Chapter 12: PR turns to HR

46.1K 1.4K 52
                                    

Green's POV


Huhu... Ayoko na! Pwede bang magback-out na lang?

"Kung iniisip mong magback-out, well then, think again bro dahil may zero percent na lang tayo para makaescape dito. In short, wala na tayong pag-asang makatakas pa. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na manghihiram ka talaga ng mukha sa aso." Kalmadong sinabi ni Asul.

"Hindi! Hindi maaari! Hindi kailanman mangyayari na magiging aso ang aking napakagwapong mukha. Once in a lifetime na lang nga mabiyayaan ng kagawapuhan ang isang tulad ko tapos ipapapalit lang sa isang mukhang askal na aso?!"

Obvious naman na nasa harap na kami ng PR pero ni isa man sa amin ay walang balak kumatok o magbukas man ng pinto.

Aba siyempre! Kahit sino naman na mapupunta sa sitwasyon namin ngayon ay hindi nito tatangkain na pumasok sa hell room este president's room. Jusko! Baka pagkapasok mo pa lang ay mamimeet mo na si Satanas!

"So... Nandito lang pala ang kambal." Wika ng isang lalaki sa likod namin.

Pagkalingon namin ay nagsimula na akong magdasal kay Lord.

Lord, please guide me today for I will encounter the people in hell. Wag niyo po sana akong hayaan na isama sa mga kampon ng kadiliman o kaya mas maganda ay kunin niyo na lang po ako para hindi na po mahihirapan ang kagwapuhan ko.

Nagdadasal ako dahil nasa harapan ko na kasi si Lucifer este Demon. O diba! Ang sosyal ng impyerno, may taga-assist pa talaga sa amin.

"Hi Lucifer este demonyo pala." Kinakabahan kong bati.

"Hello stupid assholes." Nakakatakot niyang ngiti sa amin.

"Are you ready to enter the hell room?" Tanong niya while showing his evil smile.

Napalunok kami ng malalim dahil sa sinabi niya.

Sinasabi ko na nga ba! Tangina. Impyernong kwarto nga itong papasukan namin!

"Uhmm... Pwede bang after 10 minㅡ"

"Let's go stupid assholes." Sabi niya sabay hawak sa likod namin at tinulak papasok sa HR este PR.

Akala ko pa naman ay makikita na namin si Satanas pero mukhang mas nagulat pa ata kami sa nadatnan namin.

"Shet captain! Mukhang sa langit muna ako ngayon bago ko maranasan ang impyerno. Witwew! Wooh! Ang init! FUck!" Sigaw ko.

Pagkasigaw kong 'yon ay bigla niyang inalis ang mukha niyang malapit sa natutulog na si Miss Cutie.

Tumingin siya sa akin ng nakakamatay na tingin na ikinalunok ko ng malalim dahil sa kaba.

Ang bobo mo talaga Berde!

Ayan na! Papalapit na si satanas! Daddy God, kayo na pong bahala sa akin. 

Pero aminin niya man sa hindi ay nabitin lang talaga siya sa pagtangkang halik niya kay Miss Cutie. Sus! Basic lang 'yan sa akin. Master ko na ang mga galawang ganiyan.

"Well look who's here, the idiot twins." Sabi niya while showing his evil smirk.

Bilib rin ako kay captain eh. Ang galing mag acting na  parang wala man siyang ginagawang kababalaghan.

"Hehe... Hi satan este ca-captain." Nauutal kong bati sa kaniya. Pucha sana hindi niya narinig ang satan.

"Welcome to Hell Room."

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon