga talaga 'tong yelong 'to. Yes or no lang ang hinihingi kong sagot, sagutin ba naman akong whatever you say? Naku, sayang wala akong dalang piso para ibigay sana sa kanya at makapaghanap siya ng kausap. Ang magulong kausap katulad niya. Tsk.

Maya-maya lang ay huminto kami sa harap ng isang restaurant.

Ha?

"Ginagago mo ba talaga ako, yelo? Asan ang date dito? Eh wala naman akong nakikitang date, ah. Atsaka huminto tayo sa harap ng Fortune restaurant, hindi Date restaurant. Teka lang, malinaw ba talaga ang dalawang mata mo o baka may diperensya langㅡ" Hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang lumapit sa akin. As in malapit na malapit na isang konting maling galaw ko lang ay mawawala na ang pagkabirhen ng aking labi.

Medyo nagulat ako nang may narinig akong tunog.

"Next time, if you want to gaze at me and admire my handsome looks, ask for my picture. I'm willing to give it to you anyway since your my girlfriend for the mean time." Mahangin niyang sinabi at ngumisi.

Instead of talking to him, binuksan ko na lang ang pintuan ng sasakyan at lumabas.

Peste talaga sa bansang 'to ang may mga makakapal na mukha. Imbes na makatulong sila ay dinadagdagan lang nila ang polusyon sa bansa.

Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant at bumungad sa harap namin ang isang nakangiting waiter.

"Welcome, sir and ma'am. Table for two?" Nakangiti niyang tanong sa amin.

"No. Table for threeㅡ" Hindi ko na pinatapos pang magsalita ang dakilang Mr.Pilosopo dahil kaagad akong sumagot.

"Yes, please." Nakangiti kong sagot na ikinasimangot ng katabi ko.

"Okay, ma'am. Please follow me." Sambit niya bago tumalikod at nagsimulang maglakad papunta sa table namin.

Nang makarating na kami sa mesa namin ay umupo na kami sa upuan.

Ibinigay sa amin ang dalawang menu para makapili kami ng kakainin namin.

Nagsimula nang magsalita si yelo at sinabi ang mga pagkain na pinili nito.

Nang maisulat na ng waiter ang mga inorder niya ay bumaling naman ito sa akin at ngumiti.

Ngunit bago pa ako makapagsalita ay biglang nagsalita si yelo.

"Flirt my girl one more time and I'll kick your ass out of this restaurant." Malamig niyang banta na ikinatakot ng waiter.

"May I kno-know your o-order, ma'am?" Nauutal na tanong ng waiter.

Magsasalita na sana ako nang bigla nanamang umepal si yelo.

"Her order is just like mine so get out of my sight before I'll do something that you won't really like." Nagbabanta niyang sinabi sa waiter kaya dali-dali itong umalis.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga pagkain na inorder namin ngunit waitress na ang nagseserve sa amin.

Tinignan ko si yelo at ang gago ay nakangising tagumpay.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain ay biglang tumunog ang phone ni yelo.

"Excuse me." Wika nito bago tumayo at umalis.

Nang matapos na akong kumain ay dumating ito ngunit medyo galit at iritado ang ekspresyon nito.

"Are you done eating?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Then let's go. As much as I want to continue our first date, we need to go back at the academy because there's an old man who wants to see us." Malamig niyang sinabi.

"Who?" Tanong ko.

"My dad. The real president of the academy is back." Walang emosyon niyang sagot.

Mr. Willford is back?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now