Chapter 20: Game

35.3K 1.1K 115
                                    

Sunny's POV


Ilang araw na ang nakalipas simula nang magkaroon kami ng deal ni yelo.

Ang deal na hindi ko talaga naisip na pwedeng mangyari sa akin.

At ang deal kung saan magsisimula na ang totoong laban.

Pero bago 'yon...

"Ki-kitty." Nauutal na tawag sakin ni Milky.

"Yes, Milky?" Tanong ko habang nakangiti sa kaniya.

"Ba-bakit nakangiti ka? May nangyari bang maganda sayo ngayon?" Tanong niya.

"Hmm? Wala naman. Masama na bang ngumiti ngayon, milky?" Tanong ko habang nakangiti pa rin sa kaniya.

"No, I mean... I just find it weird." Sagot niya.

"Idol ko kasi si Ma'am Palangiti kaya pati ako nahahawa na sa ngiti niya."

"Hindi ba nangangawit 'yang panga mo?"

"Nope! Ba't 'di mo i-try? Ang saya kaya." Masaya kong sagot.

"Ahhmm... I think I'll just pass." Sagot niya at ibinalik ulit ang tingin sa librong hawak niya.

Habang busy akong nagdodrawing na Hello Kitty sa yellow pad ni Milky ay biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng blazer ko.

From: Yelong Pilosopo

Meet me at the stage. Hurry up. I don't like waiting.

Oo, meron na akong number niya simula nang pumayag ako sa deal namin. And wag na kayong magtaka pa kung bakit ganon ang pangalan niya sa contacts ko.

Eh, sa totoo naman, diba? 

"Milky." Tawag ko sa best friend ko.

"Bakit Kitty?"

"Pwede bang magpasama? Punta tayo sa may stage."

"Bakit? Ano bang meron doon?"

"Isang malaking stage, mga tao este hindi ko rin alam. Utos lang ni yelong baliw." Sagot ko.

"Si President?"

"Naku naman Kitty. Sino pa bang yelong baliw dito?" nakanguso kong tanong.

"Sabi ko nga siya lang. Tara! Baka may pasabog 'yon." Sabi niya atsaka tumayo na.

Pasabog?

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Eh... Mi-milky, wag na lang pala tayo tumuloy." Kinakabahan kong sinabi.

"Ha? Bakit naman?"

"Ba-baka kasi pasabugin niya yung stage. Waaahh! Huhu! Ayoko pang mamatay Milky! Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Huhuhu... Hindi pa nga kami nagkikita ulit ni Hello Kitty and friends, eh. Mahal ko pa ang buhay ko lalo na si Hello Kitty. Huhu..." Naiiyak kong sinabi.

Kumunot ang kanyang noo na tila naguguluhan sa aking sinabi pero nang maintindihan niya na ang sinabi ko ay ngumiti siya sakin.

"Tara na Kitty!" Sabi niya at kinaladkad ako.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang