Chapter 35: Lovers Quarrel

30.1K 1K 91
                                    

Sunny's POV


Alam niyo ba yung feeling na sobrang importante yung bagay na 'yon para sayo tapos bigla-bigla na lang kukunin sayo? Yung tipong nawala lang ng parang bula. Nakakagago lang diba?

Tapos yung feeling rin na gustong-gusto mo na siyang patayin dahil sa sobrang asar mo sa kaniya?

Ganyan. Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon sa hinayupak na lalakeng nagnakaw ng Hello Kitty sandwich ko.

In fact, I'm already planning a lot of ways on how to kill him slowly.

"Bakit mo kinain ang Hello Kitty sandwich ko?" Malamig kong tanong kay yelo.

"Uhmm... Because I'm hungry?" Inosente niyang tanong.

Bwiset na pilosopong 'to.

"Bakit hindi ka bumili ng sayo? Naghihirap na ba ngayon ang isang Steven Willford?" Mapang-asar kong tanong sa kanya pero mas lalo akong nainis nang bigla siyang ngumisi.

"Because you're my girlfriend and nope, a Steven Willford will never stoop that level." Mapang-asar niya ring sagot.

Napupuno na talaga ako sa kumag na 'to ha. Konting-konti na lang at mabibinggo na 'to sakin.

"Because I'm your girlfriend? Ano ka? Baby?" Nakataas-kilay kong tanong kahit nakakuyom na ang kamao ko dahil sa sobrang gigil ko sa kanya na suntukin siya sa makapal niyang mukha.

"Yes. Why? Am I not your baby anymore?" Nagtatampo niyang tanong.

Ano? Baby ko siya?

"Sira-ulo ka ba? Ikaw, baby ko? Hoy gago, masyado pa akong bata para maging ina kaya wag kang pabebe diyan. Sa laki mong 'yan gusto mo baby pa ang tawag sayo? Hoy lalaking may makapal na mukha, damulag ka na. Wag ka nang mangarap diyan na maging sanggol pa."

O, ano nanaman ang problema nito? Bakit ang sama ng tingin sakin? Wala naman akong sinabing masama ah. Masama na ba ngayon ang magsabi ng totoo? Wala namang nag-inform sakin na may bagong kasalananFUCK!

"Mmm! This Hello Kitty sandwich really taste delicious." Pagpaparinig niya at kinagat pa ng dalawang beses ang sandwich ko.

Bigla nanaman nagdilim ang paningin ko at handa na siyang sugurin ulit nang biglang may humawak sa magkabilang braso ko para pigilan ako.

Tinignan ko ng masama ang demonyong mala-yelo rin ang ugali at ang kakambal ni Berde na hindi nagmana sa kamanyakan niya.

Ang sarap talagang pumatay ng mga epal. Taragis!

"Bitawan niyo ako mga salot sa lipunan! Pakshet kayo! Hayaan niyo akong bigwasan ang hinayupak na 'yan!" Sigaw ko at pilit na inaalis ang braso ko sa pagkakahawak nila.

"You know, you're only embarrassing yourself in front of these people." Nakangising sambit ni yelo.

"Wala akong pake! I won't do this kind of shit if it wasn'tㅡ" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niyang linapit ang makapal niyang pagmumukha sa akin.

Ang sarap gawing panda ang pagmumukha nito.

"Here." Maikli niyang saad at inilapit ang maliit na lang na sandwich sa bibig ko.

Malapit na... Konting-konti na lang...

"Unfortunately, I'm still hungry." Nakangisi niyang sinabi at kaagad na kinain ang maliit na sandwich.

"PAKYU KA ONE HUNDRED TIMES YELO! IBALIK MO SAKIN ANG SANDWICH KO TADO! GAGO! KINAIN MO ANG HINDI PARA SAYO! MALIIT NA LANG NGA IPINAGDAMOT MO PA!" Naiinis at naiiyak kong sigaw.

"Fortunately, what's yours is also mine so that means the sandwich is mine." He smirked that made me more furious.

"BITAWAN NIYO AKO! MAPAPATAY KO ANG SANDWICH STEALER NA 'YAN! HAYAAN NIYO AKONG BIGYAN NG HUSTISYA ANG SANDWICH NA PARA SA AKIN!" Pagwawala ko at pilit na umaalis sa pagkakahawak nila.

