Chapter 78: Graduation Day

21.4K 878 299
                                    

Phoenix POV

Saglit akong natigilan nang makaalis na siya.

She'll be back? Gusto kong maniwala sa sinabi niya pero kapag naiisip kong may gusto siya kay Ice at lalong-lalo na ay nandito ang lalaking 'yon ay hindi mapapanatag ang loob ko.

Patago ko siyang sinundan at nakita kong hinablot siya ng kaibigan niyang nakasuot ng midnight blue na long gown bago siya yinakap. Dumating rin ang isa niya pang kaibigan na nakasuot ng green na cocktail dress. Narinig kong binati nila si Sunny ng happy birthday at mukhang may ineexplain ata yung kaibigan niyang nakakulay green na dress sa kaniya. Saglit silang nag-usap bago nagpaalam si Sunny na may pupuntahan lang daw siya at tuluyan nang iniwan ang kaniyang mga kaibigan.

Patuloy ko pa rin siyang sinusundan ng patago hanggang sa makarating siya ng garden.

Anong ginagawa niya dito?

Nagtago ako sa may shrub at tumingin sa tinitignan niya.

Shit. I knew it. Kaya pala mas lalong hindi mapanatag ang loob ko nung umalis siya.

Linapitan niya si Ice na ngayo'y nakaupo sa isang bench at tumigil si Sunny sa harapan niya.

Nakita kong nag-uusap sila hanggang sa tumayo si Ice at nagsimula nang maglakad.

Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang pag ngiti ni Sunny bago niya sinundan si Ice.

Napatingin na lamang ako sa taas kung saan kumikislap sa aking paningin ang mga magagandang bituin na nakakalat lamang sa kalangitan.

Ang sakit... Ang sakit palang makita na ang taong mahal mo ay may kasamang iba kahit na ikaw dapat ang kasama niya. Pero mas masakit ang nakikita mo siyang masaya at ngumingiti pero hindi naman ikaw ang dahilan.

Para bang lahat ng mga efforts mo sa kaniya ay baliwala lang dahil nakakayanan siyang pangitiin ng ibang tao effortlessly.

Napailing na lamang ako sa kadramahan ko bago ako naglakad ulit para sundan siya.

Oo masakit pero mahal ko eh atsaka walang-wala 'to sa naramdaman niyang sakit dahil sa akin noon.

Nakita kong nag-uusap sila hanggang sa nabigla na lamang si Sunny sa kung ano man ang sinabi ni Ice sa kaniya. Kumulo ang dugo ko nang makita kong pinupunasan ni Sunny ang kaniyang mga mata.

Aba tangina. Ang lakas ng loob niyang paiyakin si Sunny.

Akmang lalapit na ako sa kanila para bigyan ng isang malakas na suntok si Ice nang makita kong ngumiti si Sunny sa kaniya at may sinabi ito na ikinatingin ni Ice sa kaniya. Kinuha ni Sunny ang kaliwang braso ni Ice at yinakap bago sila muling naglakad.

Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko at hindi na siya sinundan pa.

Sunny, why are you doing this to me?

Umalis na lamang ako sa garden hindi dahil sa sumusuko na ako sa kaniya kundi dahil sa maliit kong sorpresa sa kaniya.

Lord sana po kahit sa huling araw ng birthday niya, pagbigyan niyo naman po ako.

Nang makarating na ako sa sasakyan ko ay binuksan ko ang luggage compartment nito bago ko kinuha ang isang maliit na box kung saan nakalagay dito ang maliit na Hello Kitty cake para sa kaniya. Kinuha ko ang cake mula sa lalagyanan nito at inilagay ang maliit na kulay pink na kandila dito. Isinara ko ang luggage compartment ng sasakyan ko at nagsimula nang naglakad papunta sa may garden habang hawak-hawak ko ang cake.

Pagkadating ko sa may garden ay kaagad ko silang hinanap hanggang sa mapadpad ako sa may fountain kung saan nakita ko silang nakatayo sa harap n'on at may binulong si Ice kay Sunny bago niya inalis ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at tuluyan nang naglakad paalis.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon