Chapter 31: Kiana

39.1K 1K 114
                                    

Green's POV


Ang saya ko!

Hindi lang pala ako kung 'di pati ang kakambal ko.

Ang saya-saya namin ngayon!

~Flashback~

"At saan ka nanaman pupunta, magaling kong kakambal?" Sarcastic na tanong sakin ni Asul habang hawak nito ang kwelyo ko sa likod.

Lord, bakit niyo po ako binigyan ng sira-ulong kapatid? Hindi ba pwedeng medyo matino naman yung ginawa niyong kapatid ko?

Paano ba naman kasi, sinong taong nasa tamang katinuan pa ang hihingi ng tawad kay captain? Sinong taong maglalakas-loob na gawin 'yon?

Ako may kakilala ako.

Ang nag-iisa kong baliw na kapatid.

Binitawan niya ako nang makita niyang may dinadial ako sa phone ko.

"Sinong tatawagan mo?" Nakakunot-noong tanong niya.

Tinignan ko muna siya bago ibinalik ulit ang aking tingin sa phone ko.

"Tatawag ako sa mental hospital. Sasabihin ko lang naman sa kanila na may kapatid akong nawawala na sa katinuan"

"Gago!" Aba't! Nagsalita ang hindi gago. Tss.

Humarap muna ako sa kaniya bago nagsalita.

"Kasi naman kambal, sinong matinong tao ang maglalakas-loob na lapitan at humingi ng tawad kay captain? Parang hinayaan ko na rin si kamatayan na manalo kung gagawin ko 'yon. Kung ikaw handa ka na, ako hindi pa! Hindi pa dahil maraming chix ang magluluksaO-oy! Saan tayo pupunta?! Bitawan mo ako Asul! Putangina mo"

"Putangina mo rin Green kaya manahimik ka na lang diyan dahil nahihirapan na akong kaladkarin ka gamit ang kwelyo mo sa likod. Ano ka? Pachix? Tch." Masungit nitong sinabi.

Ano daw?

Ako? Pachix?

"Sandali, sandali lang." Sabi ko at humarap sa kanya kaya nabitawan niya ang kwelyo ko sa likod.

"Mukhang mali ata ang pagkasabi mo, mahal kong kakambal. Si Green Fuentabella na habulin ng mga babae ay pachix? Tol naman eh. Kambal tayo. Dapat ikaw ang mas nakakaalam ng tungkol sa akin. Tulad ng mas gwapo ako sayo"

"Tutuloy na ba tayo ng maayos o kakaladkarin nanaman kita para lang matuloy tayo? You choose." Seryoso niyang sinabi.

Naglakad na ako at liningon siya.

"Ano pang tinutulala mo diyan? Tutuloy pa ba tayo o hindi na?" Nakataas-kilay kong tanong sa kaniya.

Tinignan niya lang ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at umiling bago siya naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

"Sometimes, I don't get you." Sambit nito nang malapitan niya na ako.

Yeah, yeah, yeah... Whatever. Ipagdadasal ko na lang ang aking napakapoging kaluluwa na sana ay wag maligaw ng landas kung sakali mang humiwalay na siya sa napakahot, macho, at sexy kong katawan.

Pumasok na kami sa private room namin at naglakad papunta sa office niya.

Oo may sariling office si captain sa loob ng private room. 'Yun nga lang ay iba 'to sa president's office dahil siya mismo ang nagdisenyo nito. Hindi naman nagkakalayo ang hitsura nito sa president's office. Kulay black with gray ang office niya ngunit may konting halong asul na nakakarelax sa mata at nakakadagdag ng cool appearance nito.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now