"Tangina! Hoy Green! Anong tinatayo-tayo mo pa diyan?! Tulungan mo kami dito! Ang lakas ni Sunny!" Sigaw ni Blue sa kakambal niya.

"Tan-G-A ka talaga! Alam mo naman pala tapos hihingi ka ng tulong sakin na pigilan siya? Hindi ako tanga para gawin 'yon! Pagkatapos niya akong suntukin ng malakas na ikinaputok pa ng labi ko sa tingin mo tutulungan kita? Magpasuntok ka muna at kapag pumutok na ang labi mo baka sakaling sipagin akong tulungan ka." Nakangising sagot ni Berde.

"Fuck you!" Sigaw ni Blue sabay nagmiddle finger sa kakambal niya.

"Pasensya na bro pero hindi kasi ako pumapatol sa mga ka-uri ko baka magkaroon pa ako ng HIV. Marami pa akong gustong ikama na babaeㅡ sabi ko nga mananahimik na ako." Mahinang saad nito nang tignan siya ng masama ni yelo.

"Hoy yelo! Yung sandwich ko ibalik mo!" Sigaw ko.

"Sure thing but first, I need to go to the C.R so that I can give it back to you. Do you want that?" Tanong niya na may kasamang mapaglarong ngisi sa kanyang labi.

Namula ako sa sinabi niya.

Ka-ka-KADIRI!

"Asshole! Isaksak mo na lang diyan sa sikmura at pwetan mo ang sandwich. Ibigay mo na lang kay toilet!"

Paker talaga 'tong yelo na 'to! Makakaganti rin ako sayong hinayupak ka! Isusumbong kita kay mamang pulis! Ipapakulong kita! Ang hello kitty sandwich ko. Huhu...

~>~>>~>

Siyempre, kapag may ginawang eskandalo o katarantaduhan ang isang estudyante, saan ito unang pupunta?

Edi sa principal's office. Kaya lang kasama rito ang anak ng may-ari ng academy kaya saan dapat pupunta?

Edi sa president's office.

Diyan. Diyan kami pinapunta ng principal pagkatapos niya kaming mahuli sa maikling shooting namin sa canteen.

Sinong kasama ko?

Walang iba kung 'di ang hinayupak na nagnakaw ng sandwich ko.

Kami lang daw dalawa dahil kami lang daw talaga ang gumagawa ng gulo kanina sa canteen.

Sa totoo lang, kayang-kaya ko na siyang patayin ngayon o kahit sipain man lang ang BJ niya pero siyempre dahil scholar ako dito, hindi ko na ginawa kahit kating-kati na akong gawin 'yon. Okay na sa akin ung pagsisigaw ko sa kanya kanina.

Pero kung sa ibang estudyante na naooffice ay napapagalitan sila, sa sitwasyon namin ngayon ay ibang-iba sa kanila.

Dahil tinatawanan lang kami ni Mr. Willford at sinabing naiintindihan niya naman daw ang ginawa namin kanina dahil normal lang daw sa amin ang magkaroon ng lovers quarrel.

At si yelo? Ayun, yelo pa rin hanggang ngayon dahil wala nanaman siyang pinapakitang emosyon at sinusungitan nanaman ang tatay niya.

Naku! I should remind myself to buy him a pack of napkins next time. Baka malakas kaya siguro todo ang pagsusungit niya ngayon.

"Okay lovers. Enough of the LQ thing. That won't help your relationship so you better talk to each other and apologize already. Okay?" Nakangiting sinabi ni Mr. Willford pero sinungitan lang siya ni yelo.

"Whatever."

Nainis ako sa inasta niya sa tatay niya kaya hinarap ko siya.

"Hoy, ano ba talagang problema mo ha? Sinusungitan mo na nga yung ibang tao at ako pati ba naman ang tatay mo? Wala ka talagang sinasanto 'no? Ganyan ka ba talagang anak? Walang respeto sa magulang?" Naiirita kong tanong sa kaniya.

He clenched his jaw and looked at me with raging eyes as if I said something that was below the belt.

"Respect? Don't ask me as if you know every shits about me 'cause you know nothing." He said coldly before leaving the president's office.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3


Ms. Pambara meets Mr. PilosopoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant