Chapter 42: Multo

23.9K 855 55
                                    

Sunny's POV


Nasa likod ako ni Blue habang sinusundan ko siyang maglakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng dark brown na pintuan na may scanner.

Itinutok niya ang kanyang kanang kamay sa scanner at biglang bumukas ang pintuan.

Wow... Ang galing!

Pumasok na siya sa loob ngunit nanatili ako sa labas at itututok rin sana ang aking kanang kamay sa scanner nang bigla akong tawagin ni Blue.

"Sunny," nakangiting tawag nito sa akin.

Muli kong liningon ang scanner bago pumasok sa loob.

Babalikan kita mamaya scanner! Huhu...

Nang makapasok na ako sa loob ay nagtataka kong tinignan si Blue nang hindi ko makita si yelo.

"This is our private room. Kaming apat lang ang pwedeng makapasok dito but since gusto kang makita ni Steven ay kailangan mong pumunta dito." Sambit ni Blue.

"Pinagloloko mo ba ako? Eh wala naman akong nakikitang yelo dito ah." Nakakunot-noong sagot ko ngunit tinawanan lamang ako nito.

Hala! Ang lakas talagang manghawa ng kabaliwan ni Berde! Pati yung kakambal niya nababaliw na.

"I'm sorry. I forgot to tell you that he's in his room, Sunny." Nakangiting sinabi nito sa akin at kumaway pa bago ito lumabas at sinara ang pinto.

Hay naku, magbibigay na lang nga ng impormasyon, kulang-kulang pa. Ni hindi man lang sinabi kung saan ang kwarto ni yelo. Bahala na nga.

Binuksan ko ang lahat ng mga pintuan ngunit hindi ko nakita roon si yelo hanggang sa may nakita akong isang itim na pintuan na medyo nakabukas.

Lumapit ako rito at sumilip.

Nakita kong nakasandal si yelo sa headboard ng malaki niyang kama at may suot itong reading glasses habang seryoso itong nagbabasa.

Pumasok ako sa kwarto niya ngunit hindi pa rin ako nililingon nito.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto.

Black mixed with grey ang theme color ng kwarto niya. Mas malaki ito kumpara sa mga kwartong nakita ko kanina. Organize ang lahat ng mga gamit nito na dinaig pa ako. May malaking flat screen tv ang nakasabit sa wall na kaharap ng king size bed niya.

"Satisfied with my room?" Tanong ni yelo kaya liningon ko ito ngunit patuloy pa rin itong nagbabasa sa librong hawak-hawak niya.

Ako ba ang tinatanong nito?

Tumingin ako muli sa paligid at napagtanto kong kami lamang dalawa ang nasa kwarto niya.

Kung ako ang tinatanong niya, bakit hindi siya nakatingin sa akin?

O baka naman...

Hala! Kinakausap ni yelo ang libro niya! O kaya o kaya... May nakikita siyang hindi ko nakikita.

Nanlaki ang aking dalawang mata sa narealize ko.

Unti-unti akong naglakad palayo ngunit hindi ko pa rin inaalis ang aking tingin sa kanya.

Nang makapa ko na ang pintuan sa aking likuran ay muli nanaman siyang nagsalita.

"And where do you think you're going?" Tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa libro.

Nagsalita nanaman siya! Natatakot na ako. Huhu...

Lalabas na sana ako nang muling nagsalita si yelo.

"Close and lock." Walang emosyong sinabi nito.

Napatalon ako sa gulat nang biglang sumara ang pintuan at narinig ko ang pagkalock nito.

Imbes na mamangha ako sa nakita ko ay mas lalo lamang akong natakot kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kama ni yelo.

Sumampa ako rito at kinuha ang comforter atsaka nagtaklob.

Habang nanginginig akong nagdadasal ay biglang naalis ang comforter na nakataklob sa akin or should I say, inalis ito.

"What the hell do you think you're doing?" Tanong ni yelo habang walang emosyong nakatingin ito sa akin.

Hindi ko siya sinagot at kinuha ang comforter sa kamay niya atsaka muling nagtaklob.

Muli nanaman nitong inalis ang comforter at tinignan ako ng masama.

"Could you please stop doing that?" Iritado nitong sinabi.

"Pe-pero ma-may mu-multo kasi di-dito eh." Nauutal kong sinabi na ikinakunot-noo niya.

"What the fuck are you saying?"

"Pinabless mo na ba 'to? May tito akong pari! Pwede ko siyang tawaganㅡ" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niyang harangin ang kanang kamay niya sa mukha ko upang patigilin ako sa pagsasalita. While his other hand brushed his hair back because of irritation.

Inalis niya ang kanyang kamay sa aking mukha at muli nanaman akong tinignan ng walang emosyon.

"Hindi kita pinapunta dito para lang mag-imagine kang may multo dito." Seryosong saad nito.

Himala. Ang haba ng tagalog ah. Inisin ko kaya palagi 'to at nang masanay naman sa wikang Filipino?

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin at pinapunta mo pa ako dito?" Tanong ko.

"Isn't that I asked you to be my pretend girlfriend slash slave in exchange of your scholarship?"

"Yes. Why?" Nakakunot-noong tanong ko.

"As far as I remember, you haven't done anything as my slave, am I right?"

Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisip 'yon?

"O ngayon?" Bored kong tanong ngunit ngumisi lamang ito sa akin.

Hindi kaya sinasaniban na ang lalaking 'to? Bigla na lang ngumingisiㅡ

Nanlaki ang aking mga mata nang may biglang pumasok sa utak ko.

"You're fucking kidding me." Hindi ko makapaniwalang sinabi.

Inalis nito ang suot niyang reading glasses at inilagay sa side table kasama na ang librong binabasa niya.

Muli itong humarap sa akin at inilapit ang mukha hanggang sa maamoy ko na ang mabango niyang hininga.

"I'm. Fucking. Not. Honey." Nakangising bulong nito sa aking tenga na ikinalunok ko.

Welcome to hell, Kitty.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon