Chapter 46: Substitute Leaders

26.6K 850 70
                                    

Third Person POV


"Welcome back, everyone! It seems like our two substitute leaders will be the ones who will play the second game. Well, it's kind of unexpected that our both leaders suddenly disappeared. However, that doesn't mean we will not continue the battle. Let's all welcome the substitute leader of the hetero sections, Louise Fuentes!" Pag-aannounce ng MC na ikinahiyaw ng mga hetero.

Kahit na kinakabahan ay taas-noo pa ring naglakad si Louise papunta sa gitna ng soccer field kung saan nakatayo ang MC.

Nang makarating ito sa gitna ay ngumiti at kumaway ito sa mga ka-hetero niya.

"Next, let's all meet the substitute leader of the first sections, Fraㅡ" Hindi natuloy ng MC ang kaniyang sasabihin nang may biglang dumating na isang lalakeng grade eleven student sa kaniya. May ibinigay itong maliit na papel atsaka ito bumulong sa MC na ikinagulat nito.

Nang makaalis na ang lalake ay muli nanamang nagsalita ang MC.

"Excuse me for the sudden interruption. Again, let's all meet the substitute leader of the first sections, Demon Enriquez!" Pag-announce nanaman nito na ikinasinghap ng mga first sections ngunit hindi rin nagtagal ay nagsimula na silang magsigawan lalo na ang mga kababaihan.

Maraming mga nagbulungan sa first sections tungkol sa kanilang bagong substitute leader.

"Diba si Francis dapat yung substitute leader natin?"

"Hindi ko alam kung paano biglang nagbago ang substitute leader natin pero mas okay ang sub leader natin ngayon. Paniguradong mananalo tayo!"

"Oo nga. Demon Enriquez 'yan eh. Ang lalakeng kaugali ni Steven na hindi rin nagpapatalo."

Samantalang si Louise naman ay mukhang nagulat dahil sa kaniyang magiging katunggali.

"Ano?! Siya ang substitute leader?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanyang sarili habang tinatanaw ang naglalakad na lalake papunta sa kinaroroonan niya.

"Oh sweety, fate brought us together again." Sambit ni Demon sa kaniyang isip na ikinangisi niya ngunit mabilis rin itong nawala.

Nang makarating na ito sa gitna ng field ay ngumisi ulit ito kay Louise atsaka kinindatan na ikinapula ni Louise pero hindi pa rin naaalis ang kabang nararamdaman nito.

"Before we start the second game, pakinggan muna natin ang gustong sabihin ng ating dalawang substitute leaders sa isa't-isa. Ms. Fuentes, what would you like to say to your opponent, Mr. Enriquez?" Nakangiting tanong ng MC atsaka ibinigay ang mic kay Louise.

Kinuha ni Louise ang mic bago nagsalita.

Bagamat kinakabahan ay pinilit pa rin ni Louise ang hindi mautal.

"Mr. Enriquez, I wish you good luck dahil gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang manalo kami." seryosong sambit ni Louise na ikinangisi muli ni Demon.

"Thank you, Ms. Fuentes. Mr. Enriquez, would you like to say something?" Nakangiting tanong ulit ng MC at ibinigay naman ang mic kay Demon.

"Sweety, you don't need to do your best because it's so obvious that we're still going to be the undefeated seniors for this event. But don't worry, I still belong to you and vice versa." Mala-demonyong nakangisi si Demon at muling kinindatan ito na ikinatili ng mga kababaihan.

"Sana matapos na ang araw na 'to." Hiling ni Louise sa kaniyang isip.

"We're just starting sweety. This is going to be fun." Nakangising sinabi ni Demon sa kaniyang sarili.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang