Chapter 39: Battle of Sports

25.9K 864 74
                                    

 Sunny's POV


"Since pangatlong araw na ng War of Gods, good luck sa mga lalaban ngayon. Tandaan niyo ang mga pinaghirapan niyong mga trainings para lamang manalo. Hindi man natin alam kung sino ang mga magiging kalaban niyo pero manalo man o matalo, we're still a team." Nakangiting sinabi ni Kiana at sabay-sabay kaming naghiyawan at nagpalakpakan bago umalis ang iba upang maghanda sa kanya-kanya nilang mga laban.

"Kitty bakit hindi ka pa naghahanda para sa laban mo?" Tanong sa akin ni Babob.

Kinain ko muna ang aking ice cream bago ko siya sinagot.

"Mamayang hapon pa ang laban ko. Ikaw? Bakit hindi ka pa naghahanda eh diba umaga ang laban niyo sa darts?" Tanong ko habang dinidilaan ko ang aking cookies 'n' cream na ice cream.

"Sus. Sandali lang 'yon. Ibabato ko lang yung mga darts, then I'm done." Nakangisi niyang sinabi.

Wow... Ang easy lang pala laruin 'yon. Sana nag ganon na lang ako. Ididikit ko ang picture ni bruha sa dartboard tapos ibabato ko yung mga darts doon sa picture niya. Waaahh! Ang saya siguro n'on!

"Players for darts, please go to your designated rooms. Again, players for darts, please go to your designated rooms. Thank you and good luck." Pag-aannounce doon sa speaker.

"Well, that's my cue. Gotta go! Bye!" Pagpapaalam nito at kumaway pa bago tuluyang umalis.

Pagkaalis ni Babob ay siya namang pagdating ni Milky.

"Saan ka galing?" Tanong ni Kiana.

"Sa office. May itatanong sana ako kay Ma'am Valdez kaya lang wala siya doon kaya dumiretso na lang ako dito. Balita ko rin na nagkakagulo daw sa gym." Sambit nito.

"Bakit naman?" Nakakunot-noong tanong ni Kiana.

"Ang captain daw ng Basketball." Sagot ni Milky na ikinatigil ko sa pag kain ng ice cream.

Si yelo?


Blue's POV


"Captain mababaliw na talaga ako sayo." Sambit ng aking kakambal sa kanyang sarili habang sinasabunutan niya ang kanyang buhok.

"Hala Green! Bromance na ba 'yan?" Kinakabahan-kuno kong tanong habang nakahawak sa aking dibdib ngunit nakatanggap lamang ako ng death glare sa kanya at isang malutong na pakyu.

"Ano ba kasing meron sa badminton na 'yon at 'yon pa ang napili niya?" Tila nababaliw nitong tanong sa kaniyang sarili ulit.

Sa bagay, hindi na ako magtataka pa dahil pinanganak nang may toyo sa utak ang magaling kong kakambal sadyang hindi lang talaga ako nahawaan.

Natigil ang kanyang pagsasalita nang biglang pumasok si Demon na may seryosong aura tulad ni Steven ngunit mas nakakatakot lang ang kay Steven.

"The game will start after ten minutes so all of you, get your fucking asses up. We got a game to win." malamig na sinabi ni demon dahil siya ang tumatayong captain namin ngayon since siya ang co-captain namin at wala rin si Steven na nangsisilbing captain namin.

Nang makaalis na ang lahat ay muli nanamang nagsalita si Green.

"Captain, you may not be a part of our game but I hope you're watching." Saka kami lumabas sa locker room. Sinalubong kami ng ingay at tilian sa loob ng gym.

Napatingin ako sa aking kakambal at napakunot-noo ako kung bakit ito nakangisi.

Tinotopak nanaman kaya 'to? Naku, wag naman sana. May laban pa kami. Mamaya na lang after ng game.

Napalingon ako kung saan ito nakatingin at nagulat na lamang ako sa aking nakita kahit na nasa madilim na sulok ito.

Hindi pala siya tinotopak. Naging totoo lang ang sinabi niya.

Our captain is really watching us from afar. However, with a blank face but it doesn't matter anyway. What matters the most is he is here and he's going to watch our game.

"Don't worry captain. We won't disappoint you. Just watch us play." Nakangisi naming sinabi ng kakambal ko.


Kiana's POV


It's the last quarter of the game at sa ngayon ay magkatie ang score ng hetero at first section kaya mas lalong umiinit ang labanan lalo na't malapit nang matapos ang oras.

"Oh no! There's only ten seconds left everyone! Let's start the countdown! Ten! Nine!" Pagbibilang ng announcer.

Inagaw ni gago ang bola kay Michael. Tangina. Nakakapag-init talaga ng ulo ang gagong manyak na 'to.

"Eight! Seven! Six!"

Pilit na inaagaw sa kanya ang bola ngunit mabilis na dumating ang mga kamiyembro niya at naharangan nila kaagad ang mga ito.

Damn! Don't let those fuckers win, for goodness sake!

"Five! Four!"

Tatlong segundo na lamang ang natitira nang biglang ishoot ni gago ang bola papunta sa basketball ring.

"Three! Two! One!"

Nang matapos ang pagbibilang ay nagsimula nang tumunog ang bell na nagpapahiwatig na tapos na ang laro.

Tahimik ang lahat ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas nang biglang sumigaw ang mga taga-first sections.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita.

Pa-paano niya nagawa 'yon?

Three points for the last three seconds?

"Three points by Green Fuentabella! What an amazing shoot! Let's now see the scoreboard. One hundred points by the hetero sections and one hundred three points by the first sections! Congratulations, first sections of grade twelve! The victory is now yours!" Maligayang saad ng announcer.

Linapitan naman si gago ng mga kateammates niya except sa captain at kakambal niya. Binuhat siya at ang gago ay sayang-saya naman.

Tch. I don't have time for this.

Iniwas ko na lamang ang aking paningin at pinuntahan ang mga basketball players namin.


Green's POV


Damn! Ang buhatin nila ako ng ganito at ipinagchicheer ako ng halos lahat ng mga tao, it feels like I'm in heaven. Fuck! It feels so good.

Napalingon ulit ako sa madilim na sulok ngunit napakunot-noo ako nang hindi ko na makita si captain doon.

Nasaan nanaman 'yon?

Para akong tinamaan ng bola sa ulo nang may maalaala ako.

Fuckingshit! Badminton!

Napatingin ako sa pwesto nila demonyo at ng kakambal ko ngunit hindi ko sila nakita doon.

Fucking assholes! They already left without me?!

"Hoy! Mga putangina! Ibaba niyo ako! Papanuorin ko pa ang laban ng captain ko! Hoy! Punyeta naman oh!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant