Epilogue

26.7K 981 315
                                    

Keanne's POV

"Uuwi na siya bukas?! Omg! I can't wait na! Miss na miss ko na siya." Excited kong sinabi kayla Milky at Ate Kiana.

Magkakasama kami ngayon sa restaurant kong kakabukas lamang last year.

Pitong taon na rin ang nakalipas simula nang umalis siya ng bansa kasama ang pamilya niya. Parang kalian lang tapos ngayon mababalitaan na lang namin na uuwi na pala siya bukas dito.

Maraming nagbago sa mga nakalipas na taon. Nagkaroon na kami ng mga sarili naming trabaho at negosyo ngayon. Magtatatlong taon na kaming magkarelasyon ni Blue bukas samantalang si ate naman ay mayroon na ring manliligaw. And guess who? It's her mortal enemy, Green! Sabi na eh. Magkakatuluyan rin pala ang dalawang 'yan kahit na liniligawan pa lang siya ni Green. Si ate kasi pabebe muna bago niya sagutin eh alam niya namang mahal niya na si Green. Si Milky at Demon? Sila na at akalain mo ba namang mas lalong naging makulit at sweet ngayon si Demon kay Milky? Haay... Pag-ibig nga naman.

Isa na akong chef ngayon kaya nagpatayo na ako ng isang restaurant na palagi namang dinadalawan ng mga customers. Si Ate Kiana naman ay graduate bilang isang interior designer habang si Milky naman ay isang sumisikat na fashion designer sa bansang France. At si Kitty? Well, she's now a registered medical technologist in America kaya uuwi siya ngayon para makapagbakasyon dito.

Si Steven naman ang kasalukuyang CEO ng Willford Corporation. Siya rin ang current president ng Willford Academy at Willford University. Pagkagraduate niya kasi dapat ipapasa na sa kaniya ng dad niya ang lahat ng mga business nila pero humingi muna ng isang taon si Steven sa papa niya bago niya tatanggapin ang paglilipat sa pangalan niya ang lahat ng mga business nila.

Simula nang ipasa sa kaniya ang mga business nila ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho ng magtrabaho. Pero hindi pa rin niya nakakalimutan na sumama sa amin sa tuwing may outing kaming pinaplano.

There's this one time na may pinakilala sa kaniya si Green na babae but you know what he did? He told her that he's still waiting for someone to come back in his life. Wala mang kasiguraduhan na babalik talaga siya sa buhay niya pero he's willing to take the risk. Natahimik ang babae sa sagot ni Steven n'on bago ito umiyak dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa nasaktan ang babae kundi dahil masyadong nakakatouch ang sinabi ni Steven sa kaniya at napakaswerte daw ng taong hinihintay niya dahil may isang Steven Willford daw na matiyagang naghihintay para sa pagbabalik ng taong mahal niya.

At si Brattina? Ang huling balita ko na lang sa kaniya ay pinapunta siya ng papa niya sa Syria este sa London at doon na siya tumira. Hindi na kami nakibalita pa kung anong nangyayari sa kaniya ngayon because we have no time for that at pake ba namin?

Napagdesisyunan namin ni Blue na i-celebrate ang anniversary namin sa paraang pagpapakain ng mga street children bukas pero siyempre hindi lang kami ang nandoon. We also invited our friends to come and join us tomorrow na ikinasang-ayon naman nila. Sinabi na rin Milky kay Kitty ang tungkol bukas pagkasabi ni Kitty na uuwi na daw siya bukas dito sa Pilipinas.

I'm so excited for tomorrow because after seven years, we'll be complete again.

"Keanne natawagan mo na ba si Steven tungkol bukas?" Tanong sa akin ni ate na ikinalaki ng mga mata ko.

Omg! Oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin kay Steven ang mangyayari bukas.

"Tatawagan ko pa lang." Sagot ko kay ate na ikinatango niya lang.

I started to call him until he finally answered.

"What?" Bored nitong tanong sa akin.

"Can you please cancel your appointments for tomorrow?" Tanong ko sa kaniya.

"Why?"

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon