Thank you

21K 798 276
                                    

After 2 years, natapos na rin sa wakas ang Ms. Pambara meets Mr. Pilosopo. 😭💔

Habang tinatayp ko yung epilogue ay hindi ko maiwasang masaktan kasi parang ayaw kong i-let go ang story nina Steven at Sunny. 💔

Masakit pero kailangan kong magmove on kahit mahirap. 😭💔

Wala pong BOOK 2 ang MPMMP dahil unang-una sa lahat ay marami pa akong mga on-going na stories na kailangang tapusin. And balak ko na tag-iisang libro lang ang gagawin ko para kayla Sunny and friends. Kasi naisipan ko kung gagawa pa ako ng second book ng MPMMP ay hindi na kaya ng imagination ko dahil yung epilogue na lang talaga ang huling pumasok na scene sa isip ko.

Alam kong bitin nanaman siya kaya hindi na ako magtataka kung marami man sa inyo ang magagalit sa akin at mapapangitan sa ending ng story. Pero kasi alam kong medyo cliché ang plot ng story kaya naisipan kong medyo ibahin naman pagdating ng epilogue niya.

Oo at nagkita nga sila pero naputol na nung nagpakilala sila sa isa't-isa. Gusto ko kasing matapos ang story ko na masaya kahit bitin. Ginawa ko siyang bitin hindi lang dahil sa ayaw ko ng clichè para sa epilogue kundi dahil gusto ko na kayo na mismo ang magtutuloy kung anong mga mangyayari sa buhay nila. Alam niyo ba ang novel ni John Green na The Fault in our stars? Yung binasang book ni Hazel na bitin? Yung 'An Imperial Affliction'? Diba bitin rin 'yon? Parang ganon 'to pero yun nga lang nakalimutan ko na yung reason kung bakit binitin nung author yung book na 'yon. 😂 Basta ang sakin ay gusto ko kayong magtutuloy kung anong mangyayare sa buhay ng ating Ms. Pambara at Mr. Pilosopo. 😊

Pero kung gusto niyo talagang malaman kung anong nangyayari na sa buhay nila ay ipapakita ko 'yon sa mga susunod na stories ng mga kaibigan nila. Yes! Magkakaroon ng sariling story sila Blue, Green at Demon and baka gawan ko rin ng book ang The Trios a.k.a Himpapawid brothers. ❤ Ang problema lang ay hindi ko pa alam kung kailan ko sisimulan ang mga stories nila dahil unang-una sa lahat ay wala pa akong naiisip na plot para sa kanila at kailangan ko munang tapusin ang mga stories kong matagal ko nang hindi naa-update. ☺

Hindi ko muna pala ilalagay na completed 'to dahil gusto ko kapag ilalagay ko na 'yon ay narevise na ang book na 'to pero hindi muna ngayon. Tsaka na lang kapag marami na akong free time para i-edit 'to. 😊

MARAMING-MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT SA PAGSUSUBAYBAY NG MS. PAMBARA MEETS MR. PILOSOPO! 🎉😭❤

MARAMING-MARAMING SALAMAT RIN DAHIL NATUPAD ANG WISH KO NA MAG #1 PA RIN SA HUMOR ANG MPMMP HANGGANG SA HULI! 😭💕🎉🎉🎉

HAPPY NEW YEAR EVERYONE! 🎉😘

HELLO 2017! 😄🎉
GOODBYE, MPMMP! 😭💔

UNTIL NEXT TIME, DEAR READERS! 😊👋

JamieeeBlue 💙

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now