Chapter 69: Flashbacks

23.8K 877 205
                                    

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue 💙 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Green's POV

Habang umiinom ako ng sarsi at kumakain naman ang kakambal ko ng piattos na barbecue ay muli ko nanamang nakita si captain na papalabas ng mall at ganoon pa rin ang madilim nitong aura ngunit mas lalo itong lumala hindi katulad kanina. Napakunot-noo rin ako nang hindi ko makita si Ms. Cutie sa likod niya.

Ha? Natalo si captain sa ibon na 'yon? Ay putakte! Hindi pwede 'yon sakin! Asan na ang ibon na 'yon at nang matusok ko ng straw ko.

Nang makalapit na sa kinaroroonan namin si captain ay akmang magsasalita na sana ako nang bigla akong nabato sa akin kinatatayuan dahil sa hindi ko inaasahang gawin niya na napakabilis.

Unti-unti kong liningon ang hawak-hawak kong plastic ng sarsi ko na ngayo'y may butas na sa gitna at wala na ang kalahati nito dahil natapon na sa may butas ng plastik. Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang kakambal ko na gulat rin ang ekspresyon tulad ng akin at nasa gitna ng kanyang dalawang daliri ang balisong habang ang isa niyang kamay ay hawak-hawak ang piattos niya.

Kinakabahang liningon ko muli si captain at nakita ko itong nakahawak sa handle ng pintuan ng driver's seat. Kaagad naman akong nataranta at mabilis siyang linapitan at pipigilan sana sa pagbukas rito nang mabilis niya rin akong tinutukan ng baril sa noo na ikinatigil ko.

"Kung ang balisong hindi ko natapon ng direkta sayo, itong baril ko ay ipuputok ko mismo dito sa noo mo kung hindi ka pa lilipat sa kabilang pintuan ng kotse at pumasok sa loob bago pa ako makapasok dito." Malamig nitong pagbabanta na ikinaalarma ko kaagad kaya mabilisan akong pumasok sa may passenger's seat at tahimik na nagdasal.

Oh Lord, kayo na pong bahala sa amin ng kakambal ko. Kung may mangyari man po, ako na lang po ang iligtas niyo dahil sa aming tatlo ako lang po ang mas kailangan pa sa mundong ito lalo na po ang mga babae. Ayoko pong magluksa sila dahil lang po sa pagkawala ko. Maawa po kayo sa akin Lord. Patawarin niyo na po ako sa lahat ng mga maling nagawa ko. Promise po, magpapakabait na po ako...

Biglang naputol ang tahimik kong pagdadasal nang bigla paandarin ni captain ng mabilis na mabilis ang sasakyan. Kaagad kong hinawakan ang aking dibdib na ngayo'y parang malapit nang lumabas ang puso ko sa mabilis nitong tibok. Ole shet! Captain kung gusto mong magpakamatay wag mo akong idamay dahil hindi ko kailanman pinangarap 'to! Huhu... Wag ganito captain. Nasa pangarap ko pa ang akitin ang tomboy na Kiana na 'yon. Kaya please lang captain, maawa ka sa heart ko. Huhu...

Steven's POV

That Walker really knows how to get on my nerves.

I accelerated the speed of the car whenever I remember that damn scene earlier.

~Flashback~

After she walked away from us, no one even dared to talk not until Mr. Fucking Walker faced me with full of hatred and anger.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh. Kung hindi ka sana umepal sa magiging date namin eh di sana masaya kami ngayon!"

I only raised my left eyebrow with what he just said.

Well I bet this asshole is still sleeping. He's dreaming of something impossible. Tss. Such an ass.

"Kung dati sinabi ko na hahayaan muna kita, ngayon pinagsisisihan ko na 'yon dahil simula ngayon gagawin ko ang lahat para lang bumalik ulit siya sa akin." He said with full of determination.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now