Chapter 21: Checkers

32.9K 1K 23
                                    

Blue's POV


Nandito na kaming lahat sa private room pagkatapos ng eksena kanina.

"So alam na pala ni Ms. Cutie na pinaglalaruan lang natin siya?" Tanong ni Green.

"Hindi niya naman talaga alam sadyang magaling lang talaga siyang observant." Sagot ko.

"Kung ganon, ano na ang plano mo ngayon captain?" Tanong ng kakambal ko.

Ngumisi lang siya na ikinagulat naming lahat.

"Pursue the game." Tipid niyang sagot.

"Eh captain, ano bang game ang sinasabi mo?" Tanong ni Green habang kinakamot nito ang batok niya.

Tumingin si Steven sa kaniya at nagsalita.

"Do you know how to play Dama?" Tanong nito sa kanya.

"Checkers? Oo. Bakit?"

"Sa chess, kailangan mong gumawa ng move na kung saan ang posisyon mo ay hindi makakatakas ang King, unlike in Dama, kailangan mong ubusin lahat ng pieces ng kalaban mo para manalo ka." Sagot ni Steven.

Ano daw?

"Ahh... Okay... Hindi ko gets." Sagot ni Green.

"Stupid. Sa chess, makakasigurado kang may checkmate talagang magaganap hindi katulad sa Dama ay wala kang kasiguraduhan kung mananalo ka ba o hindi lalo na kung parehas na isang piece na lang ang ginagamit niyo ng kalaban mo. Dahil madalas kapag nangyayari 'yon ay tie ang magiging final result sa laban. If you will base the game kay Steven at kay Ms. Villegas, makakasigurado ka rin na baka tie ang magiging kalabasan ng laro dahil alam naman nating lahat na Mr. Pilosopo si Steven at Ms. Pambara naman si Ms. Villegas. They are the opposite of one another. At alam rin natin na kahit isip-bata si Ms. Villegas ay nasa ugali niya pa rin ang pagiging pambara. Alright, let me ask you one thing. Sino sa tingin mo ang mananalo pagdating sa bangayan, ha?" Tanong ni Demon kay Green.

At parang natameme ang kakambal ko sa tanong ni Demon.

Kahit rin ako eh.

Oo nga 'no? Sino kayang mananalo sa bangayan? Parehas lang silang magaling pagdating sa barahan eh.

"See? You can't even answer my question because you are not also sure who will win."

Wait, wait, wait... Parang nakukuha ko na ang punto niya.

"So ang ibig mo sabihin, hindi sila matatalo pagdating sa bangayan dahil parehas silang magaling dito?" Tanong ni Green.

Tumango si Demon bilang sagot.

"At ang tanging paraan lang para may matalo sa kanila ay..."

"Dapat may isang maiinlove sa kanila?" Sabay naming tanong kay Demon.

"Yes. Tulad nga sa Dama, kung ayaw mo ng tie ang final result sa laban niyo ay kailangan mong magpakain sa kalaban mo para merong mananalo at matatalo but it depends kung magpapaubaya ka."

"So one of them should fall inlove deeply to the point na hindi niya na alam kung paanong makaahon pa but that will only happen if one of them will let his or herself fall in love?" Tanong ko.

"Correct." Maikling agot niya.

Lahat kami ay nakatingin kay pardx na nakangisi ngayon.

"Pero paano kung ikaw ang matalo sa sarili mong laro Steven?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin na walang emosyon.

"Do pigs fly?" Tanong niya.

"Ha? Of course not."

"Is there a real pegasus here?"

"Wala."

"Can a new born baby, run?" Tanong niya.

Lumaki ang mga mata ko sa mga tanong niya.

"Impossible." I answered.

"Then it's also impossible for me to lose the damn game." Seryoso niyang sagot.

Napabuntong hininga na lang ako sa sagot niya.

I just hope na hindi kainin ni President ang sinabi niya.


Steven's POV


You'll treat me like a King, if I will treat you like a Queen. But if I will treat you like a game, then you'll show me how it's played? Nice choice of words, Ms. Pambara. However, their meaning are pure nonsense. You can play it better than me? Well then, I can't really wait to see how well you play.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now